Chapter 16: Pictures

911 43 1
                                    


×MIRELLA×

Nawala lang ako saglit, ang dami ng nangyari.. mga nangyaring di ko inaasahan. Natatakot na ako, dati, wala namang pumapatay nuon ah? Ang saya saya pa nga namin e. Hanggang sa. . .

"Mirae, gising na. . ." Grabe ang sama na nung umaga ko marinig ko lang yung boses nya. Si Mommy.

Lumabas ako ng kwarto ko ng nakasimangot pero nakaayos na ako nun, nakasuot na ako ng uniform. Dun na ako sa kwarto ko naligo, nagtoothbrush at nagbihis.

Umupo na ako sa dining table kumain nung sinangag ni Mommy, mukha namang masarap nagkibit balikat ako saka sumubo ng isa, hanggang sa sunod sunod na.

"Kamusta naman kayo ni Miraena?" Tanong ni Mommy. Nagsama yung tingin ko sa pagkain. . . Ang hilig nitong dumaldal noh?

"Text ko na lang sayo yung sagot. . . Male-late na ako." Sabay kuha ko nugn bag at pipihitin na sana yung pinto ng magsalita uli sya at nanlaki yung mata ko sa sinabi nya.

"Nabalitaan ko ang nanyayari sa school nyo, mukhang delikado, kaya ito na ang last day mo sa pagpasok at lilipat ka na. Hayaan mo ng mapahamak ang best friend mo."

Hindi pwede to, mamaya patayin sya nung killer... Pero pano naman malalaman nung killer na may alam si Mommy? Sa school lang naman napapasok ang. . . Haist, makapasok na nga lang ng eskwelahan!

***
Nakakapagtaka talaga yung kaninang bumunggo sakin. . . Dapat kasi sorry lang ang sasabihin pero bakit may 'Sorry, Mirella' pa?

~FLASHBACK~

Habang naglalakad ako para dun sa kung saan naghahanap ng pasahero ang mga tricycle, may nakabunggo akong babae.

"Sorry..." tumango ako, palakad na nga sana uli ng pigilan nya ako napatingin ako sa kanya pero sya deretso lang ang tingin sa daan. "Sorry Mirella." Saka nya ako binitawan at umalis.

Kilala nya ako? P-paano yun nanyari? Teka! Bakit ba di ko sya sundan? Agad akong napatakbo at patagong sinundan sya. San kaya ang punta nito? Palingon lingon naman sya. . .

At nung lumiko sya, sumilip uli ako pero di ko na sya nakita pa, asan na kaya yun? Alam kaya nyang sinusundan ko sya?

"Uy, Mire--"

"Ay killer!" Gulat kong sabi habang nakahawak sa dibdib. Grabe, kala ko yung sinusundan ko na kanina, si Mirae lang naman pala.

"Di nga? Nakita mo y-yung--"

"Ah! H-hindi ko nakita. May... May sinusundan lang. Hehe. Tara?" Sabi ko habang niyayakap yung kaliwang braso nya, pilit nyang tingnan yung sinisilip ko pero sabi ko ay wag na nyang tingnan.

~END OF FLASHBACK~

"Di ako makaahon." Napalingon ako sa nagsalita, si Mirae.

Nagkunot noo ako saka nagtanong. "Anong di--"

"Nakakalunod."

"Ha? Ano?" Tanong ko uli.

Saka ako tiningnan ni Mirae at natawa ng mahina at pinalo ako sa balikat ng pabiro.

"Kaw kasi, kung ano ano iniisip mo dyan! Haha. Ano ba kasi yun? Share naman dyan oh,"pabirong sabi sakin ni Mirae.

Umiling iling ako. "Wala, iniisip ko lang kung--"

"Oh, anong pinaguusapan nyo?" Singit ni Tory, at umupo sa tabi ko, absent kasi yung nasa unahan ko.

Umiling iling uli kami ni Mirae. "Wala. Wala bang teacher?" Tanong ko,

Umiling rin si Tory. "Wala e, absent. Tapos yung ibang teachers may meeting raw sila na mamayang hapon raw ia-announce satin." Tumango tango ako.

"Mirella, Mirae! Uy, guys!" Tawag samin ni Warren.

Umupo sya sa upuan nya, nagsiuruangan naman kami nung upuan papalapit sa kanya. Kami kami nina Andy at Pat yung naglapitan pati rin naman si Mirae. Kung hinahanap nyo si Betty, ehem ehem, di kami close nun. ^_^

Pinakita samin ni Warren yung hawak hawak nyang picture na parang lumang luma na..

"Oh? Anong meron dito?" Tanong ni Mirae habang kinukuha yung picture. Nagsitinginan kami sa picture na hawak ni Mirae. Oo nga, anong gagawin dun?

"Bagay yung babae't lalaki dito ha." Sabi ko habang tinuturo yung nasa picture.. JS Prom to, halata sa suot nung lalaki at babae e.

Tinuro turo ni Warren yung nasa likod nung babae't lalaki sa picture. "Basahin nyo yan oh."

At binasa nga namin.

"Favorite number.....ano yun? 24? 29?" Tanong ni Patricia habang nakikihawak sa picture.

"24" sagot ni Mirae.

Tiningnan namin si Warren habang binabalik sa kanya yung picture. "Anong connect?" Tanong ko.

"Malapit na rin tayo mag-JS. Pano kung manyari to?" Turo uli ni Warren sa picture.

"Uy, Warren tagal pa kaya." Sabi ni Tory. "May Christmas Party pa tayo.."

Tama nga naman si Tory.

×WARREN×

"Uy, Warren tagal pa kaya." Sabi sakin ni Tory. "May Christmas Party pa tayo.."

'Christmas Party? Pano kung sa Christmas party... manyari to?' Isip ko.

"Pano kung sa Christmas Party to manyari?" Tanong ko sa kanila. "Posibleng buhay pa yata yung killer na to.."

"Kung ganon? Edi dapat dati pa tayong patay. Dati pang ubos ang section na to. Edi dapat kilala na ni Mirae yung killer. Edi dapat, di na lang natin kinuwneto kay Mirae yung past kung may alam sya dahil kilala nga daw sya nung killer."

May point si Andy dun. May isa pa nga pala akong picture, at inabot ko sa kanila, at tinggap ni Mirae saka nakitingin yung iba.

"Ano naman to? Class Picture?" Tanong ni Mirae.

"Ng mga ga-graduate." Sabi ko. Napatingin silang lahat sakin, e obvious naman kasi nakasuot sila ng toga.

"Oh?" Nalilitong tanong ni Mirae.

"Dapat magingat tayo sa mga ganyan. Sa paggraduate natin, sa Christmas Party at sa JS Prom." Sabi ko.

"Oookay?" Sagot nina Tory at Patricia pati si Mirella. Nagtataka parin sila?

*ring ring ring*

"Natawag?" Tanong ko kay Mirella. Tumango sya.. "sagutin mo." Utos ko.

"Hello?"

[M-mirella?] Ni-loud speaker ni Mirella at pinating sa upuan ko.

"Sino ho sila?" Tanong nya.

[Mirella, si Hailey to--]

"Bibisitahin ka na namin." Sabay baba ni Mirella nung phone.

"Bakit mo binaba?!" Naiinis kong tanong.

"Pwede namang sa harapan magusap e! Tara sa hospital."

"Di naman papayag yung guard na--"

"May secret dito para makalabas ng school." Pagputol ni Mirella sa sasabihin ni Mirae.

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon