007

14 1 0
                                    

Tia

June 16,2022

"Bakit kaya absent si Phoebe kahapon? Tapos sabi pa nong classmate niya, since Tuesday absent na siya kasi nagbabantay sa 'kin."

Ito ako ngayon sa dining table, kumakain ng breakfast habang si Aries pinoproblema padin bakit hindi namin nakita ang girlfriend niya kahapon.

Si Liam nalang ang kasabay naming pumunta sa hospital at mga 8 pm nadin kami nakauwi kagabi kaya hindi na namin napag-usapan ang tungkol kay Phoebe.

"Ewan," sagot ko pagkatapos kong isubo ang fried rice na niluto ko kanina.

"Puntahan kaya uli siya natin mamaya sa classroom nila. Baka andon na 'yon."

"Kailangan pa ba? Mamaya na lalabas ang statement ng mga police 'di ba? Ibig sabihin, makakabalik ka nadin mamaya sa katawan mo. Kausapin mo nalang siya pag hindi ka na kaluluwa."

"Oo nga pala."

Don't tell me nakalimutan niyang ngayon ang araw ng pagbabalik niya sa katawan niya.

"Pero sa tingin mo," wika niya ulit," maaalala ko pa kaya ang nangyayari ngayon kapag nakabalik na ako sa katawan ko at magising na mula sa comatose?"

Bigla akong natigilan sa tanong niya. Pati kasi ako nacurious din kung maaalala niya pa ba talagang ako lang ang nag-iisang tao na nakakakita sa kaluluwa niya at nasusundan niya habang naka-comatose siya.

"Sana naman maalala ko. Para naman maalala ko din ang ginawa mo para sa 'kin. Naalala ko kasi since tumira tayo dito sa apartment, hindi na tayo gaanong nag-uusap unlike nong mga bata pa tayo sa South."

"Hindi mo naman kasi ako kinakausap e."

Wow. You're getting brave, self.

"Hindi kita kinakausap kasi hindi mo din naman ako kinakausap. Akala ko galit ka sa 'kin kasi ako ang nakasama mo dito sa apartment."

Natahimik ako kasi hindi ko din naman alam ang isasagot ko. Buti nalang niligtas ako ng cellphone kong nag-riring, sign na may tumatawag.

Binuksan ko agad ito at nakitang gustong makipagvideo call ng kaibigan kong si Tizzy.

"Tiz?" bungad ko sa kaniya nang ma-accept ko ang tawag.

"Whoa. Gising ka na nga talaga!" Hindi maitago ng mukha niya ang pagka-amazed niya. "Nagdadalawang-isip pa akong tumawag kasi alam ko maagang-maaga pa diyan pero gising ka naman pala."

Nasa abroad kasi ngayon 'tong si Tizzy kaya malamang iba ang oras sa kanila.

"May klase ako," sagot ko nalang.

"What time?"

"10."

"10?!" exaggerated niyang sigaw. "10 pa naman pala e. 8 palang diyan 'di ba? Pero sa bagay, palagi ka naman pala talagang early bird. But anyways... balita ko na-coma ang rommie mo?"

Nagkatinginan kami ni Aries dahil sa tinanong nitong si Tizzy.

"Bakit daw siya na-coma?" tanong uli nitong kaibigan ko.

"Nahulog ata sa hagdan kaya nabagok ang ulo."

"Poor him. I'm sure nong nalaman mong na-coma siya iyak ka nang iyak. 'Di ba gusto mo–"

Hindi ko na pinatapos ang gustong sabihin ni Tizzy at pinatay ko na agad ang tawag.

Shocks! My heart is racing like a car right now. Muntik na niya akong ibuking kay Aries! Hindi nga pala niya alam na kasama ko ang kaluluwa ng pinag-uusapan namin.

Celestial (C-RIES #3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن