Chapter 29

4.3K 219 7
                                    

A/N:  errors alert!

Chapter 29 : TBSP

Aeriz's POV

Sobrang awkward! Oo 'yan talaga yung nararamdaman ko nanunukso ang tingin na sumalubong sa'min ni Grae, kanina pagbalik sa table namin.

Mga chismosong sperm!

“Riz, sinong crush mo?” nanlaki bigla ang mata ko sa tanong ni Nate!

Inosente lang siyang nakatingin sa'kin ganun na rin si Mac, pero yung iba punong puno ng panunukso putcha!

“H-Ha?” gulantang tanong ko

“Sino raw crush mo.” pag-uulit naman ni Mac habang kumakain lang ng sineserve na pagkain sa table namin

“Crush?” tanong ko ulit

“Sino nga bang crush mo, Riz?” ngingisi ngising tanong ni Kiro, sa'kin

Nagsunod-sunod na ang pagtatanong nila lintek na crush naman o!

“W-Wala akong c-crush.”

Ba't ka nauutal hoy!

Suuuuuusssssssssss!”

Napapatingin na sa'min ang nasa ibang table dahil sa kaingayan ng mga sperm na 'to. Ibabalik ko talaga sila sa amo nilang akala mo pipi dahil hindi nagsasalita!

“Nagtatanong kayo tas hindi kayo maniniwala, bahala kayo sa buhay niyo!” inis na sabi ko sa kanila

“Alam mo ba may nabasa ako dati na abnormal lang daw ang walang crush.” biglang sabi ni Josh

Hala! Hindi naman ganun yun e!

“Bakit lahat ba kayo may crush?” nanghahamon kong tanong

“Oo!” sabay sabay na sagot nila maliban sa tatlo

“O mga tanga hindi lahat, tignan niyo yung tatlo.” masaya ko pang sabi pero bigla namang natawa si Klein

“Si Kiro, may gusto kay Chea.”

Ibulgar ba naman?

“Si Aj, tatahitahimik lang 'yan pero may crush 'yan.”

Ay weh?? Ba't di halataa???

“Si Grae!” bigla siyang ngumisi sa'kin nakatanggap naman siya ng masamang tingin kay Grae “May crush 'yan! Oo meron talaga!”

May parte sa'kin na nalungkot. . .pero meron ding umaasa na baka ako 'yon.

Siraulo, Riz! Sino ka ba ha?!

Kapag kaya nangyari yung panahon na bumalik yung taong nagustuhan niya. . . papansinin niya pa rin ba ko? O baka talagang hindi naman kami pwede?

Kasi kaaway siya ng kapatid ko.

***

Klein's POV

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now