CHAPTER 152

16 14 2
                                    

CHAPTER 152

Please kindly vote and comments for the chapters, only half of this left, thank you 💕

Shinichi Kazumi's POV

"Gee, thanks"

Nakangiti kong nilisan ang canteen habang bitbit ang isang cup of coffee. Hindi ko na pinuntahan ang catio mania dahil alam kong nandoon sila Dale, balak kong mapag-isa.

Nakalipas ang ilang araw simula ng naisipan naming magdate ni Thrianne Kilein sa bahay ni Natheleo. After niyon, naging busy kami pareho sa mga personal na pakay sa buhay.

I already heard sa kanila ang mga nangyayari sa babaeng nililigawan ko, and to be honest I feel like napagiiwanan ako ng informations. Behind those scenes, may mga nagsasabi sa akin ukol sa mga taong may atraso sa kanya.

Hindi pa ako gumagawa ng paraan dahil ayaw kong madamay...

At napagalaman ko rin kay Nath na may pupuntahan kaming guy sa NMU to check if the tip na binigay kay Dale is true.

Gusto ko sanang ipaalam kay Kilein kung alam ba niya, kaso hindi siya makontak. I've been very busy din kasi simula ng bumisita si Takeyoshi Reiko dito.

And siguro, si Mom ang may pakana nito...

Nagtungo ako sa practice room kung nasaan sila Crayden. It's all empty right now.

Nasaan kaya sila? Kilala ko si Crayden, masyado niyang mahal ang banda kaysa studies, siguro may hangout silang tatlo?

Dinial ko ang numero ni Crayden. Kaagad naman niya akong nasagot, he told me na nasa cafeteria sila. May mini-gig din sila mamayang gabi.

Without the vocalist? Paano sila makakapagperform?

Hindi naman niya sinabi kung saan sila magkakaroon ng mini-gig, medyo nadisappoint pa nga ako dahil ibinaba na niya kaagad ang tawag.

Wala akong nagawa kundi pumasok sa kwartong iyon.

Kung mapapansin, isa iyong kwarto na pangbanda, pero may malaking salamin sa harap. Kumbaga, kung gagamitin as dance room pwede rin itong magamit.

Napaupo ako sa sulok. Gusto ko ang katahimikan. Hindi ko na alintana ang mga alikabok na kitang kita sa sinag ng araw mula sa bintana.

Now that I am alone now, I'm just wondering of her. Ano na kayang ginagawa ni Thrianne Kilein?

Hindi ko maiwasang macurious sa mga ginagawa nya, para akong sira.

Napangiti ako sa kawalan. Hindi ko alam na naubos ko na pala ang kape ko. Hays.

----

Jehnica's POV

Ano na naman bang binabalak ng kapatid ko?

Nakapagtataka lang, ilang araw na siyang walang kibo simula ng kakabalik ko lang galing Singapore. Hinatiran ko naman siya ng pasalubong, but still, para siyang tanga sa kwarto, nagkukulong for weekends.

Gustuhin ko mang makialam pero may kutob akong importante ang pagkukulong niyang iyon. Hindi ko na talaga carry ang mga kabataan nowadays.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang pinapahinga ang mga paa ko. Kumuha ako ng donut na inilabas ko galing ref.

Wala kaming mga katulong ngayon. Lahat sila ay pinauwi ko muna, nasstress din ako sa lagay ng negosyo nila Daddy sa Singapore.

And worst, mukhang uuwi si Mommy sa birthday ni Dale.

Malapit lapit na rin, next 2 months na. Hindi sa ayaw ko siyang umuwi, ugh!

Stress! Arg! Stress!!

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now