Chapter 31

4.4K 219 11
                                    

A/N: errors alert

Chapter 31 : TBSP

Aeriz's POV

"Aeriz Jade, come here."

Nasamid ako bigla sa iniinom ko bago nanlalaki matang humarap kay tita na nasa stage habang anlawak ng ngiti!

"Huy, Aeriz Jade, daw o." bulong ni Nate sa'kin

"Ikaw yun 'di ba? Tawag ka." inosenteng bulong din ni Mac sa'kin kaya napasimangot ako sa kanila

Kahit kelan talaga 'tong dalawang 'to!

"Riz, come here on stage."

Putcha naman! Pati si kuya!

Mariin na kinagat ko ang labi ko bago tumayo, rinig ko pa ang natatawang bulong ni Ysha pati ni manok.

"I'm sure ipapahiya siya nila Kuya Zach." maarteng sabi ni Ysha sumang-ayon naman si manok sa kaniya

Kawawa namang manok 'to.

Nakangiwi akong umakyat ng stage at sinalubong ako ni tita at tito ng matamis na ngiti habang si kuya Ryle naman ayun walang emosyon.

Kaya hindi nagkakasyota 'to e.

"Bakit?" mahinang bulong ko kay kuya nakatanggap naman ako ng sooooobrang samang tingin

Nakakadisappoint ah.

"Come on, Riz. Sing a song for us."

HAAAAAAAA?!!

"A-ano?" gulat kong tanong kay tita

"Just one song, Riz. Pleaseee. . ." sumenyas pa si tita sa'kin ng isa kaya mas nahiya ako lalo na sa mga nanunuring mata ng mga nandito

Mahina akong napabuntong hininga bago kinuha ang gitara na kanina pa inaabot sa'kin ng host.

Readyng ready talaga sila, ako lang hindi.

Napalunok ako matapos mapansin ang seryosong tingin sa'kin ng mga tao na halatang inaabangan nila ang pagkanta ko.

Kainis naman e!

"Sit here." inabot sa'kin ni kuya ang upuan niya naupo naman ako do'n para madalian ako sa pagtugtog
Isinaayos ko muna ang daliri ko sa gitara bago mapait na ngumiti.

Hmm. . .isang taon? Isang taon na akong hindi tumutugtog simula nung umalis siya. . .tindi!

Sinimulan ko ng mag strum kasunod ang pag alulong ko na parang aso. Joke!

"Tulala lang sa 'king kuwarto
At nagmumuni-muni. . .
Ang tanong sa 'king sarili. . .
Sa'n ako nagkamali?

Bakit sa iyo pa nagkagusto. . .?
Parang bula, ika'y naglaho. . ."

Mas naging seryoso ang tingin sa'kin ng mga nanonood ganun na rin ang black section kaya itinuon ko na lang ang paningin ko sa gitara.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now