Chapter 69

3.9K 211 69
                                    

A/N: tagal ko ba mag update? huhuuu sorry natambakan kasi ako ng sw, kakarp ko 'to.

Chapter 69 : TBSP

Aj's POV

Minsan talaga hindi ko maintindihan ang ugali ni Riz.

Parang wala siya sa sarili mula nang makabalik siya galing cr. Siya na yung taong may nakitang hindi niya nagustuhan sa lugar kung saan siya galing.

Pero sino?

“Riz, hindi mo naman kailangan kabahan sa pageant. Maganda ka.” dinig kong pagpapalakas ng loob sa kaniya ni Kev

Hindi naman mukhang kinakabahan si Riz.

Walang emosyon yung mata niya, parang tumitingin lang siya sa mga bagay na walang kwenta. Parang hindi siya si Riz.

“Bilisan na natin.” utos ko sa kanila bago bumaling kay Riz “Riz, you only have 30 minutes for the preparation.”

Akala ko magtatanong siya pero nakatingin lang siya sa'kin bago ibaba ang tingin sa phone niya at doon tinignan ang oras. Nang humarap siya sa salamin ay kinuha na muna niya ang hair tie na nasa braso niya bago puyudan ang sarili.

Napakasimple ng puyod niya, isang messy bun lang iyon na may tira sa magkabilang gilid niya.

Naglagay na rin siya ng make up, bago siya muling humarap sa amin.

Hindi ko malaman kung normal pa ba ang tibok ng puso ko ngayon. Sobrang bilis at ramdam ko rin ang pagtagaktak ng pawis sa noo ko.

Huy. Okay ka lang ba?” nabalik na lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang nagtatakang boses ni Riz

“Hindi---O-Oo okay lang ako.”

The fvck.

Napalingon na lang ako sa may pintuan nang pumasok ro'n si Grae at Kiro pero agad din silang napahinto habang nakatitig kay Riz.

“Kapag kayong mga sperm ay hindi umayos ihahampas ko ulo niyo sa pader.” pagbabanta ni Riz dahilan para magiwasan kami ng tingin sa kaniya

Ang ganda niya kasi talaga hindi ko mapigilang nakawan siya ng tingin pero minsan ay nahuhuli niya kaya nakakatanggap ako ng masamang tingin galing sa kaniya.

“L-Let's go. Malapit na nag start yung pageant.” ilang beses pa akong tumikhim bago masabi iyon tsaka nangunang maglakad palabas

---

Aeriz's POV

Ang weird talaga ni Aj.

Napaangat ang kilay ko kay Kiro, nang akbayan niya ko. Akmang aalisin ko iyon pero tinapik na ni Grae ang braso ni Kiro na nakaakbay sa'kin.

“Fvck off, Kiro.” seryosong sabi ni Grae rito bago niya hinawakan ang kamay ko

Seloso ka talaga.” pang aasar naman ni Kiro

Ayan na mag aasaran na naman silang dalawa kaya bago pa mangyari iyon ay binigyan ko na sila ng tig-isang sapok.

“Tumigil nga kayong dalawa para kayong tanga.” inis na sabi ko sa kanila bago ko sila iniwan at lumapit kila Nate

“Hi ganda.” nakangising bati ni Kev sa'kin

Itong lalaking 'to, may anak na't lahat napakalandi pa rin.

Inirapan ko na lang siya bago umakbay kila Nate at Mac, tsaka kami sabay na lumabas ng room.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now