Chapter 17: 09985304354 calling...

778 39 3
                                    


×MIRAE×

Gising na si Hailey at pwede na naming malaman ang mga nanyari at manyayari.

"Walang maingay ha?" Bulong ni Mirella samin...

Andito nga pala kami sa secret place na sinasabi ni Mirella, mukha ngang secret place dahil ni hindi ko pa to napupuntahan..

"Mirella, sure ka bang makakalabas tayo dito?" Pabulong kong tinanong.

"Nakalabas na ako dito dati nung tatakas ako ng school." Sagot sakin ni Mirella habang nakaderetso ang tingin.

Hanggang sa nakalabas na nga kami ng school, walang katao-tao pero sabi ni Mirella mga ilang lakad lang daw maririnig na raw yung mga kotseng nadaan. At matagal bago namin yun marating.. Nagsi-tricycle na kaming lahat.

×HAILEY×

"Mommy, nagugutom na po ako." Sabi ko kay Mommy..

"Sige, Hail, bibili lang ako ng pagkain mo sasamahn ka muna nung Ate mo ah. Ley, bantayan mo to." Sagot ni mommy tumango si Ate saka si Mommy lumabas ng kwarto para ibili ako ng pagkain.

Iiwan talaga ako sa babaeng napakalandi na to?

Nagkairapan kami sabay iwasan ng tingin. "Pwede naman kasing ako na lang ang bumili, naiwan tuloy ako sayo.." bulong nya na rinig ko naman.

Nilingon ko sya. "Mas mabuti na kung si Mommy ang bumili, mamaya lasunin mo pa yung kakainin ko!"

Nagkatitigan kami, masasamang tingin ang meron samin ngayon.

"Di ka talaga maka-move on ano? Ano pa kaya kung dalhin ko sya dito?"

"NAKAMOVE ON NA AKO! MALANDI KA LANG TALAGA! PERO NAKAMOVE ON NA AKO!" Sigaw ko.

Umiwas na lang sya ng tingin, masamang tingin, saka nagparinig, "dapat nga di ka nalang muna nagising, lagi kasi syang nandito e. Para bisitahin AKO."

I don't care noh! Sana alam mo yun! Para matigil ka dyan sa pagpaparinig mo!

×MIRAE×

"3rd floor pa pala, tara" sabi ko, nagpindot kami para bumukas yung elevator, naghintay pa kami bago iyon bumukas saka kami pumasok at pin-ress yung number 3.

Pagdating sa Room 225 naabutan namin ang masasamgn tingin nung isang babae at ni Hailey. Napatingin samin si Hailey at napangiti.

"Guys!"

Nagsilapitan na kaming lahat sa kanya, at biglang tumayo yung kasama siguro ni Hailey.

"Oh, Hail, may kasama ka na pupuntahan ko na yung EX boyfriend mo na ngayon ay BOYFRIEND ko." Sabay labas na nun ng kwarto.

Nilingon namin si Hailey. "Sino yun?" Tanong ni Warren habang hinihimas yung buhok ni Hailey.

Umiling iling si Hailey, "si Ate Ley" sagot nya saka ako tiningnan.

"Mirae...." agad kong hinawakan yung kamay ni Hailey, sigurado akong maya maya ay iiyak na to, alam kong maaalala nya ang mga nanyari sa kanya.

"Bakit Hailey?" Taning ko sa kanya.

May isang patak na ng luha ang naglabas sa mata nya. . .

×HAILEY×

~FLASHBACK~

"K-killer?" Sigaw ko sa lugar na tahimik, alam kong dito lang magtatago yung killer e.

"Mukha na pala talaga akong killer sainyo huh?" Agad akong napalingon sa nagsalita, nakita ko ruon ang babae at lalaki nasa harapan ko, papalapit sakin kaya paatras ako ng paatras.

"Alam mo bang... Wala naman talaga kayong kinalaman sa galit ko kay Mirae e.." sabi nung babae habang papalapit nga sakin.

"Pero, sorry Hails...Kailangan e, kasama kasi sa plano." Dagdag pa nya.

