Epilogue

32 1 0
                                    

EPILOGUE

Nash Garpo Feliciano

"Kakaalis lang nila, Dinah? Did she say good bye to you?" Simple question yet she's already worried.

"Yes, she did." Masaya namang sagot ko dahil naalala ko nanaman ang pagkaway niya sa akin kanina. "Sabi ko, hihintayin ko siya. Kailan kaya sila babalik, Mama?" Tanong ko naman ngayon kay Mama.

Nakangiti siya kaninang sumagot ako at ngayon namang nagtanong ako ay nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Parang nagka-isip ako kung ano ang kaniyang ibig sabihin kaya ganiyan siyang makatingin sa akin.

"Soon." She said.

Hindi ako nakuntento do'n. Soon? Hanggang kailan ako mag hihintay? Sabi ko mag hihintay ako. Kaya nga kahit ilang taon pa 'yan ay gagawin ko. Kapag pumunta na siya dito, e 'di do'n na ulit ako malalapit sa kanila.

Pinag-usapan kasi na bawal kaming pumunta ro'n. Dahil wala pa siyang natatandaan. Mas mabuti na daw 'yon ngunit nakakaawa naman ako dahil hindi niya ako maalala. Baka daw sumakit lang ang ulo ni Dinah kapag pipilitin ko siyang makilala ako.

Akala ko wala na akong makikilalang kaibigan. Until Reinne come into my life. She's like the best of everything. No more than friends but definitely not nothing. Because she was there when the absence of Dinah is killing me. She became the one who replaced Dinah. But Dinah is still the one I think, my every day routine.

"So, I'm really curious about this particular girl. They keep saying that you like this particular girl but she doesn't live here nor come here so how come you still like her?" She curiously asked.

Ilang years na siyang nag tatanong kung sino ba si Dinah sa buhay ko. I don't want to tell her anything about her. Hindi ko siya pinagdadamot. Gusto ko siyang ma curious hanggang sa siya na mismo ang makakita kay Dinah. Para makita niya ito at humanga on the spot. Hindi 'yung iisipin niya o kaya naman imagine.

"Because she's my soon-to-be-wife, Reinne. We signed contract 9 years ago." I told her, para naman may alam siya kahit 'di ko pa sinasabi sakaniya ang pangalan niya.

No one knows her name. Kapag may nakakaalam, pinagbabantaan ko na huwag ipagkalat. Sa sobrang gwapo ko ba naman at alam nila na may gusto akong babae ay gustong gusto nilang malaman. At saktan kaya ayaw ko.

Umawang ang kaniyang labi at bahagyang nanlaki ang dalawang mata. "You're seven that time! What!?" Hindi niya makapaniwalang tanong at napasabunot sa kaniyang buhok. "You really liker her? What kind of love is that?" She asked, again.

Napaisip ako. "Agape? Because it's the highest form of love. It's not romantic love for me."

"Maybe that's obsession?" Pang huhula niya. Kumunot naman ang aking noo at nandiri sa kaniya hula. Natawa naman ito sa reaksyon ko. "You can't judge me." Pag dedepensa pa niya sa sarili niya.

"If I am obsessed with her, I am not here. Baka nasa tabi na niya ako ngayon kung sakali mang nahuhumaling ako sa kaniya." Pagpapaliwanag ko naman para maintindihan niya. Hindi 'yung kung ano pa ang iniisip niya. 

"Ako may crush na. Matangkad siya. 6'2-" I cut her off. Nag iisip pa nga siya ng iba pang words para i-describe ito.

"Ako ba 'yan?" Pag a'assume ko.

"Masama bang magkagusto sa'yo? Inuunahan mo pa ako, ah? Ba't kasi ang pogi mo?" Sunod sunod na tanong niya sa akin.

Natatawa pa siya na para bang hindi niya man ako crush. . . Napapaisip nalang talaga ako minsan kung bakit ganiyan sa makapagsalita sa akin. Alam ko na, kasi nga crush niya ako.

"Wala naman akong sinabing masama. Crush ko rin sarili ko, eh." Sabi ko at ngumisi pa.

Nagyayabang. Natawa siya ng malakas at malakas ding pinalo ang balikat ko.

Baka Pwede PaWhere stories live. Discover now