Chapter 50

4.3K 207 21
                                    

A/N: errors alert

Chapter 50 : TBSP

Aeriz's POV

"This will do, right?"

Naaasar na tinignan ko ang pinapatingin sa'kin ni Grae.

Isang garapon ng lollipop.

"Bili tayo ng bili dito, ang tanong may magbebenta ba dun e kailangan pumasok ni Drake?" nakangiwing tanong ko natigilan naman siya at mukhang napaisip

"Oo nga! Hindi ka talaga nagiisip, Grae! Buti pa si Riz. Ang talino mo talaga, babe, pahalik nga."

Salubong ang kilay na hinarap ko si Kiro bago iminuwestra sa kaniya ang kamao ko'ng nakayukom.

"E kung ipahalik ko sa nguso mo 'tong kamao ko?" seryosong tanong ko napasinghap naman siya at agad lumayo sa'min ni Grae tsaka lumapit kay Aj

Kami'ng apat lang ang namimili ngayon dahil tinakasan lang namin yung mga kauri nila lalo na sila Nate at Mac talaga'ng hindi ako nilalayuan jusmiyo.

"Babe."

Napairap ako sa hangin bago lumingon kay Grae.

"Ano na naman?" kanina pa kasi siya sasapukin ko na 'to e!

Ngumisi siya sa'kin "This one or this one?"

Nanlaki bigla ang mata ko sa hawak niya.

"Ipapalunok ko 'yan sa'yo punyeta ka!" singhal ko kaya napapatingin sa'min ang ibang tao

Parang tanga kasi si Grae! May hawak ba naman na sanitary pads! Yung isa whisper ang isa naman sister. Shutangina nito.

"What? I'm asking here nicely, babe." natatawang sabi niya

"Masasapak kita nicely."

Naiiling na binitawan niya ang sanitary pads bago ulit bumalik sa may mga chichirya.

"Kukuha na lang ako ng mapagkakatiwalaan nila para siya ang magbenta kapag wala si Drake." napatingin ako kay Grae dahil sa sinabi niya

"Tingin mo magiging maayos buhay nila ni Dainty?" tanong ko sa kaniya

"Of course. Drake is a responsible person and brother. I'm sure magiging maayos sila."

Pinaningkitan ko siya at mahinang natawa.

"Siguro kung naririnig ni Drake 'yan malamang pumapalakpak na tenga nun."

"Mayabang din yun e, parang ikaw lang."

Ay kinginang 'to.

"Mayabang ako?" napaawang naman ang labi niya kaya pinandilatan ko siya

"Nah-ah. I mean. . .puro katotohanan sinasabi mo."

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα