Chapter 03

81 2 0
                                    

Chapter 03

"Dinah! Hindi ka pa papasok!?" Narinig kong sigaw ni mama kaya naman napalingon ako ro'n.

"Heto na!" Sigaw ko pabalik at lumingon na kay Errol. I pressed my lips and nodded. "Sige na, papasok na ako." Paalam ko at naglakad na papunta sa bahay.

Nakapamewang akong hinintay ni mama. Nanliliit ang dalawang mata niya no'ng pumasok na ako sa loob. Sinunod pa ako hanggang sa kwarto ko! What the heck!?

"Sino 'yon?" Tanong niya. Parang inuutusan pa niya akong sabihin ang pangalan nito.

Inaayos ko ang mga gamit ko. 'Yung mga niluluto.

"Si Errol." Balewala naman sabi ko.

I mean. Wala naman nangyayari sa amin o namamagitan.

Kinuha ko na ang dalawang plastic na ang laman ay drinks. Pumunta ako sa mini refrigerator ko at nag simula nang ilagay do'n.

"Errol, kayo na?" Deretsang tanong niya. Kumunot ang noo ko.

"No." I answered. She scoffed.

"Talaga ba? Parang 'di ka pa papasok kung 'di kita tinawag ah?" Tanong niya sa akin. I can even imagined her raising her brow.

"Papasok na dapat ako kaso may tinanong siya. Anong gusto mo? Maging bastos ako sa kanya?" Tanong ko naman pabalik pagkatapos kong sagutin ang tanong niya.

Tumayo na ako at nilagay sa drawer ko ang mga plastic.

"Wala ba talagang namamagitan sa inyo?" Naniniguradong tanong niya. Padabog akong tumayo at humarap sa kanya.

"Akala ko ba hahayaan mo ako? At kung meron man namamagitan sa amin? Ano ngayon? I am on the right age anyway, right?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

Natigilan ito. Parang natauhan bigla pero umiling siya.

"Lagi niyo na lang akong kinukuhanan ng karapatan, while I've let you before. Sana hayaan niyo naman ako ngayon." Sabi ko na bago pa siya makapagsalita.

"Nag aalala lang ako sa 'yo, hindi naman lahat ng tao ay kagaya ng kuya Jasper mo. 'Yung tingin pa lang niya kanina ay nakakatakot na. Bawal bang mag alala sa 'yo? Anak kita." Mahabang paliwanag ni mama.

Tumango ako. Oo nag aalala siya pero hindi naman ako magpapaligaw. And worse, talagang si Jasper pa? Hindi naman standard ang lalaki na 'yon.

Kung sabagay ay hindi naman talaga nila alam kung anong tunay na ugali niya kaya sila ganyan.

"Umalis na kayo. Mag papahinga ako." Tanging sabi ko. Inalis ko ang suot kong damit at humiga na sa kama.

"Dinah! Bakit hindi ka na lang makinig sa akin? Paano kung maganda naman talaga ang desisyon namin para sa kinabukasan mo?" Tanong niya sa akin.

I rolled my eyes. Napaupo ako sa kama at masama siyang tinignan.

"Wow! Sana pinakinggan niyo rin ako no'ng sinabi ko ang plano ko sa buhay ko. Sana kahit isang tenga lang ang nakinig, magiging masaya pa ako. Pero iba kasi eh," I pointed out and stop.

Napalunok ako.

Hindi siya nakapag salita. Agad agad na napaiwas siya ng tingin.

"Lahat ng atensyon niyo na kay ate Deane. Okay lang pero kasi plano ko na 'yon pero walang nakinig kahit isa. Tanggap ko na hindi niyo ako paborito na anak pero ang hindi ko tanggap ang pag aalis niyo ng karapatan sa akin ngayon. Ngayong matanda na ako." Mahabang sabi ko  sa kanya.

Napasuklay ako sa buhok ko. I licked my lips.

"For 18 years of my life. No'ng nag 18 niyo lang ako pinakialaman. Hanggang ngayon. Do'n niyo lang ako na pansin. Sa lahat ng ginagawa kong mabuti noon, wala pero isang pagkakamali ko lang ngayon ay parang isang milyon ang ginawa kong kasalanan para pag sabihan niyo ako pakialaman ang buhay ko." Dagdag ko pa at tumayo.

Baka Pwede PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon