Chapter 8

5.1K 264 27
                                    

A/N: errors ALERT!

Chapter 08 : TBSP

Aeriz's POV

Ohh. . .brilyante ng lupa hinihiling kong lamunin mo na ko ngayon na.

“I will ask you again. . .why did you do that?” tanong na naman ni kuya Ryle

“Kuya, siya naman ang bumangga sa'kin eh.” nakangusong sabi ko ulit

“Ganiyan din ang sagot mo kanina.” iritableng sabi nito

“Ganoon din kasi ang tanong mo.” bulong ko

“Are you saying something?” taas kilay na tanong ni kuya

“Sabi ko po nagugutom na 'ko.” mabilis na sagot ko

Bumuntong hininga ito bago lumabas ng kwarto ko pero bago makalabas ay nagsalita ulit siya.

“Magbihis ka na. Malapit na maghapunan.”

Paaaaaggkaaiinnnnn!

Mali! mali! Dapat cool lang. Hindi dapat ako umastang patay gutom.

Naligo na ako bago bumaba at dumeretso sa dining nakita ko namang nakaupo na ang pamilya ni Aeros pati sila tito, tita at kuya Ryle.

“Nariyan ka na pala. Upo ka na, Aeriz.” nakangiting aya ni tita

Ngumiti lang ako bago naupo sa tabi ni kuya kung saan katapat ko si Aeros.

Nagsimula na kaming kumain. Nag-uusap ang matatanda tungkol sa business kasama na si kuya.

“Pupunta nga pala sila mama at papa, rito next week.” sabi ni tita patungkol kila harabeoji(lolo) at halmoeni(lola)

“Bakit naman sila pupunta rito?” kunot noong tanong ni mama

Wala bang alam 'to?

Nagtatakang tumingin si tita sa kaniya. Iyong tingin na para bang nananaksak na ng tinidor.

“Next week is dad's birthday, Alliana.” pigil inis na sabi ni tita sa kaniya

“Ohh I forgot.” iyon lang ang nasabi ni mama at nagpatuloy na sa pagkain

Naiiling iling na tumusok ako sa longganisa pero may tinidor din na nakatusok dun.

Nag-angat ako ng tingin nagkasalubong naman ang tingin namin ni Aeros.

“This is mine.” aniya at hinila sa gawi niya ang longganisa

“Mine mo mukha mo. Wala ka namang pangalan na nakasulat dito.” sabi ko rin at hinila sa gawi ko ang longganisa

“If you want you can buy yours.” nakangising sabi nito bago muling hilahin ang longganisa

“Ikaw ang bumili tutal ikaw naman nakaisip eh.” sabi ko at hinila rin ang longganisa

Pero dalawang pares ng tinidor ang pumigil dun.

Ang mga magulang ng demonyong si Aeros Jeisz.

Nakatitig sa mata ni mama na hinila ko sa gawi ko ang longganisa. Hihilahin na nila ng bitawan ko pati tinidor dahil napalakas ang paghila nila tumalsik ito.

Kawawang longganisa.

“How dare you?!” nanggagalaiting sigaw ni mama

“Wala ka talagang galang!” sigaw naman ni papa

Ako pa?

“Walang kwenta.” parinig naman ni Aeros

“Ano ba?! Tama na nga 'yan!” suway ni tito

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo.

“Tapos na po ako kumain.” paalam ko kila tita at lumabas ng dining

Rinig ko pa ang pagtawag ni tita at tito sa'kin pero hindi ko na pinansin.

Hindi ako pwedeng magalit.

Nang makapasok sa kwarto ko ay agad kong sinara ang pinto at nilock bago sumandal dun at sinapo ang dibdib.

“Relax lang, Riz. . . Hindi ka pwedeng magalit.” sabi ko sa sarili habang tinatapik tapik ang dibdib na unti unti ng kumakalma

Binagsak ko ang sarili sa kama at tumitig sa kisame nakita ko pang may nagliligawan na butiki.

“Hindi rin kayo magtatagal.” bulong ko habang nakatingin sa mga butiki

Laking gulat ko ng patungan ng isang butiki yung isa pa.

Shit! Live pa 'ata ang gusto.

Bigla namang bumukas ang pintuan kasabay ng pagtalsik ng doorknob nun kung saan.

Lintek! Sinira pinto ko!

“You!” nanggagalaiting sigaw ni Aeros at kwinelyohan ako

“Ano ba?!” inis na sabi ko bago inalis ang kamay niya'ng nakahawak sa kwelyo ko

“Who do you think you are?! And who gave you the right to do that?!”

Iyong sa dining ba kanina?

“I'm just your wonderful sister.” nakangising sabi ko

“Fuck you! You're not wonderful and for your fucking information you're not my sister.”

Burn.

“Fuck you too.” nakangiting sabi ko tinulak niya naman ako sa may kaya tumama ang likod ko sa pader

Ouch.

Masakit 'yon promise.

Sinamaan ko ito ng tingin at tinulak din siya kaya napaupo siya kasabay ng pagpasok nila tita kasama ang magulang ng mokong na 'to sa kwarto ko.

Agad nilapitan nila mama at Ranzel si Aeros para tulungan tumayo.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” galit na sigaw ni mama

“Bakit hindi ang anak niyo ang tanungin mo?” walang emosyon na sabi ko

Lumapit si papa sa'kin at walang ano ano akong sinampal dahilan para bumagsak ako. Agad naman lumapit sila tita sa'kin para alalayan akong tumayo.

“Wala ka nang ginawang matinong bata ka!” galit na sigaw ni papa---Ranzel pala

Why would I call him papa or dad if he can't act like one?

Namamangha akong napangisi at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko dahil sa lakas ng pagsampal niiya.

“Wala kang karapatang saktan ako. Una sa lahat hindi kita kaano-ano o ka-dugo manlang. Kayang-kaya nga kitang labanan kung gugustuhin ko pero dahil may utang na loob pa rin ako pinipigilan ko sarili ko.” nakangusong sabi ko lalong sumama ang timpla ng mukha niya

“Bastos ka talaga.” tiim bagang sabi niya

“Alam ko. Eh ano naman sa iyo? Huwag kang makialam dahil hindi naman kita pinakikialaman.” matapos sabihin iyon ay iniwan ko sila sa kwarto

___________________________________________
___________________________________________

mwa

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now