Chapter 49

4.1K 207 29
                                    

A/N: errors alert

Chapter 49 : TBSP

Aeriz's POV

Ang titigas talaga ng mga sperm na 'to ayaw talaga'ng sumagot.

“Sa pang-bente-unong-beses na tanong. Saan kayo nagpunta?” paguulit ko pero kaniya kaniya lang sila'ng iwas ng tingin

“Babe---”

“Wag mo ko'ng ma-babe babe, Grae Ezekiel, kung ayaw mo'ng ipukpok ko sa ulo mo ang sofa na kinauupuan niyo.” pinandilatan ko siya kaya parang tuta na napayuko siya

Inilibot ko ang paningin ko sa mga sperm na parang tutang napagalitan.

Hindi nila magawang iangat ang tingin dahil kapag ginawa nila 'yon kung anong bagay ang ibigay sa'kin ni Dainty ay ibabato ko sa kanila.

“Riz---”

“Ate oh.”

Kinuha ko ang throw pillow na inabot ni Dainty at ibinato yun kay Kiro.

“Riz naman e!”

“Eto pa po, ate.”

Sunod na naibato ko sa kaniya ay yung story books ni Dainty.

“Dainty, wag mo'ng bigyan ng kahit ano si ate Riz mo.” dinig ko'ng bulong ni Drake kay Dainty

“Wag ka'ng makikinig sa sperm na 'yan, Dainty.” utos ko

“Ano po'ng sperm?”

Ay potaena.

Natampal ko na lang ang noo ko sa tanong niya.

“Ang sperm ay parang bulate na nanggagaling sa ari ng lalaki pagkatapos mag se---aray!”

Kaagad na hinampas ni Drake ang story book kay Kev at sinamaan ng tingin.

“Tarantado! Tuturuan mo pa ng kahalayan mo ang kapatid ko.”

“Hoy ang sama mo naman! Sex education ang tawag dun!”

Anak ng---nag dahilan pa nga ang gago.

“Manahimik nga kayo!” sita ko “Hindi niyo ba talaga sasabihin kung saan kayo galing?” sabay sabay sila'ng umiling “Okay.” tinalikuran ko sila at naglakad palabas ng sala

Bahala sila diyan hindi ko sila kakausapin hangga't hindi nila sinasabi kung saan sila galing.

Parang mga tanga kasi sasabihin lang kung sa'n sila pumunta parang hirap na hirap pa kala mo naman nakakamatay ang pinuntahan nila kapag sinabi sa'kin.

“Riz!”

“Aeriz!”

“Babe!”

Isa pa 'tong si Grae! Lakas maka-babe sasakalin ko 'to e.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now