Chapter 58

4K 194 16
                                    

A/N: errors alert

Chapter 58 :

Aeriz's POV

Bumalik na kami sa gymnasium dahil in-announce na, na magsisimula na ang contest.

Sila Daryl, Kev, Mac, Josh at Angelo ang sasayaw kaya naman nasa likod kami para manood at hindi makipagsiksikan sa mga tao na nasa harap.

Dahil huli pa ang  mga sperm ay nakikipagdaldalan muna ako kay Nate na ngayon ay panakaw nakaw ng tingin kay Haven na hindi naman siya sinusulyapan.

“Kung gusto ka niyan, titingin 'yan.” pagpaparinig ko sa kaniya

Psh! Mahal ako niyan! Ikakasal na nga kami e!”

ANO?!

“A-Anong sabi mo?” kunot noong tanong ko

Bumadha ang gulat sa mukha niya dahil maski siya ay nagulat sa sinabi niya.

“Ay nadulas.” kagat labi niya'ng sabi

“Nate nate, anong sabi mo? Ikakasal na kayo ni Haven?” paniniguro ko parang bata naman siya'ng tumango “Ha? Paano?!”

“Arrange marriage 'yon. Bata pa kami, sabi ng parents namin kami raw ang ikakasal.” nakangusong sagot niya habang pinagkikiskis ang mga kuko

“E bakit pumayag ka?” takang tanong ko

Seryoso ba? Arrange marriage? Putcha ang hirap nun. Magulang mo yung nagdedesisyon para sa'yo.

“Syempre!” kaagad na sagot nito at malapad na ngumiti “Gusto ko siya e hihihi.”

Ang panget naman nito kiligin.

Pero ang sama lang na kontrolado ng parents nila ang buhay nila kaya maski ang taong pakakasalan nila ay parents nila mismo ang namimili.

Ayoko ng ganun.

Kahit pa isumbat nila sa'kin na pinalaki nila ko ay hindi ako papayag na basta basta na lang nila itali sa taong hindi ko gusto.

Manigas sila.

“Wag mo'ng isipin 'yang arrange marriage na 'yan ni Nate.” biglang sabi ni Kiro na nasa likuran ko “Kapag nalaman niya kung ano talaga ang gusto niya, hindi na magagawa ng parents niya na kontrolin ang buhay niya.” dagdag niya

“Ha? Paano?”

Masunurin si Nate, lalo na kapag inaatake ng pagigiging isip bata niya, pero kapag nalaman niya ang gusto niya hindi na siya magagawang pasunurin ng magulang niya.”

Hindi ko maintindihan pero nagets ko'ng matigas ang bungo ni Nate.

Napabuntong hininga na lang ako bago muling tinuon ang atensyon sa harapan nang tawagin na ang section namin at naglabasan yung lima.

Kahit mga sperm sila ay marami pa ring kababaihan at binabae ang nag tilian at chineer sila.

Iba talaga kapag gwapo, kahit gago maraming may gusto.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now