Chapter 62

3.8K 206 24
                                    

A/N: woi ba't niyo sinasabing di pa nakakamove on si Grae ha? hindi niyo ba alam na namana niya sa'kin ang pagiging marupok. Jokee.

Chapter 62 : TBSP

Aeriz's POV

Naging tahimik ang buong byahe at tanging yung radio na lang dito sa kotse ni Grae ang tumutugtog.

Biglang nagpalit ang kanta.

Oh? Alam ko 'yan!

Once in a lifetime by freestyle

Patuloy lang ako na nagha-hum kahit ramdam ko ang pasulyap sulyap na tingin sa'kin ni Grae, pero hindi ko siya pinapansin.

Hindi ako pumapansin ng mga taong marurupok.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik lang kami'ng dalawa kaya nagulat ako nang bigla niya'ng hawakan ang kamay ko nang pababa na ako sa kotse niya.

Nagsusumamo ang mata nito at puno ng pagsisisi.

“Bakit?” tanong ko sa kaniya

Napabuntong hininga siya tsaka binitawan ang kamay ko.

“Nothing. Good night. See you tomorrow.”

Yun lang?

Ge.” tinanguan ko na lang siya bago tuluyan bumaba

Nang matapos ko umakyat sa gate ng bahay kasi sarado na at late na talaga. Bigla na lang akong napasandal sa gate at nasapo ang dibdib.

Ano ba 'tong pinasok ko?

Napailing iling na lang ako sa sarili ko. Tangina. Nagkagusto ako sa taong hindi pa nakaka move on puta.

Walang kabuhay buhay na naglakad ako papasok sa bahay parang walang pakialam kung may makakahuli ba sa'kin kung late ako uuwi o wala basta hindi si kuya Ryle.

Paakyat na sana ako sa hagdan nang may tumikhim naman mula sa likod ko.

“Why are you late, Aeriz Jade?”

Kapag minamalas ka nga naman sa dami ng pwede'ng makahuli sa'king late ako umuwi bakit si kuya pa? E halos nasalo niya lahat ng sama ng loob!

Nakayukong humarap ako sa kaniya dahil alam ko'ng sobra'ng sama ng tingin niya sa'kin.

“K-Kuya. . .”

“Why are you late?”

“K-Kasi may pinuntahan pa ko.”

“And where is that?”

Ayan na nag Q/A na kami.

“Doon. . .”

“Where?”

“Doon sa ano. . .”

“Kapag hindi mo sinabi aahitin ko 'yang bigote mo.”

Nanlalaki matang napaangat ako ng tingin sa kaniya.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now