At hanggang sa napasandal na ako sa pader. "Ops. Pano ba yan? Wala ka ng maaatrasan...Mamamatay ka na."

"Wag parang awa mo na! Parang awa nyo na!"

At nakita kong inangat nya ang bato at pinagpupukpok sa ulo ko, pero nakakadalwang pukpok palang ng matigil sila.

"HAILEY? IKAW BA YAN?" Malakas na sigaw ang naririnig ko.

"May araw ka saking Hailey ka, subukan mong magsumbong....Sabay sabay kong papatayin ang mga kaibigan mo!" At sinenyasan na nung babae yung lalaki na umalis na at tumakbo at tumakbo nga sila.

Napaupo ako sa pagkakapukpok sakin pero pilit ko paring magtago kaya di ko rin nakita kung sino ba yung nagsalita...

'Akala ko...Akala ko ito na yung last day ko sa mundong to, pero hindi pa yata.'

~END OF FLASHBACK~

"W-wala. Ma-masaya ako kasi nagising pa ako, nakita ko pa k-kayo.." sabi ko sa kanila.

Hinawakan ni Mirae yung kamay kong nakahawak rin sa kanyang kamay. "Hailey sorry... Sorry dahil napapahamak ka rin."

Umiling iling ako. "Dapat nga magthank you kayo sakin e."

"Huh?" Sabay sabay nilang tanong.

Natawa ako ng mahina at isa isa silang tiningnan. "Magthank you kayo sakin kasi ngayon kahit papaano alam nyo kung gano ba sila kadami, alam nyo na di sya magisa."

"Ah, p-pero wala ka bang gustong ikwento samin Hailey? para naman kahit papaano mas malaman namin kung malapit lang ba satin yung killer." Tanong ni Tory.

Umiling iling ako, at di ko inaasahang mapatingin kay Mirella, nginitian nya ako.. "hi" bati nya sakin.

Tumango lang ako saka ako tumingin kay Warren na himas himas ang buhok ko. "Warren, sorry ha?"

Tumango tango sya. "Wag mo na lang uulitin, di rin naman kasi maganda yung ginawa mo e. Binigla mo kami.. Hailey" yumuko ako saka tumango.

Napalingon mana kami sa nagbukas nung pinto, si mommy lang pala. "Ops, sorry, may bisita ka na pala. Wait patong ko lang tong pagkain mo tapos labas na rin ako ah."

At yun nga ginawa ni mommy....

Nagkatinginan uli kaming lahat. "Guys, kung p-pwede uhm...W-wag nyo na akong iiwan? Di ko rin nagustuhan ang lahat talaga e. Uhm..Gusto ko walang mawawala, kung may aalis dapat may magiistay dito." Request ko sa kanila.

Nagsitanguhan sila, napalingon ako sa ibang taong kasama nila, nina Warren.

Nagkunot noo ako, "sino sila?" Tanong ko kina Warren habang tinu-turo yung iba.

Kahit naman sina Warren napakunot noo at saglit na tumingin sa iba nilang kasama, saka ako tiningnan uli nina Warren.

"Sina Andy? Bakit di mo sila kilala?" Tanong ni Tory. Umiling iling ako.. Kelan ko ba sila nakilala?

×MIRAE×

Mukhang delikado to, di kilala ni Hailey sina Andy. Pano yan? Pano magkakaroon ng maayos na kwnetuhan tungkol sa killer kung magkakailangna sila dahil di kilala ni Hailey sina Andy?

"Hailey, walang biro ba yang pinagsasasabi mo?" Paninigurado ko. Aba! Malay mo noh.

Umiling iling si Hailey ng nakatingin kina Andy, nagbuntong hininga ako at isa isang tinuro sina Andy. "Ito.. Si Wendell, Andy, Matthew, at Patricia, tapos si Lucy pa pero wala sya dito e."

Tiningnan ako ni Hailey lang ng may pagtataka. "Kaano ano mo?"

Napatingin ako kina Pat saka binalik ang tingin kay Hailey. "Kaibigan natin sila.."

*ring ring ring ring*

Nilabas kagad ni Mirella yung phone at pinakita smain yung tumatawag.

09985304354 calling...

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon