Chapter 12: Camping II

962 47 2
                                    


×MIRAE×

Tama naman talaga si Tory e, kahit sino naman yata sa amin hindi maco-comportable sa iwasan na to, pero di ba mas maganda yung ganto? Natahimik na yung killer. Pero bakit pati kami bigla ring nananahimik?

Nag groups na kami.

Ako, Mirella, Warren, Hailey at Wendell, ang mga kasama namin sa grupo.

Sa iba naman si Tory, Lucy, Patricia, Matthew, Andy at Betty. Sila naman ang magkakasama sa group.

Nagaayos na kami ngayon ng tents, 10 minutes left at dapat daw tapos na kami dahil mauubos kagad ang oras at baka rin di na makapagactivities.

Time skip

Nasa court na kami ngayon, sinasabi nina Ma'am at Sir lahat ng activites. Pero syempre i-eexplain muna nila yung unang activity na aming gagawin. At yun ay ang tinatawag daw na, 'I can't see you'

Weird right?

Basta yung laro na to, may nakatakip samin na panyo sa mata. Pakikinggan na lang daw namin yung isa naming karupo na hindi magsusuot ng blind fold. Kung ano raw ang maramdaman na papel kukunin. Paano kung red note? Geez. Nagiisip ako ng ganon?

Pagkatapos nun, pag sinabi nung nagga-guide samin na stop na saka namin aalisin yung blind fold at saka maghahanap sa isang room ng pinaka goal namin.

At ang goal namin na yun.. hanapin ang isang finger print na nasa may papel, na may nakasulat na number, tapos yun kukunin at dun na mismo pagdidikit dikitin.

30 minutes lang daw yun.

(A/N: ang baduy nung game? Sensya naman)

"Game starts now!" Sabi ni Ma'am Anna kaya nagsitakbuhan na kami, maliban samin na nakablind fold. Si Hailey ang magga-guide samin dahil natatakot daw syang magblind fold.

"Medyo malapit na ata tayo e. Basta raw diba may maramdaman daw kayong papel? Pupulutin na?" Paninigurado ni Hailey. Nagsitanguhan kami..

"Wait may naramdaman ako sa paanan ko. P-papel ba yun?" Tanong ko.

Mabagal na sumagot si Hailey. "Oo.. p-pero kasi Mi--"

"Okay pupulutin ko na ha?" Sabi ko habang hinahanap yun papel.

"Wag Mirae."

"Bakit naman? Wait nakuha ko na." Sabi ko.

×HAILEY×

Yung napulot ni Mirae. Papel nga pero, hindi number ang nakasulat, Red note sya.

'M-Malas

Ang malas mong babae ka dahil sa di lang malandi at maarte ka, alam kong di mo maitatago ang gagawin ko... Hailey.. It's time'

Yun ang nakasulat, Naglingon lingon ako.. Nandito kami napadaan sa may garden ng school. Napalingon ako sa isang gawi, at napansin kong may nakasilip na bigla ring umalis, nagtago.

Di ko sya nalinawan dahil madilim. Ewan ko ba, hapon pa lang naman pero ang dili na..

Red note yung napulot ni Mirae.

"Ilan na nakuha mo Mirae?" Tanong ni Wendell.

Pinakiramdaman ni Mirae yung papel. "Isa."

Nang may humigit sakin ng konti kaya napaatras ako, nasa leeg ko yung braso nya habang nakatapat sakin ang kutsilyo sa beywang ko. Sino to?

Siya na yung killer? Mirae... Tulong.

"Ssh.." nagtikom ako ng bibig.

"Hailey, andyan ka pa ba?" Tanong ni Mirae.

"Wag kang magsusumbong.." bulong sakin nung boses babae. Nang may nakita akong lalaki naman papalapit kina Warren at Wendell.

Sinuntok nung lalaki sa pisngi at tyan sina Wendell at Warren. Nanlaki yung mga mata ko nung lumingon sya sakin..

Sino ba kasi sila? Kilala ba nila kami?

"Malapit ka ng isunod." Saka sya umalis nagtago na uli.

Tumalikod ako kina Wendell, para kunwari. Wala akong nakita..

"Hailey!" Nilingon ko na sila. Yung kunwari wala akong alam..

"O-oh bakit? S-sumisigaw kayo?" Tanong ko.

Hawak hawak ni Warren at Wendell yung labi nila na may dugo habang nakayuko dahil sinundtok rin sila sa tyan e.

"Sino yun?!" Tanong ni Wendell.

"A-ang aling sino?"

"Yung gumawa nito? Yung sumuntok samin!" Sabi ni Warren habang tinuturo yung labi nyang may dugo.

Nilapitan ko sila at tiningnan yung sugat. "Oo nga noh? S-san kayo galing? A-ah naghahanap lang naman ako dito ng papel ah, para i-ipapulot sa inyo."

"Ayaw ko na... Tara na." Sabi ni Mirella. Bakas sa mukha nya yung takot. "Di bale ng ma-out basta, ayaw ko na."

Gusto ko ng magsumbong.. gustong gusto ko na. Natatakot na rin ako, gusto ko ng sabihin kung sino yung gumawa nun at baka pati yung lalaki e kilala ni Mirae.

Nakamaskara kasi yung lalaki. Sino kaya yun? Kilala ko kaya?

Hinawakan ko yung kamay ni Mirae kaya medyo nagtaka sya. "Mirae, patawarin mo na ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko sayo.. Patawarin mo ako, please give me another--"

"Hailey ano bang nanyayari sayo? Bigla ka na lang nagsosorry? Marami pang bukas.." sabi sakin ni Warren.

Lumapit naman ako kay Warren, saka ko sya niyakap. "Warren.." nagsimula na akong umiyak. "Warren ikaw rin, patawarin mo na rin ako... Mahal na mahal kita Warren, Mahal kita. Sorry sa lahat. Warren, nakita ko yung killer."

Inalis nya yung pagkakayakap ko sa kanya. "Sino sya?"

"Di ko SILA kilala.. Ayaw kong magsumbong ng lahat ng pangyayari, baka hindi makapaghintay ang killer at bigla na lang kayong patayin.. Sorry, sorry sa inyo.."

Naglakad na ako ng nakatalikod lumalayo sa kanila.

"Hailey, lalayo ka--Hailey don't go. Hailey okay pinapatawad ka na namin.. Alam ko naman talagang--"

Tumakbo na ako palayo sa kanila.. Handa na akong magpapatay sa killer. Wag lang sana nila makita bangkay ko.

×WARREN×

Napaluhod ako nung lumayo na si Hailey, sinundan ko sya pero di ko na nakita kung saan sya lumiko. Inalalayan nila ako, himas himas likod ko.. iyak na iyak ako.

"Hailey..."

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon