Kabanata 5

244 9 0
                                    

Wound

I crinkled my nose and rolled towards the other side of my bed. But it followed me. The sunlight's caress still managed to kiss my cheeks, urging me to wake up.

Tumatagos ang liwanag nito sa mga kurtina at wala na akong magagawa ro'n. I love the sunlight alright, it makes my tanned skin glow. It is my color but I particularly hate it today. Gusto ko pang matulog ng mas mahaba pero pinipilit ako nitong magising.

Surrendering, I opened my eyes for another morning here at the Cavalleros' mansion. Nang napasulyap ako sa wall clock ay nakatatak roon na alas sais pa lang ng umaga. Pero tirik na tirik na ang araw sa labas.

I normally wake up too early. Even earlier than today. Pero kasi, nagpuyat ako kasama si Gon kagabi. We had random conversations about hobbies pero kadalasan ay natatahimik kami at napapatingala na lang sa kalangitang nilulukob ng mga bituin.

I smiled like a fool. I admit that I came to like him. Kahit pa man malupit minsan ang mga salitang lumalabas sa labi niya, nangibabaw sa akin ang mga pagkakataong nasisilip ko ang pagkatao niya.

I like how he's kind. I like how it is so contrasting with his rough physical features. Nagugustuhan ko sa tuwing tinatanong niya ako ng mga simpleng tanong na nagpapakita ng kahit kaonting concern at kabaitan. Gusto ko rin ang katangian niyang mapagmahal sa mga hayop. He did not directly tell me about it yesterday, but I sensed how he cared so much for them, respectful of the fact that they too, have lives and does not deserve to be treated less.

Pero habang nagtatagal na kinokolekta ko ang lahat ng magagandang katangian niya, napapatigil din ako, at sa huli napapawi ang ngiti na kanina lang ay nakapaskil sa mga labi.

Ang magustuhan siya ay hindi masama. Pero ang makaramdam ng mas lagpas pa roon ay hindi dapat. Kaya bago pa man makapunta roon ay kailangan ko nang pigilan ang sarili ko at paalalahanan sa lahat ng pang-aalipustang ginawa ng pamilya nila sa amin.

And just like a wake up call, my phone that's on the bedside table rings.

"Good morning, Ma. Kumusta po kayo diyan kina Tita Reesa?" bungad ko kaagad sa tawag nang makita sa screen na si Mama ang caller.

"Good morning, anak! Ikaw? Kumusta ka na? I'm doing good here, madalas na bumisita rito ang mga kasosyo nila Reesa dala ang mga apo nila kaya nalilibang din ako. And oh, ipapaalam ko sana sa 'yo na gusto kong magtrabaho bilang executive assistant ni Reesa. I offered to work for her yesterday and she's considering it! Hinihintay niya lang ang opinyon mo tungkol dito..." sunod-sunod na sabi ni Mama na hindi ko halos masundan.

Kunot-noong napaahon ako mula sa pagkakaupo sa kama. I finger combed my hair and started fixing my bed while being on the phone at the same time.

"Wait, what are you trying to say, Ma? Executive assistant? It's a hectic work and the doctor did not advice that you can move too much now! He strictly reminded us that you should do it step by step, step by step..." ulit ko sa huling punto at napahilot sa sentido.

Okay lang sana kung nasa opisina lang siya, nagmo-monitor sa kung anong mga paper works. But Tita Reesa's company is a shipping line at kadalasan, kailangan niyang isama ang assistant niya sa mga sites dahil hindi man kagaya ni Asmodeus na sobrang hands-on sa project, kailangan pa rin ni Tita na pumunta roon para sa lahat ng reviews at inspections.

"Tequila, alam ko naman. I am not ignoring the professional's advice but I know my body. Kaya ko na. Magpapahinga naman ako kung sakaling mapagod. And besides, Reesa's schedule isn't too hectic since Asmodeus assumed the position of CEO," mahinahon niyang paliwanag, kadalasan niyang tono sa tuwing kailangan niya akong mapapayag sa kung anong gusto niya.

Heat Wave (Disaster Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon