Baka magkaroon ako ng stress eating disorder dahil dito. Nakakaligtaan ko na rin palang magjogging minsan. Signs of aging na ba ito?

Napasandal ako sa sofa at hinihilot ang noo.

----

"Nagmeryenda ka na lil bro?"

Hindi ko na natiis na akyatin si Dale dahil sa pag-aalala ko na rin. Pasado alas syete na rin kasi at hindi pa siya bumababa.

Naabutan kong nasa cr siya at may napansin akong mga files na nasa kama nito.

Jehrizein Callevein's Cases 1999-2000
Jehrizein Callevein's Death Issuance Case 2000

Ano ito?

Pangalan ni Kuya Zein ang nakalagay dito ah...

"A-Ate Nica,"hindi ko napansin ang tawag sa akin ng kapatid ko, dahil lamang ang kaba na nararamdaman ko. Nakapako ang paningin ko sa mga sulat.

Ang case ni Kuya Zein ay nasa harap ko, ang files na ito....

"Saan mo ito nakuha?"

"It doesn't matter ate, give me that"

"It does matter to me Dale, kanino mo nakuha ito?"

Nag-iwas ito ng tingin, "someone gave that files, ibigay mo na sakin ate, please naman"

"Ilang araw kang nalulugmok dahil sa files na iyan? Akala ko ay nagrereview ka"

"I did, sinasabay ko naman. Mas angat ang accuracy ko sa Math kaya nasasabay ko"

Pilosopo.

Hindi ko malaman kung anong gagawin ko sa batang ito. Ginulo ko ng kaunti ang buhok ko.

Hindi ko masabi sa kanya na uuwi si Mommy, sa nalalapit nitong kaarawan, at ang surprise na maaaring abutan niya para sa kapatid ko.

Gusto kong mainis kay Dale, pero nagiguilty ako at the same time. Kahit nasa legal age na siya ay bata pa rin siya sa aking paningin. Ang hustisya para sa aming kuya ay hindi pa rin pala naaalis sa isip niya.

Paano kapag nalaman ito ni Mommy?

Natatakot ako sa maaaring mangyari. Tinapik ko na lamang ang balikat ni Dale.

"We are both having a hard time because of this...hindi pa ganon katagal simula ng namayapa si Kuya. Pero Dale, kahit ano pa ang resulta niyan still hindi niyan mabubuhay si Kuya Zein, think of it"

I'm not being rational here, but this is the only way of thinking that I've chosen simula ng namayapa si Kuya Zein. We are not being asked of what our feelings about being lost for our kuya. Neither our Mom Zeinie, or the Chairman Zei.

Kilala ko si Dale, pero...

Bigla itong nakita ng  dalawa kong mga mata. This is not him that I've used to know.

His possession of knowing things..

Ramdam na ramdam kong hindi lang para sa aming magkakapatid ang dahilan kung bakit inaalam niya ang kaso kay Kuya Zein.

Pakiramdam ko, he was waiting for the answers for that person. Basta, iyon ang kutob ko.

"Bakit ate?"

"W-Wala, kumain ka na nga, inaabisuhan kita, kapag nasangkot ka dyan talagang malalagot ka kay Mommy"

"Oo na, bababa na ako, aayusin ko lang tong papeles"

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now