Chapter 29

27 1 0
                                    

Chapter 29

DEANE LARA MAGLALANG

TW: STRONG WORDS

"Deane's always first. Hindi pa 'yan naging second sa buhay niya." Pagmamalaki sa akin ni Mama sa kaniyang mga kumare.

Hindi niya hawak ang aking kamay at magkatabi lang kami. Nakangiti lang ako sa mga Tita kong nakatingin sa akin. Tumatango sila at namamangha sa sambit ng aking Ina.

"How about Dinah? Wala pa rin ba siyang maalala?" Tanong ng isa sa mga Tita ko. Napatingin naman ako sa kung nasa'n si Dinah.

She's playing with Jillian. She just met her earlier and I can't believed that she's already playing with her. She must have trust that girl so fast.

"Well, I don't want to pressure her. Grabe 'yung pinagdaanan ng anak ko at ni Nash no'ng araw na 'yon. Paano kung 'di kami tinawag after magising si Nash? Hindi namin alam kung sa'n hahanapin ang anak namin. Buti nalang tinawagan kami no'ng hospital." Nag-aalala pa ring sabi ni Mama.

Tumingin ako sa kanila. Nakatingin na rin pala sila kay Dinah. Bahagya akong napangiti dahil mabuti at pinapansin nila si Dinah. Ayoko naman na lagi na lang ako ang pinapansin. Nakakasawa din.

"Mabuti dito na kayo? Sayang naman ang bahay niyo sa probinsya. Lalo na't mag kaibigan ang dalawang 'yon tapos umalis kayo." Narinig kong sabi ni Tita Michelle.

Kuryoso ang kaniyang mukha at halatang gustong malaman kung bakit bigla-bigla nalang kaming lumipat dito sa parte pa rin ng Bataan pero malapit kay Lola.

"Nagka-amnesia si Dinah. Hindi naman niya maalala si Nash, saka kahit na nakakulong na ang lalaki na 'yon. Hindi na ako panatag sa probinsyang 'yon. Mas mabuti pang dito nalang kami manirahan."

"Good point. Heto nga pala," nag bigay ng makapal na maraming libo si Tita Michelle kay Mama. Pati ako ay hindi makapag salita dahil sobrang dami nang kaniyang binigay. "Konting tulong na rin sa bahay na binili niyo. Nag loan daw kayo sa bangko. For sure, marami nanaman kayong utang."

Umiling naman si Mama. "Malaki masyadong tulong 'yan. Hindi ko tatanggapin dahil sobrang dami naman niyan." Nahihiyang tumawa si Mama kay Tita Michelle.

"Tanggapin mo na Elysa. Sayang din kung papalampasin mo pa. Kahit asawa mo tatanggapin 'yan, eh." Pagsasabi ng isa sa mga Tita ko. Tumango naman si Tita Michelle at muling nilapit ang pera.

Hesitant pa si Mama kahit natanggap na niya ang pera. Pagkatapos ay nag papaalam na sila. Hindi ko alam kung bakit parang charity lang sa kanila ang Mama ko. Kaya siguro ayaw niya itong tanggapin.

Malungkot ang mukha ni Mama pagtingin ko sa kaniya. Ayaw niya siguro ng binibigyan siyang pera. Bukod kasi sa mayayaman ang kaniyang mga kapatid. Siya lang itong nag hihirap dahil nag asawa siya ng mahirap na lalaki, hindi gaya ng mga kapatid niya na mayayaman ang napangasawa.

Naalala ko pa nga ang sinabi ng isa sa mga pinsan ko na kung 'di lang nabuntis ni Papa si Mama ay pinakasal na ito sa napangasawa ngayon ni Tita Michelle.

Tumutulong lang naman si Tita Michelle para ipamukha sa amin na mali ang desisyon ni Mama na makipagtuluyan kay Papa kahit pa binigyan na siya noon ng pag-asa para mamili. Dahil kaya pa rin siyang tanggapin no'ng lalaki kahit pa buntis siya. Dahil daw mahal niya si Mama. Pero si Mama, si Papa pa rin ang pinili.

Lumaki ako na laging nasa highest top. Dahil do'n naipagmamalaki ako ni Mama sa mga Tita ko. Kahit 'yon lang daw ang maipagmalaki niya sa kanila sabi niya sa akin kaya ginagalingan ko.

Nagsasawa na rin ako minsan. Pinipilit ko na lang ang sarili ko na maging top 1. Hanggang sa nakilala ko si Jasper. Alam ko naman na una palang mali na papasukin siya sa buhay ko pero pinapasok ko pa rin.

Baka Pwede PaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora