Chapter 05

62 2 0
                                    

Chapter 05

I confidently open the door. After my conversation with Errol. Hinatid na niya ako dito sa amin and thankfully wala ng tao na nasa harapan para pigilan kami sa pag uusap kami.

Na datnan ko nanaman sila na nag hihintay sa akin. Saktong gabi pa lang pero hayan nanaman ang mukha nilang galit dahil siguro sa paghihintay nanaman sa akin. Kahit 'di ko naman sinabi na hintayin nila ako ay hinihintay pa rin nila ako.

Nag iwas ako ng tingin. Lalagpasan ko na sana si mama pero naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko para pigilan ako. Napapikit ako at natigilan sa pwesto ko.

"Ang tagal mo naman sa bahay nila Jillian? Tinanong ko siya tapos sabi niya nakauwi ka na daw pero wala ka pa dito... sa'n ka pumunta bago ka umuwi dito?" Malumanay na tanong sa akin ni mama at hinigpitan pa lalo ang pagkahawak sa braso ko.

Napalunok ako. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at matapang na hinarapan siya.

"Kausap ko si Errol." Matapang na sabi ko.

Umigting ang bagang niya at ngumisi.

"Errol? Errol nanaman? Wala ka pa ngang pangarap pero lumalandi ka na." Matamaan niyang sabi at napatango. Tinuro niya si papa. "Ilang araw na lang ang papa mo dito pero puro ka alis dito sa bahay. Bakit hindi mo siya bigyan ng oras mo kahit konti? Papa mo 'yan, Dinah. Wala na ba talaga?" Desperado siyang tumingin sa akin ngayon.

Kumunot ang noo ko. Unti unting nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. I look at papa. Bahagyang nakayuko ang ulo niya. Napakurap ako at nilipat ang tingin ko kay Deane.

Napasinghap ako at muling lumingon kay mama.

"I don't know. . . How will I spend my time to him ma? I can just cooperate. Kung aalis kayo, sasama ako. . . If that will makes papa happy." Sabi ko sa kanya.

Na guilty din ako deep inside. Maybe she's right. Kahit naman na mali ang ginagawa nila ay kailangan ko paring makisama. Hindi naman lagi ay galit sila sa akin. Ibang iba si mama kay papa. Alam ko 'yon.

"Okay. . ." She exhaled. She clicked her tongue and looked at me with the serious on his face. "Aalis tayo bukas. Maybe you could meet another friends there. . . Jillian is not enough for you." She told me.

"She is." Angal ko naman. Umigting ang bagang niya. "She is, ma." Napapikit ito at tumango.

"Basta. Sumama ka bukas." Tanging sabi niya.

I pressed my lips together and nodded. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Nag hilamos lang ako at natulog na pagkatapos.

Pagkagising ko ay agad kong kinuha ang cell phone ko sa tabi nang kama ko at tinignan kung may nag chat ba sa akin. Napalunok ako. Nakita ko na nag chat sa akin si Errol.

Errol:

Good morning, Lucille!

Tumaas ang kilay ko.

Ako:

Good morning din

Pagka-send ko no'n ay nakarinig ako nang katok mula sa labas. Umupo ako sa kama ko. Nag vibrate ang phone ko bago pa ako makatayo. Tinignan ko ang cell phone ko. Nakarinig akong katok kaya naman tumayo na ako at mabilis na naglakad papunta sa pintuan at binuksan kaagad ito.

Si mama ang bumungad sa akin. Bumagsak ang balikat ko at walang gana na tumingin sa kanya.

"Hindi naman pala naka-lock." Gumalaw ang kilay ko. I don't know if she was talking to me or to herself. Napalunok siya at huminga ng malalim. "Mag dala ka ng isang linggo na damit mo. Mag ba'bakasyon tayo."

Baka Pwede PaWhere stories live. Discover now