Chapter 10

37 1 0
                                    

Chapter 10

Ilang araw akong walang contact kay Errol. Nag text naman siya sa akin na may problema daw sa family nila at kailangan niyang ayusin ito.

Kapag nakikita ko siya ay laging pagod kaya hindi ko na muna kinakausap. I understand him but sometimes I really want to spend my time with him. Lalo na't kay Jillian lahat ang atensyon ko.

Hindi ko rin kasi nakakausap si Nash mula no'ng araw na 'yon.

"I just have a feeling that. . . kailangan na naming mag pahinga muna." Sabi ko kay Jillian.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Jillian. Tumaas ang kilay niya. She scoffed when she realized what I said. "You have to understand him, Dinah. Alam mo kung anong problema na meron si Errol ngayon."

Napapikit ako. "Kaya nga! Gusto kong mag cool off muna at mag focus siya sa pamilya niya. Kase mas kailangan 'yon." Pag papaliwanag ko naman sa side ko.

She rolled her eyes. Hindi makapaniwala ang mukha niya. Nandito kami sa bahay namin at na sa kwarto kami. I invited her. It's friday today at kakalabas lang namin kanina.

Gusto kong makausap siya. Ilang weeks na ang nakalipas ngayon, eh.

"Enough na reason na 'yon para mag cool off? Nag so'sorry naman siya at minsan pinupuntahan ka rin. . . mabilis nga lang." Sabi niya at nag iwas ng tingin sa huling sinabi.

Okay, I get it. Pero para sa kanya naman ang gagawin ko, ah? Hindi ba pwedeng papag pahingahin ko siya? Pagkatapos niyang mag aral sa pamilya niya. At kapag mag papahinga na ay ibibigay pa niya sa akin.

"Hindi na ba talaga mag babago 'yang. . . desisyon mo?" Mahinang tanong sa akin ni Jillian. Nakasilip siya sa mukha ko ngayon.

Napakurap ako at napalunok bago marahan na tumango. Napapikit siya ng mariin.

"Hindi ko man nakasama ng matagal si Errol, ah? Pero parang. . . hindi kasi tama para sa akin na gawin mo 'yon. Kase, pagod siya at makikipag cool off ka." She said, seriously.

Nanliit ang mata niya. Parang may gusto pa siyang ituglong kaso pinag iisipan niya pa.

"Baka. . . mawala siya sa sarili niya. Ikaw lang kase 'yung pinanghahawak niya ngayon. . . pahinga niya din." She said again.

Bahagyang naging concerned pa siya dahil sa hindi ko pag react sa sinabi niya.

"Baka hindi niya gusto na. . . mag cool off kayo. . . parang break up din kase ang cool off. . . In some ways." She explained. Tumango na lang ako.

Bigla siyang nawalan ng gana. Walang gana niya akong tinignan.

"Hindi ko alam kung anong na sa utak mo kaya mo ginagawa 'yan." Sabi niya na may pagbabanta. "Pa'no kung ikaw naman pala ang mag sisisi sa ginawa mong 'yan? Hindi natin alam kung sa'n makakarating ang cool off lang." Seryosong sabi niya sa akin.

May konting panenermon na rin. Okay I get it. She's worried about me. I get it. Pero para sa akin lang halos lahat ng 'yon. Walang kay Errol. Kung sa akin lang ay mas makakaganda 'yon.

Masama siyang tumingin sa akin. Napansin niya sigurong hindi mag babago ang isip ko.

"Ilang months palang kayo ni Errol. Kaya pa niyang makahanap ng iba." Pananakot niya pa sa akin. Bahagya naman akong natawa dahil do'n. "Ba't ka tumatawa?" Naiinis na tanong niya.

"Alam ko kasing ako lang. . ." Sabi ko na kampante. Tumaas ang kilay niya at napangisi.

"Alam mo. Pero siya? Sigurado ba siya na 'ikaw' lang?" Nakataas na kilay niyang tanong sa akin. Umawang ang labi ko sa tanong niyang 'yon.

Baka Pwede PaWhere stories live. Discover now