021

9 1 0
                                    

◻ Tia ◻

June 27,2022

It's Monday. That's why I'm here at school again to attend my classes.

Kung tinatanong niyo ano'ng nangyari kahapon, wala naman masyadong nangyari. Buong araw lang kami ni Aries sa apartment kasi sabi niya Sunday naman daw kaya dapat rest day namin.

Nong Saturday, sinamahan ko si Hazel sa police station para ireport si Joacquin pero nang makarating si Joacquin don, panay sorry na siya kay Hazel.

Kung ako 'yon, hindi ko pakikinggan ang sorry niya at itutuloy ang kaso sa kaniya pero ewan ko kay Hazel. She's too soft. After Joacquin promised her he would stop stalking her, she decided to not continue the case.

Ngayon ay lumipat na si Hazel sa apartment ng classmate niya para kahit papano may kasama siya. Mukhang okay naman na siya don kasi hindi naman ako nakatanggap ng text o tawag galing sa kaniya kahapon na kinukulit padin siya ni Joacquin.

"Tia!"

Nasa cafeteria kami ni Aries ngayon nang biglang may tumawag sa 'kin. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Phoebe.

I was shocked when I saw her. I didn't expect to see her today.

Napatingin ako kay Aries at nakatingin nadin pala siya sa girlfriend niya. Mukhang pati siya nagulat din nang makita dito si Phoebe.

"I heard what you did for Hazel. Thanks for helping her," aniya nang makalapit sa 'kin.

"Hah?" tanong ko dahil mga one second late ata nagprocess ang utak ko kung ako ang tinutukoy niya.

"You helped her last Saturday, right?"

"Ah... Oo," agad kong sagot.

She smiled and waived her hand. "Sige. See you next time, Tia."

Hindi na niya hinintay ang sagot ko at humakbang na siya agad paalis.

"Tia, stop her. 'Di ba may kailangan pa tayong sabihin sa kaniya?"

I paused for a moment upon hearing Aries' words.

Ano ba'ng sasabihin namin sa kaniya?

Pero ilang segundo lang din nang maalala ko na dapat last week pa pala namin sasabihin kay Phoebe na nakikita at nakakausap ko ngayon ang boyfriend niya. Kaya lang, biglang nangyari ang sitwasyon ni Hazel kaya hindi natuloy.

"Phoeb!" pagtatawag ko sa kaniya kahit mga ilang metro na ang layo niya mula sa 'kin.

Mabuti nalang ay narinig padin niya ako kaya tumigil muna siya sa paglalakad. Agad akong lumapit sa kaniya kahit hindi pa ako tapos sa pagkain ko.

"What is it?" she asked when I successfully journeyed the space that parts us.

"May sasabihin sana ako sa 'yo e." Napatingin ako kay Aries at kitang-kita ko ngayon sa mukha niya ang saya.

"May sasabihin ka?"

"Oo, pwede ka bang makausap sa labas? Medyo maingay kasi dito sa cafeteria."

I saw a frown of regret displayed in her face. "I'm in a hurry to have my lunch now e. We were only given 15 minutes kasi may gagawin pa kami after. But you can talk to me later after class."

Tiningnan ko ulit si Aries para tanungin kung ayos lang ba sa kaniya at tinanguan niya lang ako habang nakangiti padin.

"Sige," sagot ko. "What time ba ang last class niyo?"

"4 to 5:30."

"'Yan din time ng last class ko. Sige. Pupunta ako sa classroom niyo mamaya."

She smiled and nodded. "Sure pero I'll go na, hah? Sorry talaga. I'm in a hurry kasi."

"Okay lang."

Ngumiti ulit siya pagkatapos ay naglakad na paalis. Nang tuluyan na siyang makalayo ay naglakad na ako pabalik sa table ko para ipagpatuloy ang hindi ko natapos na pagkain.

"Thank you, Tia. You're the best!"

Halatang-halata sa boses ni Aries na masaya siya dahil sa ginawa ko.

To be honest, I still have a doubt if we can really trust Phoebe but then it's Aries' choice to tell her everything so I have no right to say no.

Because of that, at exactly 5:30 PM, Aries and I are here, standing outside Phoebe's classroom. Before 5:30 kasi ni-dismiss na kami ng prof namin kaya nandito kami on time. Pero nang makarating kami dito ay wala nadin naman si Phoebe. Tinanong namin ang classmate niya at sabi umalis na daw 'to.

"Ano? Umalis na siya? Kanina pa?" sunud-sunod kong tanong sa classmate niya.

"About 10 minutes ago?"

Disappointed akong napatingin kay Aries at base sa ekspresyon ng mukha niya, halatang nadisappoint din siya.

"Sige. Thank you," I forced a smile to that classmate and then she walked away.

"Okay lang kaya siya? Bakit siya umalis agad? Nakalimutan niya bang magkikita kayo ngayon? Baka may nangyaring emergency sa kaniya kaya umalis agad?"

Iba din 'tong si Aries e. Kami na nga ang ni-ghost ng girlfriend niya pero ang understanding niya padin don kay Phoebe, at concern pa!

"Baka maabutan pa natin siya. Tara!"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Alam ko namang ito ang gusto niyang gawin e– sundan si Phoebe para makausap namin.

Nakalabas na kami ng building ng College of Business and Management pero wala padin kaming Phoebe na nakita kaya nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang gate ng school.

"Baka nakaalis na 'yon," nalulungkot niyang wika kaya agad akong sumagot.

"Baka maabutan pa natin siya sa labas. Pero kung hindi, may bukas pa naman e. Sisiguraduhin kong makakausap natin siya bukas bago pa magsimula ang klase ko. Sa ngayon, bilisan nalang muna natin ang paglalakad kasi baka maabutan pa natin siya sa gate."

He nodded and then we both made our walking pace faster to see if Phoebe's still outside the school.

"Sabi ko sa 'yo maaabutan pa natin siya!" masigla kong wika nang makita ko si Phoebe malapit sa gate ng school.

Napatingin ako kay Aries at nakita ko kung pa'no siya ngumiti pero bigla akong nagtaka nang napawi din naman agad ang mga ngiti niya.

"Bakit?" tanong ko pagkatapos ay nalipat din ang tingin ko sa tinitingnan niya.

Ganon na lang ang pagkagulat ko nang makita si Phoebe na may kasamang lalaki. Ito din ang lalaking kasama niya dati nong nakita namin siya ni Aries sa labas ng school. Vince ata ang pangalan.

Hindi na sana ako magtataka na nakikita ko sila ngayong magkasama kasi kaibigan din naman siya pareho nina Aries at Phoebe pero iba kasi ngayon e. Magkahawak-kamay sila habang nag-uusap.

Hindi na normal 'yan para sa dalawang magkaibigan, 'di ba? Lalo pa't may boyfriend na si Phoebe. At nandito lang naman ngayon ang boyfriend niya, nakatitig habang masayang nag-uusap silang dalawa.

Celestial (C-RIES #3)Where stories live. Discover now