Chapter 59

3.8K 206 26
                                    

A/N: share ko lang. may nagchat sa'kin then ang tanong niya ate, bakit galit si Aeros kay Riz? Dahil mabait naman ako, sasagot ako. Galit si Aeros kay Riz dahil maganda si Riz at mukha'ng octopus naman si Aeros. Charot. Basta malalaman niyo rin soon!

Chapter 59 : TBSP

Kev's POV

Nagtatakang nagpapalipat lipst ang tingin namin kila Riz, Kiro, Aj at Grae na ngayon ay magkakaharap pero walang nagiimikan.

Anong nangyare?

Natapos na yung sayaw namin kaya naman pinuntahan namin sila pero gan'to ang naabutan namin.

“Know your place.” malamig na sabi ni Grae sa dalawa

“I know where's mine.” sagot ni Kiro bago bumaling kay Aj “Do you know yours?”

“I exactly know my place.” sabi naman ni Aj

Patay. Dati akala ko love triangle lang, bakit naging sirkol?

“Ano ba'ng pinagsasasabi niyo?” takang tanong ni Riz

“Nothing.” sabay sabay na sagot nung tatlo

Napakurap kurap si Riz bago sila sinamaan ng tingin.

“Para kayo'ng tanga.”

Mas patay sila dito.

“Kung ano anong sinasabi niyo. Alien ba kayo? Ha?”

Pati alien na nasa mars dinamay.

“Nakakasakit kayo sa atay.”

Sa ulo dapat di'ba?

Sinermonan lang sila ng sinermonan ni Riz habang kami naman ay nakikinig lang sa kanila at pasimpleng tumatawa dahil kapag nagiging malakas ang tawa namin ay sinasamaan kami ng tingin ni Riz.

Nakakatakot.

Matapos ang panenermon nila ay napagisipan naming dumaan muna sa room para ilock yung pinto.

Pero naglalakad pa lang kami papasok sa building namin ay nakarinig kami ng umiiyak.

“R-Riz, m-multo.” natatakot na sabi ni Nate at Mac kay Riz

“Hindi totoo ang multo tangek!” bulyaw naman niya sa dalawa

Habang palapit kami ng palapit ay mas lumalakas ang iyak ng. . .sanggol.

Ano 'yon? Tiyanak?

“Baka tiyanak 'yan, Riz.” natatakot na sabi ko kay Riz pero pinandilatan niya lang ako

“Nasa loob ng room yung baby.” seryosong sabi ni Riz bago tumingin sa'kin

“What? Wala akong alam diyan.” sabi ko naman sa kaniya

Para kasing ako yung sinisisi niya hindi naman ako nagiiwan ng bata dito sa loob ng room.

“Oh?” nagugulat na reaksyon ni Riz nang makapasok sa room

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now