Chapter 11

32 1 0
                                    

Chapter 11

Tinakip niya ang mukha ko. Agad ko namang inalis 'yon at tumingin sa kanya. Nakatakip ang bibig niya habang nakatagilid ang ulo. Animo'y ayaw ipakita sa akin ang reaction niya.

Unti-unti akong napangiti. Humarap ako sa kanya. Nag iwas siyang muli. Wala siyang nagawa no'ng pilit ko siyang sinusundan ng tingin.

"Ano pa lang pag uusapan natin?" Pagtatanong ko na sa kanya habang matipid na nakangiti.

I don't know. Mas maganda ata sa feeling kung sa kanya mismo manggaling kung anong pag uusapan namin.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Dumaretso na ako ng tingin. Nag pamulsa ako. I was wearing shorts and black and white strips. While he's wearing maong shorts and white button t-shirt.

"Tayo. . . I want to take a break." He slowly said.

Tumingkayad ako at napatango. Hindi ko alam ang gagawin ko. 'Yon din naman ang gusto ko.

"I'm sorry. . ." he apologized. Naramdaman ko ang pag hawak niya sa kamay ko kaya naman napatingin ako do'n sa kamay niyang nakahawak sa 'kin. "I-i can't give you time. . . i'm not deserving for you anymore."

Suminghap ako. Pilit kong pinipigilan ang pag iyak ko. Hindi ka niya sasaktan, Dinah. Pero bakit sa konting pag sasalita pa lang niya ay parang durog na durog ka na? Bakit parang gusto mo pa rin ituloy? Kahit alam mong wala nang pag asa?

"I tried. Sinubukan kong gawin lahat para maging tayo pa rin. Para walang bakit. Pero ayoko ng mag bulag-bulagan. . . 'yung kahit na alam kong gusto mo akong makita ay tumatanggi ako dahil sa lahat ng ginagawa ko." Napatingin ako sa kanya.

Hindi siya umiiyak pero bakas sa mukha niya ang pagsisisi sa pagkukulang niya sa akin. Napayuko siya at nagpabuntong hininga.

"Napatigil si mama sa pagtra'trabaho. We still have money. Many but my father just won't stop forcing me to earn more. He always say that it's for us. . . It's for us. But I can't save us while I was trying too hard to earn more money. After school. I need to work. And because of that, I am tired and I can't even see you."

Hindi ako sumagot. For now. I just want to listen to him. Kahit na pa tumutulo ang luha ko habang nakikinig sa kanya.

"But you know what?" He asked. Bahagyang umangat ang kilay ko. He smiled at me. "Kapag kinikita kahit pagod ako. Ewan ko. Para kang magic na nagpapakawala ng pagod ko. Saglit lang pero kapag gano'n ay desidido ako. Ginaganahan akong tumayo pa rin kahit pagod na. Kahit alam kong kailangan ko na ng pahinga."

Pinunasan ko ang luha ko.

"Kaya mas mabuti pa sigurong itigil na muna itong pagmamahalan natin na kulang sa oras. Ako, ang may pagkukulang sa 'yo. Pipilitin kita kahit ayaw mo, Lucille." Tumango ako.

Pumapayag ako sa gusto niya. 'Yon din naman ang gusto ko and I know that I will never going to regret everything.

"At hindi rin ako magmamakaawa na hindi mo ako iwan, Errol. I know your situation. I understand everything. And not only because I love you that's why I am doing this but because I need you to rest because I care for you too."

I licked my lower lip. He nodded.

"Never feel guilty about giving up on us. You tried, okay? We tried." I told him.

Matipid niya akong nginitian. Hinila niya ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko ang mabilis na pag tibok ng puso niya.

"Mahal kita. Pasensya na kung hindi ko naibigay sa 'yo ang gusto mo bago tayo nag hiwalay." Mahinang sabi niya habang nakayakap sa akin.

Pinunasan kong muli ang luha ko. I don't mind my tears falling for him. Lumayo ako sa kanya at inilingan siya.

Baka Pwede PaWhere stories live. Discover now