011

11 1 0
                                    

Tia

June 20,2022

Unfortunately, I wasn't able to convince the guard to let us watch the CCTV footages without a permit from the dean. Magpa-process na sana ako ng permit pero sabi ni Aries magsasayang lang kami ng oras kasi strikto ang dean ng College of Engineering.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" reklamo ko dito sa kaluluwang kasama ko.

"Alamin kung anong oras ba talaga ako naaksidente."

"Tama!" I answered enthusiastically when I realized we still have something to do. "Last Monday nong naaksidente ka, mga 7 pm ako nakatanggap ng tawag kay Mama na nahospital ka daw at nacoma."

"Tawagan kaya natin si Mama tas tanungin kung anong oras ba talaga ako naaksidente."

Agad akong tumango sa kaniya pagkatapos ay kinuha na ang phone ko mula sa bag.

"Hello, Tita?" bungad ko kay Tita Beth nang sagutin niya ang tawag.

Ni-loud speak ko ang phone para marinig din ni Aries ang usapan namin ng Mama niya.

"Nak? Napatawag ka?"

"Nakalimutan ko po kasing itanong sa inyo last time kung anong oras ba talaga naaksidente si Kuya Aries."

"Dinala siya sa hospital mga pasado alas singko na. Sabi ng mga police mga bandang 4:30 daw siya naaksidente. Bakit mo naitanong, nak?"

"Ah wala po, Tita. Naalala ko lang kasi. Sige po! Bibisita nalang ulit ako diyan sa hospital pag wala na akong klase."

"Sige sige, nak."

"Sige po. Bye, Tita."

"Babye."

Pagkatapos ay in-end ko na ang tawag.

Agad namang nagkasalubong ang mga tingin namin ni Aries.

"Naiisip mo din ba ang naiisip ko?" tanong ko.

"Na malaki ang chance na si Marcus ang may pakana ng aksidente ko kasi sa 4 to 5:30 pm wala siya sa class niya at wala din siya sa practice."

"Yeah! That guy is really suspicious. Malakas ang kutob ko na may tinatago siya. Pano kaya natin mapapatunayan na siya ang may pakana ng aksidente mo?"

"Puntahan natin siya sa bahay nila?"

"Pwede!" sagot ko pero pinatigil niya din naman ako agad.

"'Wag na pala. Delikado."

"Anong delikado don? Pupuntahan lang naman natin siya sa bahay nila."

"'Wag na, Tia. Baka malayo ang bahay nila. Baka pagpunta mo don may makasalubong ka na salbahe at saktan ka. Hindi kita maipagtatanggol kasi kaluluwa ako ngayon."

Tuluyan akong hindi nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Alam kong wala lang 'yon sa kaniya kasi dati pa naman na mga bata palang kami, palagi na niya akong pinoprotektahan.

Pero kasi ngayong matatanda na kami at naririnig ko parin sa kaniya na gusto niya kong protektahan, ewan ko pero hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng kakaiba.

"Tara na," wika niya ulit. "Umuwi nalang tayo sa apartment."

Pero dahil matigas ang ulo ko, sa halip na sundan ko siya ay binuksan ko uli ang phone ko at ni-search ang socmed accounts ni Marcus.

"Anong ginagawa mo?"

"Sini-search account ni Marcus?"

"Bakit?"

Celestial (C-RIES #3)Where stories live. Discover now