Chapter 9

5K 241 9
                                    

Chapter 09 : TBSP


Aeriz's POV

"Riz, hati tayo sa baon mo ah?" kanina pa ako kinukulit nitong batang 'to

"Bumili ka ng sa iyo, Nate." sabi ko naman

"Iiiihhhhhh! Hindi nga ako pwedeng bumili sa cafeteria." parang batang sabi niya

"Bakit naman?"

Estudyante siya rito paanong bawal siya bumili sa cafeteria?

"Kasi. . .kasi. . .ahmm. . .tinatamad ako."

Weird.

Napabuntong hininga na lang ako.
"Hahatian na kita." agad naman nagliwanag ang mukha niya

"Yehey! Thank you very so much!"

Eh?

Inirapan ko na lang ito at naglaro ulit sa cellphone.

Habang naglalaro ng candy crush ay may nagpop na message.

Kaagad nanlaki ang mata ko ng mabasa ang message.

From : Unknown number
I miss you, love.

No! Hindi siya 'to!

Maya maya ay may nangalabit na naman hindi ko ito pinansin pero nagpaulit ulit lang siya. Kahit hindi ko sabihin ay alam kong si Nate ito.

"Nate, huwag kang magulo popoksain na kita." suway ko habang hindi pa siya nililingon

Akala ko ay titigil na pero inalog alog pa niya ang balikat ko na para bang hindi ko siya sinasaway!

Ang kulit!

"Oo na nga 'di ba?! Hati na nga tayo sa baon ko eh!" napabuntong hininga pa ako bago humarap

Pero...hindi si Nate, ang nasa harap ko!

"Wala ng bawian iyang sinabi mo ah! Thank you ang bait mo super na sobra pa!" ngiting ngiti niyang sabi

Nasapo ko ang noo ko bago kunot noong tumingin sa kaniya.

"Sino ka?" seryosong tanong ko

Napatakip siya sa bibig na akala mo'y gulat at napahawak din sa dibdib tsaka umastang nasasaktan.

"G-Grabe ka!. . . .hindi mo 'ko kilala?!" oa na sabi niya

"Paano ka niya makikilala eh ang pangit ng mukha mo?" sabi ng kung sino

Napalingon kami sa kaniya. Si Clyden.

"Hiyang hiya naman ako sa'yo, Mr. de Leon!" inis na sabi nitong nasa harap ko at umirap pa

Jusmiyo santisima! Bakla!

"Bakit? Gwapo naman ako ah." inosenteng sabi ni Clyden hinawakan pa ang baba bago bumaling sa akin "'Di ba, Riz?"

Napatirik ang mata ko bago siya nandidiring tinignan. Gwapo nga siya pero hindi parin pasok sa standards ko kaya hindi!

Umiling ako rito "Hindi."

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko habang ang isang nasa harap ko naman ay halos mapahiga na sa kakatawa.

"What the fuck with the noise?!"

Natigil sa pagtawa ang lalake sa harap ko bago napatingin sa may pinto ganoon din ako.

Oh...anong ginagawa nila rito?

"What the fuck are you doing here?" tanong bigla ni. . .teka sino nga ba ulit 'to? Ah. . .! Si Grae!

"Just checking the Black Section, I guess?" nakangising sagot naman ng half brother kong hilaw at napatingin pa sa'kin pero agad din umiwas

"You're being sweet. That's bad." nakangisi ring sabi ni Grae

Wala talagang magpapatalo sa kanila pagdating sa ngisian? Napabuga na lang ako ng hangin bago iiling iling na naglaro ulit sa cellphone ng candy crush.

Isa-swap ko na sana ang isa sa magkapair pero may humablot ng phone ko. Sarkastiko akong napatawa bago mag angat ng tingin sa walanghiya na 'yon.

"Didn't you read the rules? Or you just don't know how to read?" nakangising tanong ni Aeros sa'kin. Nangiinis.

Napakagat ako sa labi para pigilan ang inis sa kapatid kong pinanganak ng may sama ng loob.

"Ak---"

"Give that back to her." naputol ang sasabihin ko ng sumingit sa usapan si Kiro

"Oh. . .the superman." sarkastikong sabi ni Aeros at umasta pang nagulat bago mahinang tumawa

Napalingon ako sa likod niya kung saan tahimik lang ang mga kasama niya maliban sa isang lalake na nakikipag samaan ng tingin kila Clyden.

Bumalik ang tingin ko kila Kiro at Aeros na nagpapalitan ng masasamang tingin. Napairap ako bago mabilis na hinablot mula sa kamay ni Aeros, ang cellphone ko na ikinagulat nila dahil sa bilis pero kaagad din napangisi si Aeros.

"Halatang halata na gawain mong manghablot." makahulugang sabi niya

"Oo. Lalo na kung pagmamay-ari ko." sabi ko na ikinawala ng ngisi niya "Bakit ikaw...? Mahilig kang manguha ng hindi sa iyo... Kanino ka ba nagmana? Sa magulang mo?" dagdag ko na ikinagalit niya dahilan kaya kaagad niya kong dinakma sa kwelyo na ikinagulat ng iba

Psh pikon.

"Oh my god! Babe, hey! Stop it! Let her go!" awat ni Chea kay Aeros ng pilit niya ko kinaladkad at pabagsak na pinasandal sa blackboard

Ngumiti ako rito para mas lalo siyang mainis hindi nga ako nagkamali dahil inangat niya na ang kamao niya ready na para suntukin ako pero...

"Ituloy mo...nang makalimutan ko kung sino ka talaga." mahinang sabi ko sakto lang para siya lang ang makarinig

Inis na ibinaba niya ang kamao at galit na naglakad palabas ng room. Dinig ko pa ang mahihina niyang mura. Humingi pa ng sorry si Chea, sa akin dahil sa inasta ng jowa niya tinanguan ko lang siya kaya lumabas na siya ng room para habulin ang jowa niyang nagaalburoto.

Naramdaman ko agad ang titig sa'kin ng mga kaklase ko kaya naman lumabas ako ng room dinig ko pa ang tawag ni Nate, sa'kin pero di ko na siya pinansin.

Dumeretso ako sa cr at agad na lumapit sa sink tsaka binuksan ang gripo para maghilamos. Nakayukom ang kamao ko habang nakapatong sa sink napapalunok lunok din ako at humihinga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Kumalma ka na, Aeriz..." bulong ko sa sarili ko bago tumingin sa salamin

Muli kong naalala kung paano kami naglalaro ni Aeros, dati....pero bigla na lang siya nagbago dahil lang sa...nasira ko ang pamilya nila...

Ang pamilya niya...

___________________________________________
___________________________________________

mwa

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now