006

14 1 0
                                    

Tia

June 15,2022

10 am na kaya nandito na ako sa classroom namin para makinig sa discussion ng teacher. Pero kahit anong gawin kong pagpo-focus, nadisdistract padin ako ng mga iniisip ko tungkol sa nangyari kay Aries.

"Makinig ka sa teacher mo," ani Aries na nasa tabi ko lang. Sinamahan niya ako dito sa classroom.

Kinuha ko ang notebook at ballpen ko tapos ay nagsulat para mabasa niya. Baka kasi pagnagsalita ako dito, aakalain na naman ng iba na nababaliw ako.

Naniniwala kang wala talagang kasalanan yong Marcus?

Binasa niya ang sinulat ko pagkatapos ay nagsalita uli, "Mamaya na lang 'yan, Tia. Makinig ka muna sa teacher mo. Ayokong maging dahilan kung sakaling bumagsak ka sa klase."

Okay lang yan. Pwede ko namang pag-aralan yan mamaya. San tayo pagkatapos ng klase ko?

"Puntahan natin 'yong hagdan kung saan ako naaksidente. Baka may alam na ang mga police kung ano talaga ang nangyari. Pero sa ngayon, please lang Tia makinig ka na sa teacher mo."

Wala akong nagawa kundi itigil na ang pagsusulat at makinig nalang sa discussions ng teacher.

"Hindi ka muna kakain sa cafeteria?" tanong ni Aries nang sa wakas ay nakalabas na kami sa 3-hour class ko.

Magsasalita na sana ako nang pigilan niya ako at tinuro ang phone ko. Nagets ko naman agad ang gusto niyang sabihin. May mga estudyante pa pala dito kaya ni-type ko nalang ang gusto kong sabihin.

Hindi pa ako nagugutom.

"Sigurado ka? 1 pm na o."

Kumain naman ako kanina bago nag-start ang klase. Okay na yon. Diretso nalang tayo sa pinangyarihan ng aksidente.

Tumango nalang siya pagkatapos ay dumiretso na kami sa hagdan kung saan nabagok ang ulo niya.

Masyadong mataas at madulas pa naman 'tong hagdan.

"Hi po, Sir," bati ko sa police na una kong nakita sa crime scene. Mga nasa 50s na siguro ang edad nitong police.

"Ano'ng ginagawa mo dito, Ineng? Bawal pa ang mga estudyante dito."

"Kaibigan po kasi ako ng naaksidente dito nong Lunes. Magtatanong lang po sana ako kung may update na tungkol sa kaso niya."

"Bukas pa lalabas ang resulta ng finger print test na ginawa sa area na 'to kaya bukas pa kami maglalabas ng statement kung ano ba talaga ang nangyari dito."

"Ganon po ba?" Nang itaas ko ang paningin ko ay may nakita akong CCTV kaya nagtanong uli ako sa police, "'E yang CCTV po, Sir? Nakita niyo na po ba ang footage niyan? Baka nahagip niyan kung ano ang nangyari nong Lunes."

"Sira na ang CCTV na 'yan kaya wala nading gamit sa pag-iimbestiga namin."

Nagkatinginan kami ni Aries at magkasabay na bumusangot dahil sa narinig namin mula sa police.

"Bukas pa nila malalaman kung ano talaga ang nangyari sa 'yo." Nandito na kami ngayon sa mini-park malapit lang sa building ng College of Business and Management. Wala halos tao dito kaya malaya kaming makipag-usap sa isa't-isa.

"Mabuti nga 'yon," sagot niya. "Kapag nalaman na ng mga police ang nangyari sa 'kin, malalaman din natin. Ibig sabihin, makakabalik na ako sa katawan ko at mabubuhay na ulit ako."

"Tama tama. Pero may oras pa tayo ngayon. Gusto mong pumunta sa classroom niyo? Malay mo, may idea pala mga classmates mo na hindi pa alam ng mga police."

Celestial (C-RIES #3)Where stories live. Discover now