Chapter 24: Last red note

719 40 0
                                    

×MIRAE×

"Anong mamimiss mo ko?" tanong ko kay Hailey.

 "Ah? Ah, wala. Nagbibiro ako. Malay mo kasi biglang--"

 "Hey, Hailey wag mong sabihin yan."

 "Sabi ko nga. Sorry Warren." tinanguhan lang sya ni Warren.

 "Gusto ko ng umuwi, ngalay na pwet ko dito sa kama na to." sabi ko sa kanila habang sinusubukang umupo.

 
"Mirae, mahina pa--" hinawakan ko sa kamay si Warren at nginitian.

 
"Warren, nahimatay lang ako okay? At uupo lang naman ako." sabi ko. Kaya hinayaan na nya akong umupo. Buti na lang at may mga kaibigan akong alam kong totoo sila sakin.

 
"Ano na kayang pinaguusapan nina Andy at Lucy?" napatingin ako kay Patricia na palakad lakad sa harap ko.

 
"Andyan na si Lucy?"

×ANDY×

"Go, magsalita ka na." sabi ko sa kanya habang nakaiwas ang tingin.

 
Pero napansin ako ang pagbuntong hininga ni Lucy. Ang bagal naman nitong magsalita.

 
"Andy please patawarin--"

 
"Lucy, hindi madaling magpatawad." pagputol ko sa sasabihin nya. "Sabihin mo na lang yung gusto mong sabihin, pero wag yung sorry."

 
"Pero Andy yun lang ang gusto kong sabihin--"

 
"Edi pumasok na tayo." hinawakan ako ni Lucy sa braso pero piniglas ko at binuksan na yung pinto.

 
×MIRAE×

"Oo. Kani-kanina lang. Tulog ka pa kasi e." sabi sakin ni Mirella.

 
"Ah," yun lang ang naging sagot ko. "Pero ngayon naguusap sila sa..labas?" tanong ko. At tumango sila, kaya nakitango na lang din ako.

"Maayos kaya ang usap nila?" tanong ni Matthew pero wala namang pumansin.

 
"Magkakabati na yun. Pumayag nga bigla si Andy na magusap sila ni Lucy e--"

 
"Andy please."

 
"Di pa pala." bulong ni Wendell, sa sinabi nya kanina. Dahil biglang pumasok si Andy sa kwarto habang habol habol sya ni Lucy.

 
"Lucy.." nilingon nya ako.

 
"Gising ka na pala--Andy please sorry." piniglas ni Andy ang pagkakahawak sa kanya ni Lucy sa braso.

 
"Lucy, diba sabi ko wag kang magsorry sakin kasi hindi kita papatawarin!"

 
Napatingin ako kay Wendell na may kinuha sa bag nya. "Ano yan?" tanong ko sa kanya.

 
Napatingin sya samin nina Tory at pinakita yung Popcorn. "Uhh, Popcorn?" nalilito nyang sabi.

 
"alam ko, pero para saan?" natatawa ko namang tanong.

 
"Bitin ang panood mo kung wala ka namang makakain." sabay turo kina Lucy at Andy na panay ang pagsosorry at pagpipiglas ng kamay sa braso.

 
Napatango at napatawa na lang kami ng mahina sa pinagsasabi ni Wendell, humingi kami ng popcorn at nanonood ng live show.

 Title: No 'Sorry' allowed

 Hahaha.

 
"Hoy popcorn ko yan!" sigaw ni Andy samin.

 ***
"Lucy, attend ka sa Christmas Party ha?" sabi ni Patricia with mathcing puppy eyes. Dyan sya magaling e. Haha.

"Okay, titingnan ko." sabay sulyap ng tingin kay Andy na nakaiwas ang tingin. freetime kasi namin ngayon e, dahil sa wala pang teacher absent daw.

 
"AAAAHHH! MIRAE!!!!" nagkatinginan kaming lahat.

 
"Mirae daw?" sabay tingin namin ni Mirella sa isa't isa.

 
"Tingnan natin!" sabay labas ni Warren ng classroom at nagsisunuran kami. Nakita namin ni Matthew na parang may hinahabol papuntang hagdanan, at nakita ko naman na papalabas palang si Wendell.

 
"Hoy! Killer bumalik ka dito!"

 
Napatakbo kami para makita mung sino yun, si... Hailey?!

 
"Hailey!" sigaw ni Warren habang nakapatong ang ulo ni Hailey sa lap ni Warren. "Hailey, please wake up." sampal sampal ni Warren yung pisngi ni Hailey ng mahina.

 
"This will be the last red note, ever." napatingin ako dun sa nagbasa. Si Lucy lang pala.

 
Lumuhod ako hinawakan ko ang kamay ni Hailey. Halatang nilagyan ng tape ang bibig ni Hailey kaya di kagad sya nakasigaw, alam siguro nung killer na walang teacher samin ngayon.

Biglang saglit na magmulat ng mata si Hailey kaya napangiti ako. "Hailey dadalhin ka namin--" naputolang sasabihin ni Warren kay Hailey ng magsalita sya.

 
"M-mirae...Gu-g-gumaganti..S-sya, s-sayo. P-papa-papatayin k-ka nya."

 
"H-Hailey! Gising!" inuga uga ko sya pero wala na talaga. Hiniwaan lahat yung braso nya, para syang kinalmot pero alam kong sa kutsilyo to galing. At yung sa may bandang puso nya, labasan lahat ng dugo, pati sa bibig nya.

 
'Papatayin ka nya.'

 
Sino ba ang gustong pumatay sakin? Bakit damay ang mga kaibigan ko?

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon