Chapter 63

3.9K 201 17
                                    

A/N: errors alert

Chapter 63 : TBSP

Aeriz's POV

“Late kana nakauwi kagabi, Riz. Bakit?”

Kahit pipikit pikit pa ang mata ko ay tumingin pa rin ako kay tita.

“Pumunta. . .lang po ako kay Sam.” humihikab ko pa'ng sagot

Tangina inaantok pa ko.

Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi e dahil siguro bago ako matulog ay nakatanggap ako ng text.

*Flashback*

Matapos ko'ng magpalit ng damit ay humilata na ko sa kama ko at aktong pipikit na nang bigla namang tumunog ang phone ko senyales na may nag text.

From: Unknown Number
Message: You should know how I badly want to kill your brother earlier when he taught I am you. He's like you, Jade. An annoying stupid. Well, maybe next time! I would love to come again and see him, using the moves I learned from you. Yk, who I am, Jadey.

-from the handsome red eye who'll kill your important person in front of you.

Ps; I am near to them. Black section. Grae.

*End of flashback*

Kinginang text iyon hindi ako pinatulog dahil pinapakiramdaman ko ang kwarto na nasa tabi ko which is yung kwarto ni Lucifer.

Peste. Bakit ba ngayon pa sila nagsisibalikan?

Mor. . .ning.” napatingin ako kay Lucifer na kakababa lang habang naghihikab pa halata'ng inaantok at puyat dahil sa laki ng eyebags niya

Anong nangyari rito? Puyat din?

“Ba't mukha kayo'ng puyat na dalawa?” takang tanong ni tita sa'min

“Nothing. Where's mom?” tanong ni Lucifer

“Umalis sila ng papa niyo, may date 'ata.” natatawang sagot ni Tita

Sa tanda na nila'ng 'yon may nalalaman pa sila'ng date?

Kakaiba na talaga matatanda ngayon, nakikisali na sa mgaa teenagers.

“Papa ko lang.” pangongorek ni Lucifer kay tita na napailing lang sa kaniya

Akala naman niya gusto ko'ng agawin sa kaniya ang tatay niya. Saksak ko pa 'yon sa ngala ngala niya e.

Inirapan ko na lang siya at sinimulang kumain. Nasa dirty kitchen si tita habang patuloy pa rin kami'ng pinagsasabihan na masama ang mag puyat.

Mas masama naman yung taong dahilan ng puyat ko.

Stress na nga ako sa text na 'yon tapos hindi manlang ako tinext o tinawagan ni Grae. Sige bahala siya sa buhay niya'ng kinginang sperm siya.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now