"See you when I see you?" Patanong na sabi ko. Tumango si Ellouise at nagtaka naman ako ng bigla siyang humakbang papalapit sa akin.

Umurong naman ako at muntik ko pang matumba ang tatlong trash can! Buti na lang na salo ko. Ang galing!

"I just wanted to hug you." Sabi naman ni Ellouise at bahagyang lumayo na sa akin.

Bigla ay na guilty na naman ako. Hindi ko alam sa buhay ko. Akala ko sasakalin ako eh. Kase naman alam nila na ayaw ko silang kausap. Bad moments.

"Usap na lang tayo kapag nagkita ulit tayo..." napatingin ako ngayon kay Errol.

Nakasimangot siya habang nakatingin sa akin. Na bigla ako pero na sabi ko na kaya wala ng bawian. Peksman.

"Alis na ako." Paalam ko at tipid na ngumiti.

"Paano ka nakakasiguro na magkikita ulit tayo?" Natigilan ako sa tanong ni Errol kaya hindi natuloy ang paglakad ko para malampasan si Ellouise.

I cleared my throat.

"Ah... coincidence." Sabi ko nang makaisip ako. "Sabi nga nila, kung kayo, kayo." Nag kibit balikat ako at umiling.

"E 'di ganon din tayo? Kung tayo, tayo? Kunwari." Natigilan ako sa tanong niyang muli.

Hindi ko na alam kung anong isasagot ko do'n! May jowa siya tapos sasabihin niya 'yon? Wews. Magloloko pa ata siya sa harapan ng girlfriend niya. Kapal ng mukha.

"Kailangan ko ng umalis. Kailangan na ako ni ate Deane." Sabi ko para naman pakawalan na niya ako.

Atchaka ang awkward talaga! Hindi ba napapansin ng babae na niloloko na siya nito? But Errol isn't a type of guy that will cheat.

"Kilala mo siya 'di ba?" Tanong ko kay Errol. Napahawak ako sa bewang ko. Tumango naman si Errol. Matamlay pa rin ang mukha. "Kailangan ko na talagang umalis. Aalis na rin dapat ako kanina kaso nakita ko kayo! Gandang bungad!" I clapped my hand one time.

Para naman hindi awkward.

Tumingin ako kay Ellouise. Tinaas ko ang kilay ko. Pinapahiwatig ko na tulungan niya naman ako. Sawa na ako mag sabi para hindi awkward.

"Fine. Pwede ka ng umalis..." mahinang sabi ni Errol.

I know that he doesn't want to let me go but it just that I am not ready to face him. Lalo na't may kasama siyang babae na posibleng sila na pala. Open minded lang ang babae dahil baka na sabi sa kanya ni Errol na kapag nagkita kami ay mag uusap? Gano'n.

Napayuko ako.

Ano kayang nararamdaman niya? Na ayaw ko siyang kausapin? Ayaw ko naman iparamdam sa kanya na may mali kahit wala naman talaga. Kapag siguro handa na ako.

Baka.

Baka kaya ko na siyang kausapin. Kahit may kasama siyang babae. Baka kaya ko na. Baka.

I waved my hand to bid my goodbye to him and smiled a bit.

"Pakyu!" Sigaw ko at tumakbo papalayo do'n sa lugar nila Jillian.

Nang makalayo naman ako ay tumingin ako sa kanya. Dumila ako habang patalikod na naglalakad. Napansin kong nanlaki ang dalawang mata niya at may tinuro. Napakurap kurap ako bago ako lumingon sa likod ko.

Sakto tumama ang mukha ko sa dibdib niya.

"Tangina!" Sigaw ko sa sakit. Napahawak ako sa mukha ko at lumayo sa kanya. "Hoy! Dumadaan ako!?" Sarkastikong tanong ko at tinuro ang dinadaanan ko.

Nanliit ang dalawang mata niya. Parang na offend pa siya sa ginawa kong pag sigaw.

"Miss-"

"Gagi, miss mo na ako kaagad?" Sarkastiko pa rin tanong ko dahil hindi man lang siya nag sorry.

Baka Pwede PaWhere stories live. Discover now