Chapter 76

3.6K 218 61
                                    

a/n: hi? fordaaaaa helloooo ferson kamusta kayo? may mga lovelife na ba kayo? sanaol pero walang forever.

Chapter 76 : TBSP

Aeriz's POV

Tahimik lang kaming nanonood ngayon ng Despicable Me 1-3 at The Rise Of Gru. 'Yong movie na may mga maliliit na parang alien pero kulay dilaw tas mahilig sa saging.

“Riz, sorry.” napatingin ako kay Nate na nakayuko pero bakas sa mukha niya ang guilt “H-Hindi ko sinabi sa iyo yung tungkol sa pag-gala ng mga kaklase natin kasama si M-Mia dahil ayokong masaktan ka. . .s-sorry na please.”

“Bakit?”

“H-Ha? Anong bakit, Riz????” kinakabahan na tanong niya

“Bakit nanginginig ang boses mo habang sinasabi ang pangalan ni Kimiara? Bakit halos manigas ka sa kinatatayuan mo tuwing nasa malapit si Kimiara? Ano nga bang ginawa niya sa'yo para magkaganiyan ka?” sunod sunod kong tanong sa kaniya

Nakita ko kung paano siya kabahan. Nanginginig ang katawan at labi niya, hindi rin siya makatingin ng deretso sa mata ko.

“R-Riz. . .kasi ano. . .ano e. . .k-kasi dati---”

“Tama na.” putol ko rito nang mapansin kong naluluha siya “Hindi mo na kailangan sabihin, Nate. Naiintindihan kong isang trauma para sa iyo ang bagay na iyon.”

Hindi pa rin kumakalma si Nate kaya naman pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Nang makainom siya ay unti-unti na rin siyang kumalma.

“H-Hindi ko inaakalang magagawa iyon ni M-Mia. . .iba kasi ang pagkakakilala ko sa kaniya.” marinig napapikit si Nate bago niya sinubsob ang mukha sa palad niya “E-Ewan ko kung bakit ginawa niya iyon. . .h-hindi siya ganun, Riz.” humihikbing sabi nito

Lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya kaagad naman siyang yumakap sa'kin.

“W-Wala akong ginagawang masama, p-paano niya nagawa i-iyon, Riz? M-Mabait naman ako 'di ba?”

Anong mabait? Ulol.

“Sabi niya n-noon kapatid n-niya raw ako kasi wala s-siya nun.”

“People changed, Nate. Lahat nagbabago lalo na ang ugali ng tao.” seryosong sabi ko sa kaniya humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin at matiim akong tinitigan

“P-Pwede bang maging exemption ka sa people changed na iyan? A-Ayokong magbago ka, Riz. Ayokong lumayo ka sa'min dahil nandiyan si Mia.” humihikbi pang sabi niya

“Hindi ko kailangang manatili palagi sa tabi niyo, Nate.”

Hindi na naman siya mapakali kagaya kanina “P-Pero mas gusto kita kesa kay Mia.”

“You disliked her because of what she did. Kapag ba ginawa ko rin kung ano mang ginawa ni Mia, mas gugustuhin mo pa rin ba ako kaysa sa kaniya?”

Natahimik si Nate sa tanong ko.

Ngumiti ako sa kaniya bago tumayo “Kukuha lang ako ng ice cream.”

Hindi pa ako nakakahakbang ay narinig ko na ang boses ni Nate.

“Oo. Kasi ikaw si Riz.”

Nawalan ako ng imik sa sinabi niya. Bumaling ako rito at nakita ko naman siyang nakatingala at nakatitig sa akin.

“Ikaw si Ate Riz, kaya mas gusto kita kahit kanino pa.” punong puno ng senseridad ang mga mata niya habang sinasabi iyon

Nakangiting lumapit ako sa kaniya at ipinatong ang kamay ko sa ulo niya.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now