022

17 1 0
                                    

◻ Tia ◻

June 27,2022

Nakarating na kami ni Aries sa apartment pero ito kami at walang kibuan. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko. Halata sa kaniyang naba-bother padin siya sa nakita namin kanina.

Ilang minuto ang nagdaan sa sala na katahimikan lang ang bumabalot sa 'min kaya napagdesisyonan kong magsalita nalang. "Hin... Hindi naman siguro big deal 'yong nakita natin?"

Kahit nagdududa ako kay Phoebe, gusto kong pagaanin ang loob nitong si Aries pero base sa tono ng boses ko, parang nagtatanong ako at hindi nangungumbinsi.

Napatingin siya sa 'kin pero iniwas niya ulit ang mga mata niya bago ako sagutin. "Vince knew that it was a big deal. Kahit una silang nagkakilala ni Phoebe, he never crossed the line nong naging kami na ng kaibigan niya. 'Yon naman kasi talaga, 'di ba? He should put boundaries between them kasi magkaibigan lang sila at may boyfriend na si Phoebe."

"Ano'ng iniisip mo?" pabulong na ang naging tanong ko.

"Ewan ko. I trust Phoebe but after seeing her a while ago holding that guy's hand... I don't know anymore."

"You want to know what really is happening between them?"

"Oo, pero at the same time hindi. Gusto kong malaman pero takot akong masaktan."

"So gusto mong magbulag-bulagan nalang habang-buhay?"

"'Yon ay kung may buhay pang naghihintay sa 'kin. Two weeks na ang nakaraan pero ito parin ako, kaluluwa at 'yong katawan ko nasa coma padin. Baka dapat ko nalang talagang tanggapin na hanggang dito lang ako."

"Itigil mo nga 'yan!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong taasan siya ng boses. "Madami pa tayong oras pero sumusuko ka na? Wala ka bang tiwala sa 'kin na matutulungan kita?"

"Hindi sa ganon, Tia," agad niyang sagot nang mahimigan na naoffend ako sa sinabi niya. "Baka lang kasi ito talaga ang tadhana ko."

"'Baka?' Tatanggapin mo nalang nang ganon kadali? Dahil sa nakita mo kanina? Sumusuko ka na dahil sa nakita mo kanina? Itigil mo nga 'yan, Aries. Kailangan mong lumaban at kailangan mong alamin kung ano talaga ang nangyayari kina Phoebe at Vince. Deserve mong malaman. Oo, alam kong masakit pero pag hindi mo inalam ngayon, patuloy ka lang na masasaktan."

Ipinatong ko ang bag ko sa study table pagkatapos ay kumuha ng malinis na damit. Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at iniwan muna si Aries sa sala.

Pagkatapos ng sinabi ko sa kaniya ay hindi na siya sumagot kaya iniwan ko muna para makapag-isip.

I did my thing from half-bathing to eating dinner pero napansin ko na wala na siya sa sala. Baka nasa kwarto niya at nag-iisip parin.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang pinggan at dumiretso na ulit sa kwarto para tapusin ang binabalance ko sa accounting.

I spent hours doing that and half an hour visiting my social media accounts then proceed to bed.

Ilang minuto din akong nagpagulung-gulong sa kama kasi hindi naman ako makatulog. Iniisip ko padin ang nakita namin kanina.

Posible bang nagde-date si Phoebe ng ibang lalaki habang nasa coma ang boyfriend niya? Posible bang may ibang namamagitan sa kanila ni Vince?

Simula kailan kaya? Ngayon lang ba na nasa coma si Aries? O dati palang niloloko na niya ang boyfriend niya?

Patuloy lang ako sa pag-iisip nang bigla kong marinig ang boses ni Aries galing sa labas ng kwarto. "Tia, tulog ka na ba? Pwede ba akong pumasok?"

Napaupo agad ako sa kama nang marinig ang naging tanong niya.

Celestial (C-RIES #3)Where stories live. Discover now