023

14 1 0
                                    

◻ Tia ◻

June 28,2022

"So sino na 'yong kausap mo kanina sa cellphone?" tanong ni Aries habang nakasakay na kami sa bus papuntang Central.

Kanina pa siya nagtatanong kaso nagmamadali ako. Baka kasi hindi namin maabutan ang pang-9 am na bus.

"'Yong unang tumawag sa 'kin, girlfriend 'yon ni Kuya Tristan. Kath ang pangalan niya."

"Sinong Tristan? Tristan na pinsan mo?"

Tango lang ang isinagot ko pero nagtaka ako ba't parang shock na shock siya sa narinig. "Gulat na gulat ka ata?"

"E kasi nakakabigla malaman na may girlfriend na si Tristan. Naaalala ko kasi dati parang wala naman 'yong pakialam sa mga babae tas laptop niya lang ang lagi niyang kaharap."

"Ilang taon na ang nakaraan. Syempre nagbabago din ang mga tao. Sa North niya nakilala si Kath. Classmates sila."

"Teka nga, ba't bigla-bigla ata silang lumipat sa South? May problema ba sa North?"

I just shrugged my shoulders in response because I also don't have any idea why they returned from North to South.

"E 'yong lalaki naman na tumawag sa 'yo?"

Nang banggitin niya ang salitang lalaki ay naalala ko ang pag-uusap namin ni Monte Kael kanina.

"Hello, Ate?"

"Hi, Kael."

"Tumawag sa 'kin si Ate Kath. Pupunta ka daw dito sa Central?"

"Oo e. Nagtanong ako sa kaniya baka andiyan siya sa Central. Baka kasi kailangan kong mag-over night pero nasa North daw siya ngayon. Okay lang. Maghahanap nalang ako ng iba pang pwedeng matuluyan diyan."

"Sorry talaga Ate hah? Hindi din ako maka-offer sa 'yo na tumuloy ka dito sa unit ko. Baka kasi... Baka kasi anong isipin ni–"

"Okay lang ano ka ba? Ako nalang bahala maghanap ng matutuluyan diyan sa Central. Alam ko namang may girlfriend ka."

"Mabait naman 'yon, Ate. Pero kasi baka anong isipin niya. Pero don't worry. Tutulungan kita maghanap ng matutuluyan mo dito sa Central mamaya. Tawagan mo lang ako kung nandito ka na. Susunduin kita."

"'Wag na, Kael. Kaya ko na."

"I insist po. Kahit ito man lang maitulong ko sa 'yo."

"Ah 'yon kanina? Si Monte Kael, kapatid ni Kath. Sa Central U siya nag-aaral. Baka kilala niya si Vince. Tanungin natin mamaya."

Tango lang ang isinagot niya sa 'kin pagkatapos ay hindi na ulit kami nag-usap.

Halos kalahating-oras na kami sa byahe nang may umakyat na lalaking pasahero sa bus.

Iilan nalang ang bakanteng upuan at malapit pa ako sa pintuan ng bus kaya nang walang paalam ay umupo siya sa tabi ko kahit nakaupo na dito si Aries.

"Ano ba 'yan! Muntik na niya akong maupuan!" sigaw ni Aries kaya natawa ako.

Kung umakto kasi akala mo mauupuan talaga siya nitong lalaki. Pa'no siya mauupuan nito e kaluluwa siya?

"Tia, paalisin mo nga 'yan diyan. Sabihin mo lumipat sa ibang upuan kasi may nakaupo diyan."

Naghintay siya ng sagot ko pero tahimik lang ako at nagpipigil ng tawa.

Pa'no ba naman kasi. Ano'ng ini-expect niya? Kakausapin ko siya sa harap ng mga taong hindi naman siya nakikita? Ayokong magmukhang baliw.

"Tia, sabihin mo lumipat muna kasi hindi ka komportableng may katabi."

Duh... Hindi naman sa 'kin 'tong bus at pang-isang tao lang ang pamasahe ko. Bakit ko naman papaalisin 'tong lalaki sa tabi ko?

"Ngayon nagkukunwari kang hindi ako naririnig? Pwede ka namang magtype sa phone mo nang sagot mo sa 'kin. Hindi ganitong para akong baliw na kinakausap ang sarili ko."

Pilit kong pinipigilan ang tawa ko dahil sa kaluluwang 'to nang magtama ang tingin namin ng lalaking katabi ko.

He gave me a smile but I awkwardly avoided my eyes.

Teka... Akala ba nito siya nginingitian ko?

"You're from West B?"

Ito na nga. Kinakausap na ako ng lalaking akala ata siya ang nginingitian ko.

"Hah?"

Tinuro niya ang ID lace na nakalabas mula sa zipper ng bag ko.

"Ah." Dali-dali kong inayos ang pagkakalagay ng ID sa bag ko.

"So you're from West B."

"O-Oo."

"I'm from Montessori College."

Wow. Montessori College, a private school from West. Siguradong yayamanin 'tong lalaking 'to.

"Tss. Kaya pala ayaw paalisin sa tabi niya kasi gusto din niya kausap," narinig kong reklamo ni Aries pero hindi ko na siya pinansin.

"A... Anong gagawin mo sa Central?" tanong ko sa lalaki kasi na-curious din ako pero agad siyang sumagot.

"No. I'm not heading to Central. Bababa lang ako sa Delpio."

Delpio. Part pa ng West pero malapit na din naman sa Central.

"What's your name nga pala?" tanong niya pagkatapos ay nakita ko sa peripheral vision ko na umalis si Aries habang nakabusangot. Naghanap siguro ng bakanteng upuan sa likod.

"I'm Tia."

"Hi, Tia. I'm Gab." He extended his hands to me so I shook it to be polite.

"Can I follow you on IG? What's your username?"

Akala ata nito interested ako sa kaniya kasi napapansin niyang ngumingiti ako not knowing na si Aries ang tinatawanan ko kanina.

"I don't really use IG."

"How about FB? Or twitter?"

"Sige. IG nalang."

He handed me his phone so I got it from him and typed my username then returned his phone after.

"Okay. Got it," he said after pressing the follow button.

At don na nagsimula na kwento siya nang kwento about sa buhay niya. Mukha naman siyang mabait. Mukha din siyang okay maging kaibigan pero hindi ako makapag-focus sa kaniya kasi hinahanap ko si Aries.

Asan na kaya 'yong lalaking 'yon?

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng bus at nakita ko siyang nakaupo sa pinakahuling upuan.

Nagtama ang tingin namin pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

Mukhang galit talaga siya kasi pinaupuan ko sa iba ang pwesto niya.

Celestial (C-RIES #3)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin