001

42 1 0
                                    

Tia

June 13,2022

I can't believe I survived almost one school year living with a guy.

Yes, you read it right. A guy.

Hindi din ako makapaniwalang may Nanay ako na willing akong patirahin sa iisang apartment kasama ang isang lalaki.

Well, sabi niya hindi lang naman kung sinu-sinong lalaki si Aries kasi kababata ko siya. Pero hello... ilang taon na ang nagdaan mula umalis si Aries galing South at ipagpatuloy ang pagha-High School niya dito sa West.

Yes, we were friends when we were still elementary students at South Brisbane but everything's different now.

Halos mag-iisang taon na nga kaming magkasama sa apartment pero hindi na kami nagpapansinan.

I guess that's the best thing for us to do right now. Though we live in the same apartment, we should mind our own business.

But it would be impossible if for how many months that we live together, we won't have any interactions or we won't notice each other's existence.

Gaya nalang ngayon, kumakain ako dito sa dining table namin nang nakita ko siyang lumabas galing kwarto niya na walang suot na damit pang-itaas.

"Shit sorry, Tia. Akala ko nasa school ka na," agad niyang sabi habang tinatabunan ng dalawa niyang kamay ang katawan niya. Hello... Like that would make any difference, Aries.

I was speechless for a moment but fortunately, my dear soul returned to my body. "O-okay lang. Paalis nadin naman ako."

At kahit hindi pa ako tapos sa pagkain, dali-dali kong nilagay sa lababo ang pinagkainan ko at kinuha ang bag ko pagkatapos ay dali-dali nading lumabas ng apartment.

Pakiramdam ko ilang kilometro ang tinakbo ko dahil sa pagpapawis ko ngayon.

Sshh. Calm down, self. Tiisin mo nalang muna ngayon kasi next school year, siguradong papayagan ka na ng nanay mong tumira mag-isa sa ibang apartment.

Hayss. Kaya ko naman kasing tumira mag-isa pero si Mama sabi bago palang daw ako dito sa West at never pa akong nalayo sa kanila kaya nag-aalala siyang hindi ko kayang mamuhay na ako lang.

E ngayon si Aries na kababata ko, since high school dito na sa West nag-aral kaya nag-usap mga nanay namin na sa iisang apartment nalang kami patirahin.

Can't they realize that it's too awkward? Bukod sa college na kami ngayon, though una lang siya ng 2 years, may girlfriend din siya.

Ewan ko nga pa'no pumayag 'yon na may roommate ang boyfriend niya. O  kaya di naman talaga ako kaselos-selos?

Tama, self. 'Yon nga ang rason. Tanggapin mo nalang na 'di ka talaga ka-level ng girlfriend niya kaya hindi ka kaselos-selos.

"Tia, have you seen Aries?"

And speaking of his girlfriend, here she is right now.

Grabe, ang ganda niya talaga. No wonder nagustuhan siya nong lalaking yon.

"Nakita ko siya kanina sa apartment pero hindi ko siya nakita dito sa school."

"Ganon ba? Sige. Thank you. Hahanapin ko nalang siya." Nginitian niya ako pagkatapos ay umalis na.

How can a girl be that beautiful, classy, and angelic? She even said thank you to me. Wala talagang pagseselos na makikita sa pakikitungo niya sa 'kin.

Stop, Tia. It's like you want her to feel jealous to you. Stop the delusions, girl. This ain't you.

Kinahapunan nang makauwi ako sa apartment, nakatulog agad ako dahil sa pagod.

Nag-take kasi ako ng summer classes para pag-2nd year na ako, hindi na gaanong hectic ang schedule ko. 12 units lang naman ang kinuha ko pero feeling ko pagod na pagod na ako.

Hays. Ano pa ba'ng maaasahan ko sa Accountancy? Tatapusin na ata nitong course na 'to ang buhay ko.

Mag-aalas siete na ng gabi nang magising ako kaya dumiretso agad ako sa kusina dahil sa gutom.

Habang kumakain ay napatingin ako sa kwarto ni Aries.

Nakauwi na kaya siya? Tapos na kaya siyang kumain? O baka hanggang ngayon nagpa-practice padin siya ng basketball sa school? Rinig ko kay Tita naghahanda daw sila Aries para sa next tournament e.

Kakatapos ko lang kumain nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Nakita ko sa screen na tumatawag si Mama kaya agad ko itong sinagot.

"Hello," bungad ko.

"Nak? Saan ka ngayon?" Halata ang pagpa-panic sa boses niya.

"Dito sa apartment."

"Hindi mo pa alam ang nangyari kay Aries? Nasa hospital siya ngayon."

"Ano?! Sa hospital? Bakit?"

"Nabagok daw ang ulo niya kanina sa school. Mabuti nalang nadala siya agad sa hospital pero comatose siya ngayon."

"Comatose?! Sigurado ka, Ma?"

"Oo nga. Kasama ko ang Tita mo kanina pero agad siyang bumyahe papunta diyan sa West. Nag-aalala kasi kay Aries. May ginagawa ka ngayon? Bisitahin mo muna siya sa hospital."

Sasagot na sana ako ng oo nang maalala kong may gagawin pa pala ako na kailangan kong ipasa bukas.

"Pwedeng bukas nalang, Ma? May tatapusin pa kasi ako ngayon tas bukas na ang deadline."

"Ganon ba? Sige. Sasabihan ko ang Tita mo na bukas ka pupunta ng hospital."

"Sige po."

"Mag-iingat ka diyan, hah? Ngayong wala ang Kuya Aries mo diyan kailangan mong siguraduhing na-lock mo ang pinto."

"Opo."

"Sige sige. Bye na."

"Ba-bye." Pagkatapos ay ibinaba ko na ang tawag.

Bakit naman nabagok ang ulo non? Naaksidente ba siya habang naglalaro ng basketball?

Naman... Hindi ako makapagfocus sa ginagawa ko kakaisip sa kaniya. Sana pala binisita ko nalang siya sa hospital.

~~~~~

A/N:

[Kung hindi niyo po nabasa ang Crooked at CTRL Key, okay lang na i-skip niyo 'to.]

Note that starting from 2021, the academic year for all Colleges in Brisbane start from August (2021) to May (2022). June and July (2022) are for back subjects or subjects the students want to take in advance.

This is why the timeline of events here is different from Crooked because in that story, the academic year still starts with June (2020) and ends with March (2021).

As for Elementary and High School, the school year is still the same. It starts with June and ends with March. That's the timeline I followed for CTRL Key.

If you haven't read Crooked and CTRL Key, you can ignore this one. I just explained the timeline here for those readers who are specific with dates.

I know this is confusing so in C-RIES #4, I'll make sure to make the academic year for all levels (Elementary, Junior High, Senior High & College) the same.

Thank you for reading!

Celestial (C-RIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon