Simula

680 15 0
                                    

Simula


This is the last time I'm tainting my own character.

Sisikapin ko nang maging malinis sa mata ng lahat. Like a woman so prim and proper... modest, and always reserved.

I can try doing that and look better in people's eyes. Of course, I can do that.

Except that I won't.

Why the hell would I do that? Bakit ko naman sisikaping maging perpekto sa mata ng lahat?

They can all fuck their own versions of perfect and I'll live for me, for my family... for my mother.

Kaya isipin na nilang lahat ang gusto nilang isipin sa akin. I don't have the time to be sorry. Because in all honesty, my life is already fucked up as it is. Ayaw ko nang dagdagan pa ng stress ang sarili sa kakaisip sa kung ano mang iisipin ng iba.

"Ayan na naman ang naulilang anak ng dating Governor. Sayang ang ganda ng batang 'to. Kaya siguro sama ng sama sa kung sinu-sinong lalaki dahil wala namang nagpapayong ama. Eh bali-balita na pati step mother n'yan, kung sinu-sinong lalaki na lang din ang pinapapasok sa kuwarto," bulong ng matabang ale sa pamilihang nadaanan ko.

Lumingon naman sa akin iyong kausap niyang mamimili. Tumigil pa nga 'yong ibang nanininda sa ginagawa nila dahil lang dumaan ako.

I smiled sweetly at all of them then continued walking.

If gossiping is what keeps them going with their lives and helps them sleep at night, so be it.

Pero ako? Sama ng sama sa kung sinu-sinong lalaki? Totoo naman. Like, what is so bad about being friends with boys?

At si Mama, sinasabi ba nilang maraming lalaking pumapasok sa kuwarto niya? Totoo rin naman. Pero may mga babae rin namang pumapasok doon sa kuwarto niya. All of them are either my mother or my father's relatives, visiting her bedridden condition and even helping me by taking care of her.

Basically, people create their own version of truths. Whatever is convenient for them to believe.

So, yeah, they can all ramble with that big mouth of theirs while I shut this pretty little lips of mine because I know better.

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad, napapailing sa sarili dahil nilaanan pa talaga ng kaonting pag-iisip ang tungkol sa usap-usapan ng iba.

Nakalagpas na ako sa pamilihan at tumambad na ang mahabang kalsada patungo sa dulo ng El Valencia.

The sun's rays pierced through the leaves of the mahogany trees at the side of the road. Its warm light kissed my light tanned skin and highlighted some freckles on my cheeks and my shoulder blades.

Dahil sa init at mahaba-habang paglalakad ay namuo na ang pawis sa gilid ng noo ko. I wiped it off using my middle and index finger.

Kaonting paglalakad na lang dahil mula rito, tanaw na tanaw ko na ang malaking gate na gawa sa tansong pininturahan ng pula. And the barb wires are already extending from here to a far end.

Bakit ba kasi naroon siya sa rancho nila? Ikalawang araw pa lang pero pinapahirapan niya na ako sa misyon ko.

Nang nasa harap na ako ng gate at sa guwardiyang nagbabantay rito ay matamis akong ngumiti. I even tried to fix my high ponytail and some strands of hair that sticked to my nape because of the sweat.

I also tried to look at my white fitted shirt that's tucked inside my black cargo pants just to make sure there aren't any dirt on it. Wala naman. Only the vamp of my boots had some dusts on it because of the long walk.

Heat Wave (Disaster Series #2)Where stories live. Discover now