PROLOGUE

116 2 0
                                    

Disclaimer: this is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is unedited. If you can see some typographical and grammaticals errors. Please bear with me. Cellphone lang kasi gamit ko pang write kapag bored.

_________________________________________________________________________________________


Life's too short. Is that really a match for make it shorter? To be honest, I agree then. But now? I just really want to disappear.

Because honestly? There is really no value in your life. It's as if we just lived to impress our family, or to be their servants. because when you don't follow that. It's your fault. It's like the amount of sin you’ve committed for a commandment you didn’t follow.

Konti lang sa mga anak ang swerte. Hindi naman lahat ay mahal ng magulang. Lagi na lang nilang dinidikdik ang pag sasakripisyo nila na hindi mo naman sinabi o pinagawa.

Ang buhay parang recycle lang. Na buhay lang ang tao para mahirapan, mag re-produce para pwede ka ng mamatay.

Mangyayari ulit 'yon. Paulit ulit 'yan. Hanggang sa na punta sa 'yo ang pinaka masakit na buhay. Parang punishment lang na kailangan mong tiisin hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko.

Tanggapin na lang. Wala ka ng magagawa eh. Magmahal. Mag re-produce ulit, at mamatay.

Umiiyak akong pinipigilan si mama dahil sa pananakit niya kay ate Deane. Wala naman ginagawa si ate Deane para pigilan si mama. Siguro dahil para sa kanya ay tama lang na saktan siya ni mama.

"Ma... buntis si ate..." naiiyak na paalala ko kay mama. Umiling si mama habang patuloy na pinapalo sa balikat si ate Deane.

Umiiyak din si mama dahil sa pagkadisappoint sa kanya ni ate Deane.

Na disappoint din naman ako pero hindi ko rin naman in-expect na gagawin ni ate Deane 'to. Sobra-sobra 'yung sinukli niya sa lahat ng ginawa ni mama para mapatapos niya si ate Deane.

"Ilang araw kang hindi umuwi. Inintindi ko na may ginagawa ka kasi sabi mo projects mo 'yon!" Dinuro niya sa sentido kaya naman lumayo ang ulo ni ate Deane.

Ngayon ko lang napansin na tahimik lang pala siyang umiiyak habang patuloy siyang sinasaktan ni mama. Pilit ko siyang pinipigilan pero masyadong malakas si mama at heto naman ako na mahina lang.

Wala kaming kasama dito sa bahay kung hindi kami lang. Lalo na't OFW si papa at hindi niya pa alam na buntis na pala si ate Deane nang 2 weeks.

"Totoo pala?" Tanong ni mama habang nakahawak sa magkabilang bewang niya.

Kumunot ang noo ko. Napatingin ako kay ate Deane at ngayon ko lang nakita na kumunot din ang noo niya sa tanong ni mama.

"Tumingin ka rin. Ibig sabihin totoo nga na pokpok ka?" Pasigaw na tanong ni mama sa kanya.

Mas lalong kumunot ang noo ni ate Deane. Naguguluhan siya sa tanong ni mama. Ako din naman. Kilala ko si ate Deane. Pero hindi ako naniniwala na gano'n siyang babae.

Pumikit ako ng mariin. Sumuko na ako kakaawat kay mama. Napasuklay ako sa buhok ko. Naglakad ako papunta sa sofa at umupo do'n. Pagod kong tinignan ang dalawa.

"Maniniwala ka naman sa sinasabi nila ma? Porke't bumalik ako na buntis? Oo mali 'to pero ma kaya ko pa rin namang bumawi. . ." pagsasalita ni ate Deane.

Mahina lang 'yon at pagod na. Dahil siguro sa papanakit sa kanya ni mama.

"Saan ka pa babawi, Deane? Sa tingin mo hahayaan kita na mag trabaho kung buntis ka?" Mahinang tanong sa kanya ni mama.

Baka Pwede PaWhere stories live. Discover now