Chapter 13

4.8K 241 7
                                    

Chapter 13 : TBSP

Nate's POV

Lalo akong napanguso ng nilampasan lang ako ni Riz, at hindi manlang tinignan. Galit ba siya sa'kin?

Nakakapagtaka rin dahil dati ay sa'min na siya tumatabi ni Clyden, sa room pero ngayon bumalik siya sa dating pwesto niya no'ng first day niya. Parang iniiwasan niya kami.

“Anong nangyari kay Aeriz?” takang tanong ni Kev

“Ewan. Di nga ako pinapansin e.” sabi naman ni Clyden

“Ako rin.” nakangusong sabi ko rin

Totoo naman e! Kanina pa ko di pinapansin ni Aeriz! Mula no'ng pagpasok lalo na kahapon kasi linggo! Hindi niya ko nirereplyan sa messenger pati sa Instagram!

“Galit ba siya sa'tin?” nakangusong tanong ko

“Hindi ko alam. Kausapin na lang natin mamayang lunch.”

*****

Grae's POV

Something's not right.....naningkit ang mata ko habang sinusundan ng tingin si Aeriz na hindi manlang pinansin o tinapunan ng tingin sila Nate na sinusubukang iapproach siya.

“What happened to her?” takang tanong ko kay Clyden na nakabusangot ngayon

“Hindi ko alam. Basta hindi niya na lang kami pinapansin.” sagot naman niya

“Hala ka, Nate! Baka nagalit sa'yo no'ng Sabado kasi inagawan mo siya ng ice cream!” nananakot na sabi ni Chard sa kaniya

“H-Hindi naman s-siguro!” kinakabahang tanggi naman ni Nate kaya inasar na naman siya ng mga loko

Iiling-iling na naglakad ako papunta sa pinto para lumabas ng room ng makasalubong ko naman si Kiro na may tumutulong pawis pa sa noo niya.

He....did it again.

“Hey. Where are you going?” takang tanong niya habang nagpupunas ng pawis

“Somewhere. You did it again?”

Natigil siya sa pagpupunas ng pawis at malungkot na tumitig sa mata ko bago pilit na ngumiti.

You know I can't stop.”

Tumango na lang ako at lumabas ng room. Palagi niyang ginagawa iyon lalo na kapag namimiss niya na talaga.

Dinala ako ng paa ko sa rooftop kung saan nakita ko naman si Aeriz, na nakaupo sa isang sulok habang nakayuko. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko na umiiyak siya.

Naglakad ako palapit sa kaniya at huminto sa harap niya. Naririnig ko pa ang mahihinang hikbi niya.

“Hey.” tawag ko

Nag angat siya ng tingin agad kong napansin ang tsokolate niyang mata na punong puno na ng luha.

“What happened?” I asked but she didn't respond instead she just wiped her tears using the back of her hands

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]On viuen les histories. Descobreix ara