Chapter 67

4K 219 29
                                    

A/N: errors alert

Chapter 67 : TBSP

Aeriz's POV

“Hah! Baka ikaw naman talaga ang pakay ng mga taong 'yon, at maski anak ko nadamay sa kaguluhang ginawa mo!”

Nag iwas na lang ako ng tingin habang sinisigawan ako ng mama ni Lucifer masama naman ang tingin sa'kin ni Ranzel.

“Ano? Bakit hindi ka makasagot? Dahil totoo! Sa pagiging basagulera, bastos at brutal mo maski anak ko'ng inosente nasasaktan nang dahil sa'yo!”

“Baka gusto mo'ng dagdagan pa?” puno ng sarkasmo ko'ng tanong

“W-What?!”

“Basagulera, bastos, brutal, gago, tarantado, walang kwenta at anak sa labas.” seryosong sabi ko agad naman akong sinita ni kuya Ryle pero hindi ko siya pinansin “Palaging ako ang napapansin mo, bakit hindi ang sarili mo ang pansinin mo? Bilang pabaya at walang kwentang ina, dahil kagaya ko isa ka ring makasalanan---”

*PAK*

Sinampal niya ko.

“Tita!” sita ni kuya pero hindi siya pinapansin ni mama

“Wala ka'ng puso!” nanggigigil na sigaw niya sa'kin

“Meron ako nun. Pinatigas mo lang.” sabi ko “Bago mo pansinin lahat ng kamalian ko, pansinin mo muna lahat ng pagkukulang mo bilang ina ko. Dahil kahit kailan hindi mapapantayan ng pagiging bastos ko ang pagkawalang kwenta mo bilang ina.”

“How dare you?!”

“You dare me!” nanlalaki matang sigaw ko rin

Parang aatakihin na sinapo niya ang dibdib niya kaya agad siya'ng inalalayan ng pinakamamahal niya'ng asawa.

Naghirap akong dalhin ka sa loob ng siyam na buwan! Tapos ganito lang ang igaganti mo sa'kin?!” panunumbat niya

“Fvck that nine months! 3 years! Tatlong taon akong nanatili sa ampunan noon, dahil doon mo ko iniwan matapos mo ko'ng ipanganak.” puno ng galit na sabi ko Lumaki akong walang ina. Tanging mga madre lang at bata ang kasama ko. Sa unang hakbang ko nandun ka ba? Wala ka nun kaya wala ka'ng karapatang isumbat sa'kin ang siyam na buwan na dinala mo ko! Dahil kahit kailan, hindi mo nagawang gampanan ang obligasyon mo bilang ina ko!”

Hindi nagbabago ang sama ng tingin niya sa'kin pati na rin ni Ranzel.

“Gusto mo ba malaman kung bakit ganito ang trato ko sa'yo?” nanghahamon ang tinig na sabi ni mama

Parang may naguudyok sa'king pakinggan ang sasabihin niya pero meron ding tumatanggi.

“Dahil masamang tao ang ama mo!” hindi pa ko nakakasagot ay sinabi na niya ang dahilan “At isang pagkakamali na pinatulan ko siya dahil ikaw ang naging bunga no'n!”

Kumuyom ang kamao ko at pailalim na sinamaan siya ng tingin.

“Masama siya'ng tao? Mas gugustuhin ko ng makasama ang tulad niya, kesa sa'yo na asal mabuting ina sa harap ng iba pero walang kwenta naman.” sabi ko at akmang sasampalin niya na naman ako pero agad ko iyong sinalag at pabagsak na binitawan ang kamay niya “Wala ka'ng karapatang saktan ako, sino ka ba sa tingin mo?”

Napatingin ako sa kamay ko nang hawakan iyon ni kuya Ryle.

“Tama na, Riz. Pumunta ka na sa kwarto mo.” mahinahong sabi niya

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now