Chapter 36: The Reason

722 31 1
                                    

×SOMEONE×

"So ano? Kelan natin haharapin ang Mirae mo?" tanong sakin ng lalaking to.

"Oh well, hindi ko pa alam. Itatanong ko na lang kay--"

"SUBUKAN NYONG IPAHAWAK SI MIRAE AT ANG MGA KAIBIGAN KO! PAPATAYIN KO KAYO!" nilapitan ko si Wendell. Grabe, ang tapang nya.. Tch.

Yumuko ako ng konti, i don't care kung makita nya clivage ko, malay mo, dito pa nya ako magustuhan. "Paano mo ako mapapatay? Kung ikaw ang nakatali dyan at nakakulong? Tss."

-_- kahit mahal ko sya. Hindi ko gugustuhin ang ginawa nya. Ang biglang duraan ako sa mukha.

"Punom-puno na ako sayo ha!" nilingon ko yung kasama ko. "Bugbugin mo to! Pero siguraduhin mong makakahinga pa to, kundi lagot ka sakin! Tatawagan ko lang--"

"Ahh!" sigaw ni Wendell pag ka sipa sa ari arian nya. Napailing na lang ako sabay layo ng konti sa kanila.

[H-hello?]

"Itatanong ko lang.. Kelan kayo pwedeng umabsent?"

[....] aba't ang tagal sumagot ha?

"Hoy sumagot ka! Baka nakakalimutan mo ang trabaho mo sakin.."

[H-ha? Oo..H-hindi ko lang alam. K-kelan nyo ba sila ha-haharapin?] Yan ang gusto ko. Yung natatakot sakin..

"itetext ko sayo kung san ko gusto kayong makita.. Make sure na kompleto kayo, ha?"

[Sige.. B-bye--]

"Bye agad? Hindi pa ako tapos!"

[sabi ko nga.. May kailangan pa ba kayo?]

"Oo meron pa. I want you to kill Matthew... Pag hindi mo iyon ginawa, alam mo na. Bukod sa hawak ko si Wendell.. Hawak ko pa ang kapatid--"

[Sige. Sige gagawin ko. Basta ako ang papatay s-sa gusto kong patayin ah?]

"Oh sure." then I hunged up.

Very good talaga to.

"AHH!" nilingon ko sila, at mukhang nasuntok sya sa tyan kaya sya napasigaw sa sakit.

"Oy, tama na yan. I have a new plan."

"What plan?"

"Basta.. For sure.. HINDING HINDI mo yun pagsisisihan. Hahaha." *evil laugh*

×MIRAE×

Andito kami ng mga kaibigan ko sa school, sa School Garden, dito kasi sobrang tahimik e. Wala masyadong pumapasyal kasi, medyo pangit ang garden dito.. hindi masyado naaalagaan.

Mukhang alam ko na kung sino yung killer..

Sasabihin ko kaya sa kanila? Natatakot kasi ako pag tinanong nila kung ano ang naging kasalanan ko sa killer e.. Dahil alam kong sobrang pagkakamali iyon.

Ayaw kong may lumayo dahil lang sa nalaman nila.. Sa malalaman nila.. Sa ikwekwento ko.. Sa sasabihin ko.. May iba pa kayang paraan para maging maayos to, ng wala ng mamamatay pa?

Hawak nya si Wendell.. At ayaw kong mapahawak si Wendell ng dahil sa akin. Ako ang dahilan kung bakit may pumapatay at may namamatay..

Baka pag sinabi ko sa kanila ang dahilan... Baka sisihin nila ako lalo. Baka layuan nila ako. Baka isisi nila sa akin yung pagkamatay ng mga mahal nila sa buhay.

"Oy, ang lalim ng iniisip mo.. Kung ishare mo kaya?" sabi sakin ni Mirella habang pinitik yung tenga ko.

"Ayaw ko." sabay tungo ko.

Mahirap na at baka...

"Baka ang iniisip mo ay--"

"Yung killer.. Yung dahilan kung bakit pati ikaw tinawag na killer." napatingin kaming lahat kay Tory. Bakit ang seryoso nya? Bakit seryoso ang pagkakasabi nya nun?

