036

13 1 0
                                    

◻ Tia ◻

July 4,2022

"Goodbye, class!" paalam ng prof namin para sa last period ngayong araw.

Salamat naman at naisipan niyang idismiss na ang klase. Akala ko mag-eextend ulit siya ng another 10 minutes. Siguradong bagot na kakahintay sa 'kin si Phoebe kung saan man siya. O baka nga nauna na 'yon don sa hospital e.

"Tia!"

Napatingin ako sa tumawag sa 'kin nang makalabas ako ng classroom at nakita ko kaagad si Phoebe. Hinintay pala talaga niya ako dito sa labas ng classroom.

"Kanina ka pa? Sorry. Hindi ata marunong tumingin sa orasan 'yong prof namin."

Natawa siya sa sinabi ko. "Hindi. Ano ka ba. Okay lang. Ako na nga 'tong humihingi sa 'yo ng favor na samahan ako e. Pa'no? Tara na?"

Tinanguan ko siya pagkatapos ay sabay na kaming naglakad palabas ng school.

Habang naglalakad kami, ewan ko pero parang tingin nang tingin sa 'kin si Phoebe. Hindi ko alam kung assuming lang ako o talagang may gusto siyang sabihin sa 'kin.

Nakompirma kong tama ang iniisip ko kanina nang makita ko si Vince sa tapat ng gate ng school.

Kaya pala habang naglalakad kami para siyang kinakabahan o ano. Nandito pala kasi si Vince, naghihintay sa kaniya.

"Okay lang naman sigurong sumama sa 'tin si Vince 'di ba? Gusto niya din kasing bisitahin si Aries."

Napatingin ako sa kaluluwang si Aries at tumango lang din naman siya kaya ganon narin ang isinagot ko kay Phoebe.

Sabay kaming tatlo (plus kaluluwa ni Aries) na nagtaxi at pumunta ng hospital. At sa time na kasama namin silang dalawa, mapapansin ko na mahal nga talaga nila ang isa't-isa.

Vince is a gentleman towards Phoebe. He opened the door of the taxi for her, and even for me! I heard how he talked to Phoebe and told her that Tita Beth will understand her and everything will be okay.

Ganon din kay Phoebe. Nakita ko kung pa'no niya haplusin ang kamay ng lalaki at pa'no niya ito ngitian habang hindi nakatingin ang huli.

Pero hindi ko parin kayang maging completely happy para sa kanilang dalawa kasi nandito ngayon si Aries sa tabi ko at alam kong nakikita din niya kung ano ang nakikita ko.

"Gustong makita ni Vince si Aries kaya sasama muna siya sa 'tin sa loob. After non, kakausapin ko na si Tita ng ako lang," paliwanag ni Phoebe bago kumatok ng pintuan kaya tumango nalang ako bilang sagot.

She knocked thrice and then opened the door. And as usual, we were welcomed by Tita's wide smile. Napalitan nga lang ng pagkabigla nang makita niya si Phoebe at si Vince na hindi pa niya ata kilala.

"Mabuti naman at nakabalik uli kayo dito, Phoebe. Pero sino naman itong bago niyong kasama? Kaibigan din ni Aries? Ang dami pa atang kaibigan ni Aries na hindi ko kilala hah?"

Napatingin sa 'kin si Phoebe at parang sinasabi na 'wag sabihin kay Tita na ang kasama namin ay ang boyfriend niya ngayon. Tumango nalang ako para kombinsihin siyang hindi ako magsasalita ng tungkol sa relasyon nila.

"Opo, Tita," Vince immediately answered. "I'm Vince. Kaibigan po ako ni Aries. Classmates po kami simula Junior High kaso nong nagkacollege ako, lumipat ang pamilya namin sa Central kaya don na ako nag-aaral ngayon."

"Ibig sabihin galing ka pa ng Central?"

"Opo," sagot niya habang nagkakamot ng ulo.

"Ang layo pa pala ng pinanggalingan mo. Kaya pala ngayon lang kita nakitang bumisita dito kasi taga-Central ka pa. Umupo muna kayo. Baka pagod kayo sa byahe o ano."

Celestial (C-RIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon