005

15 1 0
                                    

Tia

June 15,2022

Kakabukas ko lang ng pintuan ng kwarto pagkatapos kong magising pero mukha agad ni Aries ang sumalubong sa 'kin. Napasigaw tuloy ako sa bigla. "Ahh!!! Ano ba? Ba't nambibigla ka?"

"Sorry. Kagabi pa kasi sana ako may sasabihin sa 'yo kaso tulog ka na. Pero okay lang. Ngayon ko nalang sasabihin sa 'yo."

"Ano ba 'yon?"

"Sinubukan kong bumaba dito sa apartment kagabi pero hanggang 3rd floor lang ako. Pareho din 'to dati nong sa hospital ako na may exact spot lang sa hospital kung saan hanggang don lang ako nakakapunta."

"Hah? E kung may exact spot ka lang na napupuntahan sa hospital, edi sana hindi ka nakasunod sa 'kin dito."

"'Yon na nga e. Ang hula ko, nakakapunta lang ako sa isang lugar kung saan nandiyan ka at malapit sa 'kin."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Totoo kaya ang pinagsasabi nito?

"Hindi ka naniniwala?" Bakas ang pagkadismaya sa mukha niya.

"Sige nga. Subukan natin mamaya pag nakalabas na tayo dito sa building. Tingnan natin kung totoo ang sinasabi mo na nakakapunta ka lang sa lugar kung saan malapit ako."

Sunud-sunod ang ginawa niyang pagtango kaya pagkatapos ng pag-uusap namin ay naligo na ko agad, nag-ayos, at kumain kahit mamaya pang alas dies ang klase ko.

Mas mabuti din kasing maaga ako ngayon kasi iimbestigahan ko pa 'yong sinabi ni Aries na si Marcus.

"Sige, hah? Ready ka na?"

Nakababa na kami ng apartment at nandito na kami ngayon sa labas ng building kaya susubukan na namin kung totoo ba ang sinasabi niya kanina.

Tumango nalang ako bilang sagot sa kaniya.

Nagsimula na siyang maglakad palayo sa 'kin at nang mga ilang metro na ang nalakad niya, bigla siyang tumigil kasi parang may invisible na pader na tumitigil sa kaniya sa paglakad.

He gave me a look that states 'O 'di ba? Sabi ko sa 'yo e.' Pagkatapos ay naglakad siya pabalik sa 'kin.

"Tama nga ang hula ko. Ibig sabihin hindi ako makakalayo sa 'yo."

"Pwedeng maglakad ka ulit sa ibang direksyon?"

Kumunot ang noo niya pero ilang sandali lang ay mukhang nakuha naman niya ang point ng sinabi ko kaya ginawa niya nalang.

At dahil sa little experiment na ginawa namin ngayon, nagkaroon kami ng conclusion na pabilog lang ang space kung saan malayang nakakagalaw si Aries at ang center ng bilog na 'yon, ako. Ni-estimate din namin ang radius ng circle at mukhang nasa 10 meters lang ito.

"Ibig sabihin lang niyan, dapat lagi tayong magkadikit," aniya kaya tumango nalang ako.

"Tama ka pero sa ngayon, kailangan na nating pumunta ng school. Kailangan nating makita si Marcus bago magsimula ang klase ko.

Dahil sa sinabi ko ay naglakad na kami papuntang school. Hindi naman kasi ito kalayuan mula sa apartment namin.

"Sa'n tayo?" tanong ko sa kaniya nang makapasok kami ng West B.

"Sa covered court. Sigurado ako nandon na si Marcus, nagpapractice."

Gaya ng sinabi niya ay dumiretso na kami ng covered court pero laking gulat namin nang sabi ng team captain nila Aries, wala daw don si Marcus. Pwede ko naman daw hintayin kasi malamang na-late lang 'yon.

"Ano'ng klaseng basketball player 'yon? Late sa practice? Napaka-undisciplined naman." Hindi ko na tuloy napigilang mag-rant.

"Hindi naman 'yon ganon dati e," sagot niya. "Tumigas lang ang ulo non nong nasali ako sa team last year."

"Alam mo, base sa kwento mo, 99% sure ako na siya ang may kagagawan ng pagka-aksidente mo. Mukhang inggit na inggit sa 'yo e."