"Hindi kasi...Kasi..Hindi kasi mababaw ang...ang kasalanan ko, dun sa.. Sa.. Sa.. Sa ki-killer." sabay tungo ko uli.

Paano na lang kung itanong nila kung ano yung kasalanan ko sa killer?

Sasabihin ko kaya?

"Bakit, Mirae? Bakit ka nga naman nya sinabihan na..ginagaya ka nung killer? Yung pumapatay..rin?" tanong ni Mirella.

"Sorry.." yun lang ang lumabas sa bibig ko e.

Naramdaman kong may humihimas sa likod ko. At sa saglit kong paglingon ng nakatungo, si Warren lang pala.

"Wag kang matakot sabihin, Mirae. Kaibigan mo kami.. Walang magbabago."

"Oo nga. Ako yata ang bestfriend mo. Kaya iintindihan kita..iintindihin ka namin." sagot naman ni Mirella.

T_T tears started to fall. Pero patago.

"S-sinasabi nyo yan kasi..kasi wala kayong alam.." eto. Napatakip ako ng mukha dahil hindi ko na kayang itago ang mga luha sa mata ko.

"Mirae, malay mo makatulong pa kami sa problema mo? Malay mo, may maisip kaming paraan para hindi pumatay yung killer."

Sasabihin ko ba?

Paano ko gagawin?

San ba ako magsisimula?

Ano ba ang dapat gawin?

Sino kaya ang unang magagalit sakin?

"Mirae..."

"Pinatay ko ang Ate ko! Ang Ate niya! Yung Ate nung killer!" nadaan ko sa sigaw ang mga sinabi ko, dahil sa takot. Mas lalong lumala ang iyak ko.. Tama ba na, sabihin ko to sa kanila? Paano na lang kung.. Ayaw kong saktan nila ako. Ayaw kong masaktan. Ayaw!

Saktan na ako nung killer, wag lang sila. Dahil mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko.

"Ano?" di maintindihang tanong ni Pat.

"Hindi ko naman sinasadyang..P-pa-patayin e.. Hindi ko lang kinaya n-ng galit k-ko..Kaya sa galit ko.. Hindi ko sinasadyang, i-itulak sa hagdan si Ate. H-hindi ko sinasadyang Ihu-ihulog pa sya ng tuluyan. Hindi ko sinasadyang, patayin si Ate.. S-sorry.. Sorry.. W-wag nyo akong la-lalayuan." pagmamakaawa ko.

Hindi ko alam pero alam kong dapat nilang malaman..

"that's the reason?" tanong ni Matthew. Tumango ako.

"Nagalit lang ako nung malaman kong.. K-kinuha ako ng peke kong mommy at daddy s-sa pamilya ko. N-ninakaw nila ako.. At sa sobrang galit.. Imbis na y-yakapin ko pabalik si Ate, n-nagawa ko pa syang k-kaladkarin sa labas ng kwarto ko at p-para itulak sa hagdan. G-galit lang talaga ako.. S-so-sobra.. P-pag katapos nun, nagsinungaling ako sa bunso kong k-kapatid, at ku-kunwari mamamasyal kami.. P-pero niwala ko sya.. Da-dahil baka isipin nya.. M-ma-mamamatay tao--"

"KILLER KA NGA!" galit na sigaw nu Andy habang pumalo sa tuhod nya saka nagyukom yung dalawa nyang kamay.

"Hindi..." iiling iling kong sabi.

"Namatay si Kathy ng dahil sayo! Nang dahil sa kasalanang ginawa mo!"

"Pinatay mo ang bestfriend ko nang dahil sayo! Namatay sya kasi pinatay mo yung Ate nung killer!" sisi sakin ni Andy at Pat.

"Sorry.. Sorry, hindi ko--"

"Hindi mo sinasadya? Sinadya mo Mirae! Sinadya mong gumawa ng ikapapahamak namin! Sana idinaan mo na lang sa pagbabagsak ng gamit yung galit mo! Hindi sa pagpapatay ng tao!" putol ni Pat sa sasabihin ko.

Sinasabi ko na nga ba e..

Bakit ko ba sinabi pa?

"Wag nyo ako lalayuan..."

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon