040

14 1 0
                                    

◻ Tia ◻

July 7,2022

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Liam kahapon ay wala nang naging pag-unlad ang pag-iimbestiga namin sa kaniya kaya ngayong araw nalang kami magpapatuloy.

Bago magsimula ang klase ko ay pumunta muna kami ni Aries sa classroom ng Business Ad 4-A. As expected, nakita ko agad sina Liam at Hazel.

Hazel waved at me when she saw me and then she immediately ran towards me. "May kailangan ka, Ti?"

"Oo sana e. Gusto ko sanang kausapin si Liam kung pwede."

A teasing smile displayed into Hazel's face. "There's really something going on between you two. But sige, I won't ask for now. I'll just call Liam for you instead."

At gaya ng sinabi niya ay agad siyang bumalik sa pwesto niya kung saan si Liam. Kinausap niya ito pero nang umiling si Liam, naging malungkot ang mukha niya.

She walked again towards me with a sad face. "Busy daw siya e. Pero hindi naman siya busy. May nangyari ba'ng masama sa inyong dalawa? Like... did you get into conflict?"

"Wala naman." Iniling ko ang ulo ko para magsinungaling.

"Then what's wrong with that guy?"

"Una nalang ako, Haze. Balik nalang ako sa classroom. Thank you."

"You sure? Don't worry, girl. I'll try to talk to him."

"Sige, Haze. Thank you talaga. Una na ko."

"Mag-iingat ka!"

I waved my hand good bye and then started walking away from Hazel.

Nasa klase na ako pero hindi padin maalis-alis sa isipan ko si Liam.

Pa'no ko siya makakausap ulit? Pa'no ko siya makokombinsing sabihin sa 'kin ang totoo?

Nauubos na ang oras namin ni Aries. July 7 na ngayon at sa July 13 na ang susunod na supermoon.

Pagkatapos ng klase ko sa umaga ay dali-dali akong naglakad papuntang cafeteria. Walang nagawa si Aries kundi sumunod nalang kahit alam kong labag parin sa loob niyang iniimbestigahan namin ang bestfriend niya.

When I got into the cafeteria, as expected, nakita ko ulit sina Liam at Hazel kasama ang iba pa nilang mga classmates.

Without any hesitations, I immediately barged in their conversation.

"Can I talk to you?" tanong ko kay Liam kaya natahimik ang buong table kung saan nakaupo ang mga classmates niya.

Sinamaan niya ako ng tingin at sumagot, "Busy ako."

"You're not busy at all!" sabat ni Hazel kaya napalingon ako sa kaniya pati nadin ang mga classmates nila ni Liam. "What's wrong with you, Liam? Bakit ayaw mong kausapin si Tia? If there's a problem, you should talk about it guys. I'm telling you. Communication is the key to a healthy relationship."

Nami-misinterpret na naman ni Hazel ang nangyayari pero wala na akong time para mag-explain pa sa kaniya.

"You know nothing, Hazel," sagot ni Liam kaya parang na-offend si Hazel.

"I'm just trying to help!"

"You're not helping," Liam's last words then stood up and started walking away from us.

"That guy is so mean." Halata padin ang inis kay Hazel kahit nakaalis na si Liam. "Hindi naman siya ganiyan dati e. Ako na ang humihingi ng sorry para sa kaniya, Tia."

"It's okay," sagot ko kahit sa totoo lang, hindi okay. Aries and I are running out of time. "Alis na ako, Haze. Next time nalang."

"Sige. I hope in that next time, okay na kayo ni Liam."

Celestial (C-RIES #3)Where stories live. Discover now