035

6 1 0
                                    

◻ Tia ◻

July 3,2022

"'Di ba dapat nasa labas tayo ngayon at nag-iimbestiga?" tanong ko kay Aries habang nakahilata sa sofa.

"Linggo ngayon, Tia," sagot niya habang nakaupo sa kabilang silya at malayo ang tingin.

"E ano naman ngayon kung Sunday? Hindi ba tayo pwedeng pumunta sa bahay ni Kyle at don mag-imbestiga?"

"Hindi ka talaga mapirme kapag walang ginagawa no?"

"Pa'no ako mapipirme kung alam kong ilang araw nalang bago–"

Nang marealize ko ang sinasabi ay napatigil ako kaya siya na mismo ang tumapos sa sasabihin ko. "Ilang araw nalang bago ako tuluyang mamatay?"

Tinapon ko sa kaniya ang throw pillow kaya natawa siya. Pero 'yong tawa niya halatang pilit.

"Itigil mo nga 'yan! Aalamin ko kung sino ang may pakana ng aksidente mo. Mabubuhay ka."

He smiled at me. This time, it's a genuine one. Pagkatapos ay nilapitan niya ako at niyakap. 'Yong yakap niya gaya ng dati na hindi tumatama ang mga braso sa katawan ko kasi pag nagkaganon lulusot lang siya sa 'kin.

"Pagkagising ko, sisiguraduhin kong mayayakap na kita nang maayos."

Napangiti ako sa sinabi niya pero agad din naman itong nawala nang maisip na pa'no kapag nagising siya sa coma tapos hindi na niya ako maalala? I mean, maaalala niya ako bilang kababata niya pero makakalimutan na niya lahat ng nangyari nong naging kaluluwa siya.

"Kapag nagising ka, pa'no pag hindi mo na maalala lahat ng nangyari ngayong kaluluwa ka? Pa'no kapag 'yong maalala mo lang 'yong mga memories mo bago ka na-coma?"

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin tapos tiningnan ako mata sa mata. "Posible ba 'yon? Bakit naman kita makakalimutan? Ano ang silbi ng nangyayari ngayon kung makakalimutan ko din naman 'to eventually pag nagising na ako?"

"Ewan ko. Naisip ko lang."

"Sige. Para mapanatag ka, ibibigay ko sa 'yo bracelet ko." Pinakita niya sa 'kin ang sinasabi niyang bracelet. Silver ito at may maliit na cross na pendant. "Kaya lang hindi ito 'yong actual e. Andon sa hospital. Ngayon ko lang nalaman may kaluluwa din pala ang bracelet. Hahaha," he giggled. "Pagpumunta ka don, pwede mo bang kunin 'yong bracelet ko? Tsaka isuot mo sa braso mo. Promise, pag nagising ako, ako mismo ang magsusuot ng bracelet sa 'yo."

Napangiti ako sa sinabi niya pagkatapos ay tinanguan siya.

"Nga pala," wika niya ulit, "may favor ulit ako sa 'yo. Okay lang ba? Last naman na 'to tungkol kay Phoebe."

Phoebe. Ewan ko ba't kinakabahan ako tuwing maririnig ko ang pangalan niya. Siguro kasi natatakot akong malaman na gusto padin siya ni Aries.

"Pwede mo ba siyang makausap bukas? Na kung pwede sana kausapin niya si Mama at sabihing wala na kami."

I was speechless for a moment.

Tama ba ang narinig ko? Gusto niyang kausapin ko si Phoebe para kausapin si Tita Beth at sabihing wala na silang dalawa?

"Sigurado ka?"

He nodded his head as a response. "Para nadin maging klaro kay Mama."

July 4,2022

Dahil sa hininging favor ni Aries kahapon ay ito kami, naglalakad papuntang classroom ni Phoebe para kausapin siya.

"Miss, pwede ba kay Phoebe? Pakisabi gusto siyang kausapin ni Tia," kausap ko sa classmate niya.

Celestial (C-RIES #3)Where stories live. Discover now