009

8 1 0
                                    

Tia

June 17,2022

"So we now have four suspects," ani ko pagkatapos kong isulat ang pangalan ni Hazel sa notebook na pinaglilistahan ko ng mga suspects sa nangyari dito kay Aries. "Sigurado ka wala na talagang tao na may atraso ka?"

He shook his head as an answer.

"Sigurado ka? Dati kasi sabi mo wala nadin tapos ngayon nalaman nalang natin na baka may galit din pala sa 'yo 'yong si Hazel."

"E bakit naman kasi siya magagalit? Huminto na nga ako sa kaniya kasi may boyfriend na siya. Tapos ngayon ako pa ang mali?"

"Aries, kaibigan niya 'yong sunod mong pinormahan."

"E ano ngayon? Ano ngayon kung kaibigan niya si Phoebe? May boyfriend naman na siya, bakit siya magagalit kung kami na ni Phoebe? Alam mo, pakiramdam ko talaga hindi 'yon galit sa 'kin. Namisinterpret lang natin mga galaw niya kanina."

"Nope. We need to investigate that girl. Pero ngayon, kailangan muna nating magfocus sa isa sa apat na 'to. Let's continue investigating Marcus."

Hindi na nakasagot si Aries nang biglang magring ang phone ko at lumabas ang pangalan ni Tizzy sa screen.

Nagtaka ako ba't tumawag siya kaya agad ko nalang itong sinagot.

"Hello, Tiz?" bungad ko.

"Hi, Tia! How are you there? Hindi ka ba natatakot kasi mag-isa ka lang diyan sa apartment niyo ngayon? Sorry, hah? I can't be there with you right now. 1st week pa siguro ako ng July makakauwi diyan sa Brisbane."

"Okay lang, Tiz. Sulitin mo nalang ang bakasyon mo diyan. Okay lang ako dito."

"'Yong roomie mo? Hindi padin siya nagigising?"

Napatingin ako kay Aries at nakitang mukhang nagtataka siya kung ano ang pinag-uusapan namin ni Tizzy. Hindi ko kasi ni-loudspeak ang phone kaya di niya naririnig ang pinag-uusapan namin ng kaibigan ko.

"Hindi padin e."

"I'm praying na sana magising na siya. I know he's important to you cause he's your childhood friend. Pray ko din na sana okay ka lang diyan."

"Don't worry about me, Tiz. Kaya ka nga diyan sa States e, para magrelax. Okay lang ako dito."

"Okay. I'll believe that, hah? O sige. Baba ko na ang phone. May pupuntahan kasi ang family ngayon. Naisip ko lang na tawagan ka kasi mamaya gabi na diyan kaya hindi mo na masasagot tawag ko."

"Thank you, Tiz. Ingat ka diyan."

"Yeah. Ikaw din. Bye bye."

"Bye."

And then after that, I ended the call.

"She's your friend from last time, right? 'Yong nagvideo call sa 'yo while you're eating your breakfast?"

Yeah. Siya 'yong muntik nang maibuking ako sa 'yo.

"She's out of the country right now?"

I nodded as an answer. "She's on a vacation cause technically, it's vacation period right now. Nag-enroll lang ako ng ilang units para di masyadong mabigat ang loads ko next school year. Teka... ikaw ba? Ba't ka kumuha ng loads ngayong June?"

"May isang subject akong na-fail. Well... halos lahat naman sa klase namin nafail kaya hindi masyadong nakakahiya," he chuckled while answering.

"Ewan ko sa 'yo. Simula talaga mga bata tayo, tamad ka nang mag-aral."

"Sino ba'ng hindi tinatamad mag-aral? Ikaw siguro kasi simula mga bata tayo palagi nang libro ang kaharap mo. Kita mo ngayon, kesyo bakasyon na sana mas pinili mo pading magtake ng advance loads."

"Ganiyan ako e," nakangiti kong wika pagkatapos ay tumayo na. "Matutulog na ako. May practice ang basketball team bukas kahit Sabado 'di ba? Iimbestigahan uli natin si Marcus."

"Yes, Ma'am. Good night."

Maglalakad na sana ako paalis nang marinig ko ang sagot niya.

Ewan ko pero bigla atang nagsiliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko.

Calm yourself, Tia. Isipin mong may girlfriend na 'tong kausap mo. You shouldn't feel this way to someone who has a girlfriend already. You're more than this, self.

Hindi ko na siya sinagot sa halip ay dali-dali nalang akong pumasok sa kwarto ko pagkatapos ay nahiga na sa kama.

June 18,2022

"Saan siya diyan?" tanong ko kay Aries habang nanunuod kami sa mga teammates niyang naglalaro sa court. Wala akong klase ngayon pero may practice ang basketball team kaya bumalik parin kami dito sa school.

"'Yong 5'9 na nakacolor blue na jersey."

"'Yon?" turo ko sa isa sa dalawang nakablue jersey na naglalaro.

"5'9, Tia. Hindi 'yan."

"Sorry naman. Hindi ko maestimate ang height e."

"Ano'ng itatanong mo sa kaniya?"

"Kung nandito ba si Marcus nagpapractice nong araw na naaksidente ka."

Tango lang ang isinagot niya pagkatapos ay balik panunuod na kami sa mga naglalaro.

Nang mukhang tapos na ang practice ng basketball team, agad akong lumapit sa sinabi ni Aries na Henry na kaibigan niya din sa team.

"Hi!" bati ko agad sa kaniya nang makapunta siya sa bench sa gilid ng court.

Rumehistro ang pagtataka sa mukha niya kaya nagsalita na ko agad. "I'm Tia. I just wanna ask something from you. Is that okay?"

"Depende sa tanong mo?"

"Gusto ko lang sana itanong kung nong Lunes ba, naka-attend ng practice niyo si Marcus?"

Ang pagtataka sa ekspresyon niya ay napalitan ng hinala. "Bakit gusto mong malaman kung nandito si Marcus nong Lunes?"

"Ah... Ka... Kaibigan kasi ako ni... ni Aries. Nag... Nagtatanong lang ako kasi..."

Shocks, self. Why are you suddenly nervous?

"Nagtatanong ka tungkol kay Marcus kasi pinaghihinalaan mo din siya na baka may kinalaman siya sa pagkaaksidente ni Aries?"

This Henry is fast.

Napatingin ako kay Aries at tinanguan niya lang ako.

Does that mean I should trust this guy?

"Gusto ko lang kasi makompirma ang sinabi ng mga police. Kung simpleng pagkaasidente lang ba talaga ang nangyari kay Aries o baka may iba pa."

"Don't worry. Pinaghihinalaan ko din 'yong isang 'yon. Mainit ang dugo non kay Aries kasi mukhang si Aries ang susunod na magiging team captain. Wala nga siya dito nong araw na naaksidente si Aries. Sabi niya may klase siya pero ewan ko nalang kung nagsasabi 'yon ng totoo."

"Sige. Thank you, Henry. Malaking tulong ang sinabi mo."

"Teka... Pano mo ko kilala?"

"Ah..." Napakamot ako ng ulo ko. Hindi nga pala nito alam na nakakausap ko si Aries. "Na... Nakikita kita tuwing naglalaro kayo. Sabi ng iba magaling ka daw. Sige! Una na ko. Thank you ulit. May favor lang ako. Sana wag mong mamention kay Marcus na nagtanong ako tungkol sa kaniya. Baka magalit e."

"No worries."

"Sige. Thank you ulit."

Celestial (C-RIES #3)Where stories live. Discover now