"Nahihirapan po kasi kaming makipag-usap sa kan'ya. Hindi niya po kami marinig at hindi naman namin maintindihan ang gusto niyang sabihin."

That's when I realized, Johanna's world is different from the other kids here. No matter how much other kids want to play with her, kung hindi sila magkakaintindihan at magkakausap nang mabuti, hindi sila magkakasundo.

"I have something for you," I said while trying to move my hand.

Fierro taught me how to communicate with sign language but it's still hard for me to understand them. Kung ako nga, nahihirapan na, paano pa kaya ang mga bata?

"Tara na?" sabi ni Fierro bago hinawakan ang kamay ng bata saka dinala sa kung nasaan ang iba pang orphan.

Nang mapaupo na namin siya sa bakanteng upuan, nagsimula na ang munting program na inihanda namin para sa kanila. Nagpalaro kami sa mga bata at nagpa-talent portion. May extra gift ang bawat batang maglalakas ng loob na ipakita sa amin ang talento nila, bukod pa sa regalo na inihanda namin para sa kanila.

Nang matapos, nagsimula na silang kumain ng pagkain na inihanda ng mga volunteer. Pinanonood ko lang si Johanna na tahimik na kumakain sa upuan niya at hindi nakikipag-interact sa ibang bata.

Pagkatapos naming lahat kumain, nagsimula na kami sa pag-distribute ng mga laruan. Habang binubuksan nila ang regalo, lahat sila ay nagtaka dahil bawat regalo na natanggap nila, may kasamang whiteboard at whiteboard marker.

"Nabuksan na ba ng lahat ang regalo?" tanong ni Fierro gamit ang hawak na microphone.

"Opo!"

"Ang whiteboard at whiteboard marker na hawak ninyo ay gagamitin nyo sa tuwing gusto n'yong makausap si Johanna o kung may gusto kayong sabihin sa kan'ya. Okay?"

"Okay po!"

Lumapit si Fierro kay Johanna at nakipag-usap dito gamit ang sign language. Ilang sandali pa, nakita ko na umiiyak na ang bata bago yumakap kay Fierro. Lahat kami ay nagtaka dahil do'n.

"A-Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko pagkalapit sa kanila.

Tumawa si Fierro nang mahina bago kinarga ang bata saka tumayo. "Na-touch yata. Maraming maraming salamat daw."

Napangiti ako nang humarap sa akin ang bata. Kinuha ko siya kay Fierro at ako na ang nagbuhat sa kan'ya. Niyakap niya ako habang yakap ang whiteboard niya—hindi pa rin tumitigil sa paghikbi.

Nang kumalma na siya, nagpababa na siya at may sinabi sa akin gamit ang sign language. Lumingon ako kay Fierro para magtanong kung anong sinasabi niya. Tumawa si Fierro bago umakbay sa akin.

"Masayang-masaya raw siya palagi kapag nandito tayo. At sana 'wag raw tayong maghiwalay."

Napatigil ako dahil do'n. Pinanood ko si Fierro na lumuhod para maging kapantay si Johanna at nag-sign language habang nagsasalita.

"Hinding-hindi kami maghihiwalay. Habang-buhay."

***

Halos gabi na nang makaalis kami ng Zambales para dumeretso sa Tarlac. Gusto nga ng mga volunteer ay doon na kami matulog pero dahil maikli lang ang oras at marami pa kaming dapat gawin, hindi na namin tinanggap ang offer nila.

Pagkarating namin sa bahay niya, nagluto si Fierro ng dinner namin. Halos walang stock sa bahay nila dahil madalang na madalang lang namang umuwi ang papa niya rito pero ginawaan niya ng paraan at nakapagluto ng pork steak. Mabuti na lang, may nabilhan pa kami ng karne kanina.

"Ayos lang ba?" tanong niya patungkol sa niluto niya.

Tumawa ako bago sumubo ulit. "Oo naman. Sarap nga, eh."

Tumawa siya nang mahina bago nagsimula na rin kumain. "Kapag ikinasal na tayo, kapag nakatira na tayo sa iisang bahay, ipagluluto kita palagi ng masarap na pagkain."

Nawala ang ngiti ko kasabay ng pagbagal ng nguya ko dahil sa sinabi niya. Gusto kong sumagot sa kan'ya pero alam ko na wala akong magandang masasabi tungkol sa idea niya na 'yon kaya naman ngumiti na lang ulit ako saka itinuon ang buong atensiyon sa pagkain.

Thinking of marrying him hurts me now, too.

Nang matapos kaming kumain, naghugas siya ng pinagkainan namin at mga ginamit kanina sa pagluluto bago namin napagpasyahang maglakad-lakad. Hinuli niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"May isang lugar akong nami-miss," sabi niya.

I chuckled. "Alin? Kung saan ka nakikipagbasag-ulo?"

Tumawa siya nang malakas. "Hindi! Yung grafitti zone!"

Hindi ko napigilan ang sariling pagtawa sa reaksiyon niya. "Ako rin nga. Ang tagal ko nang hindi nakakapunta ro'n. Simula nag-college ako dito, hindi na ako nakapunta ro'n."

Ginulo niya ang buhok ko gamit ang isang kamay niya. "Pupunta tayo ngayon."

Dumaan muna kami sa convenience store na palaging bukas kahit anong oras kaming pumunta. Bumili kami ng isang spray paint na kulay pula saka dumeretso sa graffiti zone. Nang makarating kami ro'n, nakita namin na halos wala namang pinagbago ang lugar. Gano'n pa rin at tadtad pa rin ng sulat ang mahaba at malapad na pader.

"Natabunan na lahat ng isinulat mo dito," sabi niya habang nakatitig sa mga nakasulat doon. Lumingon siya sa akin saka ngumiti. "Kailangan mo yata ng bagong entry."

Tumawa ako. "Ano namang isusulat ko ngayon?"

Nagkibit-balikat siya bago inilagay sa kamay kong hawak niya ang spray paint. "Kahit ano. Kahit na anong maisip mo—tulad noon—para gumaan ang loob mo."

Napalunok ako nang lumayo na siya nang kaunti sa akin para bigyan ako ng space sa kung ano man ang gusto kong isulat. Tinitigan ko ang hawak na spray paint at nag-isip ng kung anong gusto kong isulat.

Nang makaisip na, pumikit ako at nagbuntonghininga nang malalim bago tinanggal ang takip ng spray paint saka inalog-alog ito. Ilang sandali pa, nagsimula na akong magsulat sa pader gamit ang pulang pintura na lumalabas sa can na hawak ko.

I'M SORRY.

FORGIVE ME.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang maisip na tatlong tao ang pumasok sa isip ko nang basahin ko 'yon.

Si Mommy . . .

I'm sorry that you had to sacrifice your own life and dream for me to live. I hope that you'll forgive me for living, Mommy.

Si Daddy . . .

I'm sorry that I told you all those hurtful words the last time we had a talk. I hope that you'll forgive me for being a bad daughter.

At sa huli . . . si Fierro.

"Bakit 'yan ang isinulat mo?" inosenteng tanong niya habang nakatitig sa pader.

Tuluyan na akong humarap sa kan'ya habang naglalabo ang mga paningin ko sa mga luhang naiipon sa sulok ng mga mata ko.

"Fierro . . ." I sniffed. He looked at me and his forehead creased when he saw the look in me. "I'm sorry."

"B-Bakit?"

My tears automatically dropped when I saw the pain in his eyes. "I love you . . . but I'm not in love with you anymore. Please forgive me for my love for you was so shallow."

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now