"'Wag nalang muna tayong man-judge. Wala pa naman tayong ebidensya."

"Itigil mo nga ang pagiging mabait mo. Hindi ka naman ganyan nong mga bata tayo e. Tsaka malakas talaga kutob ko na siya ang may kagagawan kung bakit ka naaksidente." Rant parin ako nang rant pero si Aries naman sa tabi ko parang uod na pisik nang pisik.

"Ano'ng problema mo? Gusto mo ba tanungin ko nalang siya ng diretso mamaya? Tingnan natin kung makadeny pa 'yong lalaking–"

"Tia, stop," he cutted me off then point at our right side. Dahil sa ginawa niyang pagtuturo ay napansin kong may mga estudyante pala malapit sa 'min at pinagtitinginan nila ako ngayon.

Shocks. Hindi pala nila nakikita si Aries kasi kaluluwa nalang siya. Baka ang akala nila ngayon nababaliw na ako kasi may kausap akong hindi nila nakikita.

Sa sobrang hiya ko ay nanalangin nalang ako na sana, bumukas ang lupa at kainin nalang ako pero narinig ko si Aries sa tabi ko na tawang-tawa pa.

"HAHAHAHAHA. Napagkamalan ka pang baliw, Tia."

Pinandilatan ko siya at akmang hahampasin na sana nang mapatingin uli ako sa mga estudyante at nakitang parang naghihintay uli sila sa kung ano na namang kabaliwan ang gagawin ko.

Dahil sa sobrang kahihiyan ay naglakad na ako palayo sa mga estudyante pero si Aries tawang-tawa padin na nakasunod sa 'kin.

"Tumahimik ka nga diyan." Ang sarap niyang sigawan pero kasi baka akalain na naman ng mga estudyante nababaliw ako kasi kinakausap ko sarili ko.

"Their faces were epic earlier. Baka pag pinagpatuloy mo pa 'yon aakalain nilang may nakikita ka nga talaga na hindi nila nakikita tas magpa-panic sila sa sobrang takot."

"Nakakatawa 'yon?" sarcastic kong tanong. "Hanggang ngayon talaga prankster ka padin."

"Uy hindi na, hah? Nagbago na kaya ako."

I just rolled my eyeballs at him.

"HAHAHAHAHA. Totoo naman e. Nagbago na ako. Hindi na ako gumagawa ng pranks kasi matured na ako."

Busy siya kakaexplain ng side niya pero bigla nalang itong natigil kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ano?" pagtataka ko.

"Si Marcus."

Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang isang matangkad na lalaki, naglalakad papuntang covered court.

"Siya si Marcus?"

Tinanguan niya ako kaya walang pagdadalawang-isip na tumayo ako at nilapitan si Marcus.

"Marcus?"

Napatingin sa 'kin ang lalaki.

"Sino ka?"

"I'm... I'm Tia."

"Hindi kita kilala." Pagkatapos ay akmang maglalakad uli siya pero tinigilan ko siya.

"Ano'ng kailangan mo?" iritado niyang tanong.

Bigla ata akong natakot kaya hindi ako nakapagsalita.

Come on, self. Speak.

Pero ano ba dapat ang sasabihin ko?

"Tanungin mo kung pwede mo siyang makausap." Mabuti nalang to the rescue si Aries sa tabi ko.

"Pwe... Pwede ba kitang makausap?" pag-uulit ko sa sinabi ni Aries.

"Busy ako, Miss. Late na ako sa practice ko kaya tumabi ka diyan."

"Gusto kitang makausap tungkol kay Aries!"

Wala akong nagawa kundi sabihin nalang na tungkol 'to kay Aries. Mukhang effective naman ang sinabi ko kasi sandali siyang natigilan.

"Tatanungin mo din ba kung ako ang tumulak kay Aries sa hagdan?" seryoso niyang tanong. "Ilang ulit na akong tinanong ng police niyan. Hindi ako ang tumulak sa kaniya. Oo, galit na galit ako sa kaniya kasi masyado siyang pabibo at siya din ang kalaban ko sa team captain position ng varsity pero hinding-hindi ko magagawang pumatay ng tao para lang makuha ang gusto ko kaya please lang... tigilan niyo na ako."

Celestial (C-RIES #3)Where stories live. Discover now