033

12 1 0
                                    

◻ Tia ◻

July 1,2022

Sabay kaming naglalakad ngayon ni Kyle sa hallway ng hospital papuntang room ni Aries. Inoobserbahan ko siya pero mukhang chill lang naman siya at hindi concerned sa kung ano ang mangyayari kapag nakita siya ni Tita Beth.

Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin sa school ay inaya niya akong pumunta dito sa hospital para mapatunayan sa 'kin na hindi siya nagsisinungaling.

Nang makarating kami sa tapat ng kwarto ni Aries ay si Kyle na mismo ang nagbukas ng pintuan.

"Hi po, Tita Beth!" masigla niyang bati kay Tita.

Napatingin sa kaniya si Tita Beth pagkatapos ay napangiti. Sunod ay ako naman ang tiningnan ni Tita Beth at mas lumiwanag pa ang mukha niya.

"Nandito na ang mga paborito ko! Salamat naman at nagkasabay kayo ngayon."

Nagkatinginan kami ni Kyle pagkatapos ay binigyan niya ako ng tingin na parang nagsasabing, "O 'di ba? Sabi ko sa 'yo e."

"Sorry po, Tita," ani Kyle nang ilipat ang tingin kay Tita Beth, "ngayon nalang ako nakabalik dito kasi po naging busy ako sa taekwando."

"Okay lang, nak. Ano ka ba. Naiintindihan ko naman."

Close sila ni Tita Beth? Ibig sabihin ilang beses na siyang nakapunta dito. Pero bakit hindi ko man lang nalaman? Kapag ba wala ako dito, don lang siya dumadalaw? Bakit hindi man lang nasabi sa 'kin ni Tita? Nagmukha tuloy akong tanga kanina.

"Magkakilala pala kayong dalawa?"

I was caught off guard by Tita Beth's question kaya si Kyle nalang ang sumagot, "Opo, Tita. Kaya nagdesisyon kaming sabay nalang pumunta ngayon."

He even lied to Tita Beth to save me. Hindi niya sinabing hindi kami magkakilala not until kinausap ko siya kanina at sinabihan ng kung mga anu-ano.

"Kahapon dito din si Tia kasama ang iba pa nilang mga kaibigan ni Aries. Sayang nga at wala ka kahapon. Ang saya nila dito. Pero syempre alam ko naman na busy ka kaya okay lang, nak."

Tita is even calling him 'nak'. Ang alam ko ako lang ang tinatawag ni Tita ng ganiyan e. Maski sila Liam or Phoebe hindi niya tinatawag ng ganiyan.

"Oo nga po Tita e. Masyado talagang busy sa pagpa-practice....."

At nagkwentuhan na nga po silang dalawa tungkol sa kung anu-ano.

I can't believe they are this close!

Unti-unti na akong nakakaramdam ng hiya kay Kyle. Imagine, kung anu-ano nang allegations ang pinagsasabi ko sa kaniya kanina.

Sana lamunan nalang ako ng lupa!

"Saan ka?"

"Hah?" tanong ko pabalik.

Nandito na kasi kami sa labas ng hospital, nagbabantay ng taxi para umuwi.

Gustung-gusto ko nang umalis dito. Hiyang-hiya na ako sa kaniya. Gusto ko nang umalis dito at never na siyang makita ulit!

Joke. Alam kong makikita at makikita ko parin siya kasi under investigation parin namin siya.

"Saan bahay mo?" tanong niya ulit. "Baka magkalapit lang tayo o 'di kaya isang direksyon lang, sabay nalang tayo sa taxi."

Ayoko nga! Ayokong makasama pa 'to nang another 10 minutes. Feeling ko kasi jina-judge niya ako dahil sa mga sinabi ko sa kaniya kanina sa school.

Pero infairness, simula kanina na nandito kami sa hospital hindi na niya ulit in-open up ang mga mali kong sinabi sa kaniya.

"Sa Forbes Apartment."

"Sa Forbes? Nag-aapartment ka pala? Sa Valle pa ako e. Medyo malayo."

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sagot niya. Mabuti naman at taga-Valle siya, malayo sa 'min at nasa ibang direksyon pa.

Nang may taxi na parating ay agad niya itong pinara. Tumigil ang taxi pagkatapos ay binuksan niya ang pinto. Akala ko papasok na siya sa loob pero laking gulat ko nang imwenestra niya gamit ang kaniyang kamay na pumasok na ako sa loob.

I was frozen for a moment so he spoke again. "Mauna ka na. Papara nalang uli ako ng taxi ko."

Wala akong nagawa kundi pumasok na ng taxi. Bago niya isarado ang pinto, nagpakawala pa siya ng huling mga salita, "Ingat sa pag-uwi. Masaya akong nakakilala pa ako ng kaibigan ni Aries. See you nalang ulit sa school."

Shocks! Why is he so kind? Tama kaya ang sinabi sa 'kin ni Liam kagabi?

Naisarado na niya ang pinto at nakita kong pumapara na siya ng another taxi para sakyan niya nang biglang lumusot si Aries sa pintuan ng taxi kung saan ako.

"Ano ba 'yan! Hindi pa nga ako nakakapasok e!"

Muntik na akong tumawa nang pagkalakas-lakas dahil sa kaniya.

Hindi pa pala siya nakapasok pero sinirado na ni Kyle ang pintuan ng taxi.

"Saan po tayo, Ma'am?" tanong ni Manong Driver kaya mas nag-effort pa akong pigilan ang pagtawa ko.

"Sa Forbes Apartment po."

Nagdaan ang 10 minutes at sa wakas nakarating nadin kami sa apartment namin.

"Grabe ang hiya ko kanina kay Kyle," ani ko nang makapasok kami sa unit namin.

Nagpakawala siya nang mahinang tawa. "Hahaha. Sana kasi sinigurado mo muna."

"Paniwalang-paniwala ako kay Liam e."

"Pero 'yon ang Kyle na kilala ko hah."

"Hah?" Hindi ko kasi ma-gets ang sinabi niya.

"'Yon ang Kyle na kilala ko, mabait at friendly."

"Meaning... hindi ka naniniwala kay Liam?"

"Ewan ko. I trust Liam but I also know that Kyle is kind and won't do such things."

"Ah basta! Hindi pa tayo tapos kay Kyle. Iimbestigahan parin natin siya bukas. Kung sa school siya, edi babalik tayo ng school. Kung sa bahay nila siya, pupuntahan parin natin siya don gaya ng mga ginawa natin sa mga nauna. Pero sa ngayon, magpahinga na muna tayo. Kailangan natin ng energy para bukas."

Napangiti nalang siya sa sinabi ko pagkatapos ay itinango ang ulo bilang sagot.

Humanda ka sa 'min bukas Kyle. Akala mo dahil naging mabait ka sa 'kin, titigilan na kita?

Hindi.

Gagawin ko lahat para malaman ano'ng nangyari kay Aries nang sa ganon, mabuhay siya uli.

Celestial (C-RIES #3)Where stories live. Discover now