CHAPTER 108

95 42 2
                                    

Thrianne's POV

"O.M.G. Mga tihhhh! Nakakaloka ka bakla!" niyugyog ni Pringles ang balikat ni Orange. Kanina pa sila nagkekwentuhan pero ni isa sa mga iyon ay wala akong mawatasan.

Nakapokus ang tingin ko sa daanan. Hindi mawala sa isip ko si Aldrico. Alam ko na hindi lang si Jehridale ang pakay nya. Alam ko iyon dahil nagpakalap sya ng tauhan sa cafe na pinagtatrabahuhan ni Orange. Hindi ko maiwasang kabahan.

Sa puntong iyon, kailangan kong mas pag-igihan pa ang pagmamanman. Delikado ang buhay ni Orange ngayon. Kakailanganin ko ang tulong ni Yashiko sakaling puntiryahin nila ang isa sa kahinaan ko.

Nakapamulsa akong humiwalay sa kanila ng mapansin ang pamilyar na naglalakad. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng kuryosidad na sundan sya. Basta iyon lang ang tanging alam ko. Ang sundan sya.

Pagkaalpas nya sa first floor ay napansin ko ang paglingon nya rito kaya mabilis akong nagtago. Muli ko syang sinundan ng mapansin naman nyang wala namang nakasunod sa kanya.

Nang papunta na iyon sa parking lot ay doon na ako huminto. Nakaamoy ako ng pamilyar na pabango.

"Ano ka ba naman! Syempre iilan lang ang taong nakakagawa non! Alangang lahat ng babaeng nakakalapit sa akin, nakakadate ako. No way. It's a big opportunity for them too. Once na makadate nila ang isang Airon, boom! Hahaahaha!"

Hindi ko maiwasang ngumiwi. Nakatago ako malapit sa kotseng pinagpaparadahan nila Nath.

"Putsa ka naman Airon! Hahhaahha! Baka nakakalimutan mong wala ring pwedeng makadate sa akin ng basta-basta! Hehe, hindi naman ako basta pahuhuli sayo dude, lamang pa nga ako sa'yo ng isang paligo eh!"

"Aba't ang yabang mo hahaaahahha!"

"Psh! Pareho kayong mayayabang! Mga ungas!" pamilyar na boses ang sumingit sa kanila. Sino oa ba? E di yung palaging naiinis pag may usapang ganon, gusto kasi sya palagi ang mauuna. Tsh.

Muli kong sinilip ang naglalakad na tao. Nakakapa syang itim, ang sinundan kong tao na pamilyar sa akin ay naglakad na papalayo sa kinaroroonan namin.

"K-Kilein?"

O_O

Napaharap ako sa likuran ng mapansin si Shinichi. Mukhang nakorner nila ako.

"What are you doing here?"

"Kilein?! Anong ginagawa mo dito? May pinagtataguan ka ba??"

Hindi ako kaagad nakasagot sa kanila. Hindi ko mapigilang kabahan. Ito ang unang beses na may nakahanap sa akin. Hindi kasi naging maganda ang taguan ko rito. Madali nga naman nila ako makikita dito.

Seryosong-seryoso ang mukha ni Timrelli sa akin, "Are you spying someone?"

Napatingin lahat ng kaibigan nya sa kanya. Ilang beses akong napalunok. Nang mapiga ko ang kuko sa aking daliri ay nakakilos na ako ng maayos. Iniwan ko sila ng hindi ko nasasagot ang mga katanungan sa isip nila.

Timrelli's POV

Nagkatinginan kaming lahat ng umalis bigla si Kilein ng walang simasagot ni isang tanong sa amin. Hindi ko alam kung aning mararamdaman ko dito. Kinabahan ako. Sobra.

Saglit na katahimikan ang namuo sa amin. Walang ni isang salita ang lumabas. Kapwa kami natulala sa nangyari.

Maya-maya pa, nang nakarinig kami ng may umaandar na kotse ay bigla na lang kaming nagiisng sa ulirat.

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now