010

10 1 0
                                    

Tia

June 18,2022

"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Aries habang naglalakad kami palabas ng covered gym.

"Tatanungin sana mga classmates ni Marcus kung nandon ba talaga siya sa klase nila nong Monday kaya lang wala namang klase ngayon. Alam mo ba course nong Marcus?"

"Engineering 3rd year. Balita ko may mga back subjects din yon kaya nagsa-summer class. Haha."

'Yong pananalita niya may halong tawa kaya napasagot nalang ako, "Tawa-tawa ka pa diyan e pareho lang naman kayong may back subject."

He zipped his mouth and said, "Sabi ko nga."

"Anyways, sa Lunes pa natin matatanong mga classmates niya kung umattend nga talaga siya ng klase niya nong naaksidente ka. Ang problema, Sabado palang ngayon. Anong gagawin natin ngayon?"

Nagsimula na akong mag-isip kung ano ang pwede naming gawin ngayon nang mahalata kong mariin akong tinitingnan ni Aries.

"Bakit?" tanong ko.

"You're stressing yourself out. Weekdays ngayon. Magpahinga ka na muna."

"How can I if time is so precious to us? Baka nakakalimutan mo may 1 month lang tayo para malaman ano talaga nangyari sa 'yo."

"But that doesn't mean you can't take any rest. Okay lang, Tia. Sa Lunes nalang ulit tayo mag-imbestiga. Umuwi na muna tayo sa apartment at magpahinga."

Dahil sinabi niya, hindi na nga muna namin ipinagpatuloy ang pag-iimbestiga. Pero imbes na umuwi sa apartment, sa hospital kami dumiretso para bisitahin ang katawan niya at pati nadin ang mama niyang nag-aalala parin sa kaniya.

June 19,2022

We agreed to treat this day as a rest day but knowing me, I can't take wasting time. So kahit hindi niya alam, gumawa padin ako ng paraan para maimbestigahan tong si Marcus. I searched Marcus' name on social media but he rarely posts. This guy is quite mysterious.

May mga nakikita akong tag ng classmates niya so I stalked his classmates instead but I can't seem to find anything suspicious.

In fact, I was wowed because he seems so close with kids. Nakikita ko sa mga ibang tag posts, he is with kids e.

"Tia! Can I enter?"

Napapisik ako nang marinig ang boses ni Aries sa labas.

"Hah?" I asked.

"Pwede akong pumasok diyan?"

"Bakit?"

"Sige, kahit 'wag nalang. Ikaw nalang lumabas dito. Gusto kong manuod ng TV. Pwede mo bang i-on para sa 'kin? Please."

Natawa ako sa naging tanong niya.

This soul is demanding. Kaluluwa na nga, manunuod pa ng TV.

"Ano?" natatawa kong tanong paglabas ko ng kwarto.

"Gusto kong manuod ng TV. Pwede mo bang buksan?"

"Ganiyan na sitwasyon mo may gana ka pang manuod ng TV?"

"Naalala ko may laro pala ngayon ang Lakers at Chicago Bulls."

Kaya naman pala. Manunuod siya ng basketball.

Dumiretso nalang ako ng sala at binuksan na ang TV para sa kaniya.

"Enjoy watching," paalam ko at akmang maglalakad na sana nang magsalita uli siya.

"San ka pupunta?"

"Babalik sa kwarto?"

"Manunuod ako ng basketball sa sports channel. E Disney channel to e."

Ay oo nga pala! Hindi din nga pala niya mahahawakan at mape-press ang remote control kasi kaluluwa na siya.

June 20,2022

"Ito na siguro classroom nila," mahina kong tugon kay Aries nang makarating kami sa classroom na may paskil na nagsasabing BSCE 3-C o short for Bachelor of Science in Civil Engineering 3-C.

Tango lang ang isinagot sa 'kin ni Aries kaya naglakad na ako palapit sa pintuan ng classroom at naghanap ng estudyanteng pwedeng matanungan.

"Hi!" bati ko sa isang petite girl na nakasalamin na papasok na sana sa classroom nila.

"Hello?" She answered unsurely.

"I'm Cel from the College of Business and Management. May itatanong lang sana ako sa 'yo kung okay lang." She nodded so I continued. "I just wanna ask if Marcus attended your class last Monday."

"Last Monday?" Napaisip ang babae at pagkatapos ng ilang segundo, lumiwanag ang mga mata niya. Mukhang may naaalala siya. "As far as I can remember, he didn't attend our class last Monday. Pero bago ang class namin, nakita ko naman siya dito sa building. Napagalitan pa nga siya ng prof sa class e. Na kesyo daw back subject na niya pero uma-absent padin siya."

"Can I ask what time was your class last Monday and saan mo siya huling nakita?"

"Teka... Why are you asking these things to me?" I can now see a hint of doubt on her eyes.

"I'm a friend of her special someone." Lies. But just continue it, self. "Gusto niya lang ipatanong sa 'kin kung nandito ba talaga si Marcus sa school nong Lunes."

"Oh I see." Mukhang naniwala din naman siya sa sinabi ko. "Every Monday, our class schedule is 1-2:30 pm and 4-5:30 pm. In both classes, wala si Marcus. Maybe he practiced on the covered gym. You know, he's a varsity and they will have an upcoming tournament. Huli ko naman siyang nakita, dito lang sa hall ng first floor.

"I see. Thank you so much for answering my questions. Sorry din sa abala."

"No worries," she answered and we both bid our goodbyes to each other after that.

"Anong oras ka nga ulit naaksidente?" tanong ko kay Aries nang makaalis na ang babaing pinagtanungan ko.

"I don't know?"

"What? Hindi mo alam? Hindi mo matandaan?"

"Hindi e."

"Oo nga pala," sagot ko nang maalala ang sinabi niya dati na may mga bagay siyang hindi naaalala bago siya mabagok. "Kailangan nating alamin mamaya kung hanggang saan lang ang memory na natatandaan mo. Pero sa ngayon, puntahan muna natin ang guard ng building nila at magtanong kung pwede nating panuorin ang CCTV footages nong last Monday. Tingnan natin kung talaga bang nandito sa school si Marcus nong Lunes."

"The guard won't allow students to see the recording of the CCTV if there's no permit from the deans."

"Ay oo nga pala!" I answered upon realizing what he said.

"But we can try."

Napatingin ako sa kaniya tapos ay tumango.

I'll try my best to convince the guard to show us the CCTV footages.

Celestial (C-RIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon