037

22 1 2
                                    

◻ Tia ◻

July 4,2022

"Kamusta?" tanong ni Vince. "Naging okay ba ang pag-uusap niyo?"

Alam kong pareho kaming kinakabahan ni Vince sa magiging sagot ni Phoebe pero agad na napawi ang kaba namin nang ngumiti ito at tumango.

I saw in my peripheral vision how Vince smiled and he hurriedly went to Phoebe to hugged her.

Sunod ay nakita ko ang kaluluwang si Aries sa loob ng hospital room niya.

I mouthed, "Okay ka lang?"

Ngumiti din siya sa 'kin at tumango.

"Pa'no? Uwi na tayo?" Vince asked.

"Yeah, nakapagpaalam nadin naman ako kay Tita. Pero kailangan mo din munang magpaalam, Vince."

Tumango si Vince at agad kumaripas sa loob ng kwarto. Lumusot pa siya sa kaluluwa ni Aries sa sobrang pagmamadali.

"Tita, thank you so much po! We'll get going na! I hope Aries would wake up soon," rinig kong paalam niya kay Tita.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Tita Beth pero nakita ko namang lumabas si Vince nang nakangiti.

"Tayo na?" Vince asked.

"Yeah. Let's go, Tia?" Phoebe asked me too.

"Magpapaalam muna ako kay Tita. Mauna na kayo."

"No, we'll wait for you. You accompanied me here so I'll wait for you."

Wala akong nagawa kundi tanguan nalang siya at pumasok na ulit sa loob ng kwarto ni Aries.

"Tita, uuwi nadin po ako. Babalik nalang ako dito kapag hindi na ulit ako busy sa school."

"Alam mo na?"

I was taken abacked by Tita's question. "Po?"

"Alam mo na 'yung kay Phoebe?"

So she really is asking about Phoebe.

"Ngayon lang din po."

"Naaksidente pala ang anak ko ng may dinaramdam. Pero wala tayong magagawa. Wala tayong magagawa kung wala naman na pala silang dalawa."

Agad akong lumapit kay Tita at hinawakan ang mga kamay niya. "Lahat naman po ng mga nangyayari may dahilan. Alam ko pong magiging okay din ang lahat."

Tita Beth smiled at me then she hugged me.

"O siya. Umuwi ka na, nak. Baka may mga assignment ka pa. Salamat kasi lagi kang bumibisita dito," aniya pagkatapos akong pakawalan sa pagkakayakap.

"Walang anuman, Tita. Sige po. Alis na ako."

Hahakbang na sana ako paalis ng kwarto pero nakita ko si Aries na itinuturo ang bracelet niya.

Don ko naalala ang sinabi niya kagabi na kunin ko daw sa braso niya ang bracelet at isuot ko.

"Kukunin ko?" Hindi ko agad narealize na nalakasan ko pala ang pagtanong kaya napatingin sa 'kin si Tita.

"Ano 'yon, nak?"

"Ah wala po. Hehe."

"Kunin mo na," pag-uudyok sa 'kin ni Aries kaya nang tumalikod si Tita mula sa 'kin, agad kong kinuha sa braso ng comatose na katawan ni Aries ang bracelet.

"Bye po, Tita!" paalam ko at tuluyan nang lumabas sa hospital room.

"Okay na?" tanong sa 'kin ni Phoebe kaya tumango ako at sabay na ulit kaming lumabas ng hospital.

Celestial (C-RIES #3)Where stories live. Discover now