Kaya nang uwian na at naghihintay akong sunduin niya, ay pinagdasal ko na lang talagang walang makakakita sa amin. I can just text him that he doesn't need to fetch me anymore, but the problem is that my phone ran out of battery.

Nakaupo ako sa may waiting shed nang mag-isa. Quan and the others went to the party so none of them is with me. Hindi na rin naman sila nagpumilit na isama ako sa gala nila dahil alam na nilang nag-w-working student nga ako.

Maaga kaming natapos sa klase kaya may labing-limang minuto pa bago lumabas ang karamihan sa mga estudyante. I hope he is already here before that.

I looked at the tall gate of the campus and hoped no one will come out there. But one college student did. Isa lang din naman at marami namang tricycle ang dumadaan, kaya tingin ko aalis na rin siya agad.

Dumiretso siya sa waiting shed sa kung nasaan ako. She sat down and looked at me in a longer than usual way.

She looks familiar. But I'm not quite sure if we ever had any sort of interaction. I averted my gaze from her and looked at the passing vehicles on the road instead.

"Ang hilig mo talagang magmaang-maangan na para bang wala kang kasalanan," she suddenly blurted out, loud enough for me to hear.

Napatingin ako sa kanya, kung sakaling may hawak ba siyang phone o bluetooth earbuds at may kausap lang doon pero nakapako na ang galit niyang tingin sa akin.

"I'm sorry?" I asked, clearly confused.

I tried my best to remember anything about her but I just couldn't. Tanging sina Quan lang naman ang palagi kong nakakasalamuha. And I never had any grudge with anyone here at school. Maliban na lang sa mga usap-usapan nila sa akin na hindi ko rin naman kailanman pinatulan.

"Huwag ka ngang umaktong inosente! Ikaw iyong nililigawan ni Jude 'di ba? Sinabihan mo pang hindi mo siya sasagutin kong ayaw niyang bayaran ang tuition fee mo." She now stood up and pointed at me.

Then it dawned into me. She's from the Business Ad Department, the same girl that spread the gossip about me being a gold-digging whore just because her boyfriend tried to court me and offered to pay for my tuition.

"Kaya ngayon, hiniwalayan niya ako dahil balak niyang ipagpatuloy ang panliligaw sa 'yo. Alam mo namang may girlfriend na iyong tao, nilalandi mo pa?!" She now advanced forward, with angry tears running down her cheeks.

Napatayo na rin ako dahil naging agresibo na ang kilos niya. Pagkatayo na pagkatayo ko pa lang ay nakalapit na siya sa akin at itinulak ang balikat ko. I almost lost balance, only if I wasn't fast enough to cover her push.

And then loud whispers followed. Naabutan kami ng sabay-sabay na paglabas ng karamihan sa mga estudyante. But she doesn't seem to give a care when she continued to push me.

"Ano?! Hindi ka makasagot ngayon dahil totoong nilandi mo nga siya? Hindi ka lang makati, gold-digger ka rin! Anak ka nga ng dating corrupt na Governor!"

Itinulak niya na naman ako. Sa pagkakataong ito ay tuluyan na akong nawalan ng pasensya sa mga paratang at pamamahiya niya kaya bago pa man niya masundan ang pagtulak sa akin, ay itinulak ko na siya ng mas malakas.

She lost her balance and she fell on the ground. Nagsinghapan ang ibang mga estudyante at mas naglapitan pa.

All of them scrutinized me with their stares, as if condemning me for something that I did not even start in the first place.

"Ang boyfriend mo ang nanligaw sa akin, at siya mismo ang nag-offer na bayaran ang tuition fee ko. I rejected him already. A lot of times and he just can't seem to accept that. Kaya kung may dapat ka mang pagbuntunan ng galit dito, siya iyon. At isa pa, huwag mong masali-sali si Papa sa usapan dito," nanginig ang boses ko dahil sa galit.

Heat Wave (Disaster Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora