Chapter 14

29 1 0
                                    

Chapter 14

"Nash, pasensya talaga kung kailangan na nating umuwi, ah? Kailangan lang talaga kasi sa bahay." Sinseryang paumanhin ni Mama kay Nash habang nag mamaneho.

Umiling si Nash. "Okay lang po, emergency naman po kaya no worries." Tanging sagot ni Nash.

It's like my world stop spinning just because of that. Pero buntis si ate Deane. Baka hindi niya rin ito gusto. Baka kailangan niya ng karamay.

'Yong kapag gusto maging mabagal 'yung oras pero mas lalong bumibilis. Hindi talaga kayang makisama sa 'yo ng mundo. Kahit nag mamakaawa ka na. Magiging mabilis pa rin. Kapag gusto mo naman ng bumilis, mabagal.

Mabilis ang mga galaw ni Mama. Mabuti na lang naintindihan kami nila Nash dahil hindi sila pumasok sa loob. Dahil siguro alam na ang dahilan. Basta nakasunod ako kay Mama.

Agad na sinapok ni Mama si ate Deane no'ng na datnan namin siya. Namuo ang luha sa mata ko dahil sa awa ko kay ate Deane.

"Akala ko ba. . ." Napatigil si Mama dahil sa hikbi niya parang hindi makapaniwala. "Deane naman!" Disappointed na sabi niya at napahilamos ng mukha. "Ano 'to?" Halos mag makaawa ang boses niya.

"I'm sorry. . ." Tanging sabi ni ate Deane habang nakayuko. Gulo ang buhok dahil sa pagsapok sa kanya ni Mama.

"Bakit binigay mo kaagad? Oo gusto ko si Jasper para sa 'yo hindi para buntisin ka, Deane."

Hindi ako makapag salita. Basta sumunod na ang luha ko. Hindi ko na lang talaga mapigilan. Bakit kasi kailangan mapunta sa puntong 'to? Akala ko din naman ay hindi niya gagawin 'yon.

Pinigilan ko si Mama no'ng sinubukan ni Mama na saktan ito. Agad na kumawala sa yakap ko si Mama.

"Parang hindi na ikaw 'yung Deane na kilala ko! Akala ko. . . pinagmalaki kita sa lahat. . . Tapos ito isusukli mo!? 'Yang batang 'yan!? Bakit may pera ka na ba para may ipangtustus jan!? Ha!?" Hindi na mapigilan ni Mama na sigawan si ate at lumapit sakanyang muli.

Pinalo niya ang balikat niya hanggang sa tumuloy tuloy. 'Di ko na mapigilan ang luha ko.

Umiiyak akong pinipigilan si Mama dahil sa pananakit niya kay ate Deane. Wala naman ginagawa si ate Deane para pigilan si Mama. Siguro dahil para sa kanya ay tama lang na saktan siya ni Mama.

"Ma. . . buntis si ate. . ." naiiyak na paalala ko kay Mama. Umiling si mama habang patuloy na pinapalo sa balikat si ate Deane.

Umiiyak din si Mama dahil sa pagkadisappoint sa kanya ni ate Deane.

Na disappoint din naman ako pero hindi ko rin naman in-expect na gagawin ni ate Deane 'to. Sobra-sobra 'yung sinukli niya sa lahat ng ginawa ni mama para mapatapos niya si ate Deane.

"Ilang araw kang hindi umuwi. Inintindi ko na may ginagawa ka kasi sabi mo projects mo 'yon!" Dinuro niya sa sentido kaya naman lumayo ang ulo ni ate Deane.

Ngayon ko lang napansin na tahimik lang pala siyang umiiyak habang patuloy siyang sinasaktan ni mama. Pilit ko siyang pinipigilan pero masyadong malakas si mama at heto naman ako na mahina lang.

Wala kaming kasama dito sa bahay kung hindi kami lang. Lalo na't OFW si papa at hindi niya pa alam na buntis na pala si ate Deane nang 2 weeks.

"Totoo pala?" Tanong ni mama habang nakahawak sa magkabilang bewang niya.

Kumunot ang noo ko. Napatingin ako kay ate Deane at ngayon ko lang nakita na kumunot din ang noo niya sa tanong ni mama.

"Tumingin ka rin. Ibig sabihin totoo nga na pokpok ka?" Pasigaw na tanong ni mama sa kanya.

Baka Pwede PaWhere stories live. Discover now